VI. Mistaken Identity.

243K 4.6K 310
                                    

"Magtuturo ka sa Don Alejandro University?" Sabi nung babaeng lumapit samin, mukha siyang teenager pa. She's pretty, pero ayokong makasuhan ng 'child abuse'.

"Yup. Wala ba sa itsura ko?" I kidded.

"Hindi naman. Dun lang din kasi ako nag-aaral." Oh. Teka nga, mas nauna ko pa nalaman kung saan siya nag-aaral kesa sa pangalan niya.

"Oh. Small world. Mark nga pala." Then tinuro ko si Zeke."And he's Ezekiel." Nginitian niya kami pareho.

"Nice to meet you, Guys. I'm Maggie." She smiled.

"Ikaw lang mag-isa?" She shook her head.

"No. Actually, kanina pa yun nagpaalam na gagamit ng CR. Ang tagal nga niya eh." She look worried.



Bago pa man ako makapagsalita. Nagulat ako ng may biglang sumulpot na babae.


"Uhm Maggie?" Medyo madilim sa part niya.

Ang mas ikinagulat ko nga lang ay ang reaksyon ni Zeke. Nabitawan niya ang basong hawak niya at nabanggit niya ang pangalan na isinumpa niyang hindi niya babanggitin ngayong gabi.


"Mars?" Lumapit lalo yung babae at naaninag ko na ang kanyang itsura.



WHAT THE FVCK?!


"You must be mistaken." She smiled politely. "Riri po ang pangalan ko."


Napatayo ako at nilapitan siya. "Hindi siya pwedeng magkamali." And before she knows it, I hugged her.


"You don't know how much I missed you, Mars!" Hindi ko mapigilang hindi umiyak.


Nagulat lang ako ng nagpumiglas siya. "No, Sir! Nagkakamali kayo, Riri po ang pangalan ako, Anna Maria Ordonez. Hindi po ako yung Mars na kilala niyo."She said calmly. Binitawan ko siya.

"Ano ba, Mars! Wag mo nga akong pinagloloko. Sorry na kung iniwan kita nuon." She frowned. Tinanggal ni Maggie yung kamay ko na nakahawak sa kanya,


"Excuse me, Mark. Mukhang nagkakamali kayo. Hindi nagsisinungaling ang kaibigan ko at hindi Mars ang pangalan niya." Hahawakan ko pa sana ulit si Mars ng hinila siya ni Maggie.

"I'm sorry, but we have to go." Mabilis silang nawala sa harapan ko. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ko sila hahabulin.


Nagmadali akong sumiksik sa gitna ng dancefloor para maabutan ko sila Mars. Hindi kami pwedeng magkamali ni Zeke! Si Mars siya! Galit lang siguro siya kaya niya nasabi yung mga iyon.



"MARS WAIT!" Nahabol ko silang dalawa at nahila ko ang braso ni Mars.

"Mars, ano ba. Ang tagal na panahong naging torture ang buhay ko ng mawala ka. Wag ka namang ganyan. Wag ka namang umarte na hindi mo ako kilala! Wag mo naman akong ganituhin!" Nagpumiglas si Mars.

"Kuya, kung ano mang problema niyo ng girlfriend mo, I'm really sorry! Pero hindi ako si Mars." Napahigpit yung pagkakahawak ko sa kanya. "Aray! Nasasaktan ako!"Nagulat ako ng hampasin ako ng purse ni Maggie.

"Bitawan mo siya, you freak! Rapist ka siguro at yan ang modus operandi niyo no! Bitawan mo ang best friend ko!"Dahil sa pagpalo-palo sakin ni Maggie at sa pagsisigaw niya, naka-attract siya ng atensyon at nagsilapitan ang mga security guard at baouncer ng bar.


"Anong problema dito, Miss?" Sabi ng isang bouncer.

"Eto kasing lalaking to! Pinagpipilitan niyang girlfriend niya yung best friend ko! Eh ngayon nga lang namin siya na-meet!" Napatingin yung bouncer sakin at napabulong."Sh.t. VIP."

"Sir, totoo ba ang sinasabi nila?" Bago pa ako makasagot, nagsalita ulit si Maggie.

"Pwedeng umalis na kami dito? Nakakatakot makasama yang freak na yan!" Nag-umpisa na silang maglakad palayo.


Hinabol ko ulit sila pero may humila sakin. "Pre! Ano ba?! TAMA NA!" Hindi ko nahabol si Mars, nakasakay na siya ng taxi. Nawala na siya sa paningin ko.

"Pre, bat mo naman ako pinigilan?! Si Mars yun! Yung babaeng binalikan ko dito sa Pinas! Yung babaeng pilit nilalayo sakin ng mundo! Buhay pa siya, Zeke!" Hinila ako ni Zeke at isinakay sa sasakyan niya.

Sumakay siya sa driver's seat. "Mukhang hindi talaga siya si Mars. Mukha pa silang teenager! Baka sampung taon pa nga ang tanda natin sa mga babaeng yun eh!" Yumuko ako at tinakpan ang aking mukha ng mga palad ko. 


Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nahiya kay Zeke... Humagulgol ako sa harapan niya. "Magkamukhang-magkamukha sila... Imposibleng magkamukha lang sila..." Naramdaman kong hinagod ni Zeke yung likuran ko.

"Pero pano kung magkamukha lang talaga sila?" Umiling ako at humarap sa kanya.

"Hindi... Siya si Mars. Sigurado ako." Napakamot ng ulo si Zeke.

"Paano ka nakakasigurado?" Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko bago nagsalita.

"Dahil yun ang sinasabi at nararamdaman nito."Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon