II. The New Girl.

339K 5.5K 1.4K
                                    

"Anak, nainom mo na ba ang gamot mo?" Hindi ko pinansin ang boses ni Mama na nanggagaling sa baba.


Andito ako ngayon sa kwarto ko, gumuguhit ng isang mukha ng lalaki... Gwapo siya, in fairness! Bakit ko ba ito ipinipinta? Hayaan na nga natin, ang importante... gumagaan ang pakiramdam ko kapag naiguguhit ko ang kanyang mukha.


"ANNA MARIA ORDOÑEZ!" Sabay kalampag ng pinto ng kwarto ko. Naku! Maitago na nga itong sketch pad ko! Baka kung anu-ano pang itanong ni Mama!

"Mama... Pwede namang Riri na lang eh!" Sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama.

"Hindi ka kasi sumasagot, kanina pa kita tinatawag."Napatingin ako sa hawak niya.

"Ma, hindi naman po ako inaatake ng migraine ko eh."Inabot niya pa rin sakin ang baso at yung gamot ko sa migraine.

"Para makasiguro lang tayo, anak! Sige na't inumin mo na iyan, wala namang mawawala sa'yo." Tumango na lang ako.


Pagkatapos kong inumin yung gamot ko, umalis na agad si Mama ng kwarto ko. Binaling ko na lang ang atenyson ko sa iginuguhit kong larawan kanina. Ewan ko ba, bakit ang galing ko magdrawing.  Palibhasa, bobo ako eh!  Makakalimutin kasi ako sa mga lessons ko ngayon, kahit anong aral at pagkakabisado ko, kinabukasan kakaunti na lang ang naaalala ko. 

Pero may kaunti din naman akong alam sa pagkanta, pero ang shower lang at ang banyo ang saksi sa kagandahan ng boses ko. Mahiyain kasi ako eh, kahit hindi naman halata! 



We were high
We were low
but I promise I will never let you go
said I got I got I got I got your back boy
I got I got I got I got your back boy---



Sinagot ko agad yung cellphone ko. Si Maggie lang pala, yung best friend ko. 


"Riri! Guess what~" Halatang kilig na kilig si Maggie. Siguro liligawan na siya nung tipo niyang lalaki! 

"Hay naku, Maggie! Alam mo namang sumasakit ang ulo ko kapag nanghuhula ako eh!" Narinig ko naman siyang tumawa.

"Ang KJ mo talaga! Pero sige na nga, sasabihin ko na sa'yo!" Napairap naman ako, nabatukan na siguro ako nun kung nakikita niya lang ako ngayon.

"Oh ano? Dali! Gagawa pa ako ng assignment sa Statistics!" Narinig ko na namang sinabi niya na KJ ako. 

"Nagpapatulong sakin si Rico na panliligaw sa'yo! AYIEEE!" Okaaaaay... Sino si Rico? 

"Rico who?" narinig ko namang bumuntong hininga naman si Maggie, pumunta naman ako sa harapan ng laptop ko at nagsearch ng Rico sa mga friends ko and...

"Ay! Ano ba naman yan! Pati crush mo, nakakalimutan mo! Grabe ah? Ulyanin to the maximum level na yan ah!" GWAPO si Rico ah!  Pero sure ba siyang crush ko to? Bat walang butterflies? :|

Pero syempre, hindi ko na sasabihin yun! Masisira ang mood ni best friend, matutuloy na ang pangarap niyang maging tulay siya sa isa sa mga gwapong may gusto sa akin sa school. 


"Oo nga eh! Blame Papa for driving recklessly!" Nasangkot kasi kami sa isang aksidente a year ago, literal na naalog ang utak ko. Kaya eto, nagka-jumble-jumble na yung memories ko! 


"Hay nako! Wala tayong mapapala kung maninisi tayo no." She's right pero hindi ko naman sinisisi si Papa. Hindi niya naman sinasadya yung nangyari eh, wala namang may gustong mangyari yun eh.

"Nagbibiro lang eh! Oh sige na, gagawa pa akong home work ko, ikaw din ah? Para hindi ka na mangongopya sakin! " Narinig ko siyang tumawa.

"Hindi rin no! Ayoko ngang mamali ang sagot ko! Sige na, byeee! See you tomorrow, Riri!" 



Tapos na akong gumawa ng home work ko sa Statistics, kaya ito ako. Nakasalamapak sa kama at nagmumuni-muni...


Ano kayang nangyayari sa buhay ko ngayon kung hindi kami naaksidente? Hindi ko siguro best friend si Maggie ngayon. Hindi ko siguro tini-take-up ang BS Psychology. Hindi sana ako makakalimutin. At hindi sana ako nanghuhula kung anong nangyari sa nakaraan ko... kung may kababata ba akong sobrang kaclose, kung meron ba akong best friend na nakalimutan or kung saka-sakali... nagka-boyfriend na kaya ako nuon?


Kapag kasi tinatanong ko si Mama at Papa, hindi nila ako diretsahang sinasagot. Pero madalas, sinasabihan nila akong wag ko na lang din intindihin ang nakaraan ko dahil wala naman daw ako dapat maalalang importante na nangyari nuon. Ganun kaya ka-boring ang buhay ko nuon? Ayoko naman ding kontrahin sila Mama at Papa, they know what's best for me. Pero may malaki kasing kakulangan sa pagkatao mo eh, pero anong magagawa ko, wala talaga akong maalala.


Sabi sa mga telenobela, it takes days, weeks, months or years para bumalik ang mga alaalang nakalimutan dahil sa mga aksidente pero yung akin, it might not come back. Nawawalan na ako ng pag-asa na malaman yung nakaraan ko, mailap sakin yung memories eh. Tsaka walang mga nagtitrigger sakin para maalala ko yung mga bagay-bagay. Mostly, puro migraine lang ang napapala ko. 


Ang tanging bagay na naaalala ko lang ngayon ay ako si Anna Maria Ordoñez, 19 years old, isang BS Psychology student, nag-iisang anak ni Cecilio at Theresa Ordoñez, hindi pa ATA nagka-boyfriend at never been kissed. 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon