Chapter 49: Panic

3.6K 56 6
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 49: Panic

 

“Ge bilis!!” sigaw ni Sarah na nagmamadaling nag-iimpake. They took the first flight home. Nang malaman nilang manganganak na ang ate niya, kaagad silang kumuha ng ticket at nagimpake. “Babe, are you sure wala ka nang nakalimutan?”  tanong ni Gerald nang makita niya na tapos na mag-impake ang asawa.

Dumeretcho si Sarah sa banyo para maligo nang tawagin siya ni Gerald “Gusto mo sabay na tayo?” malokong tanong nito. Nanlaki naman ang mata ni Sarah sa sinabi ng mister. “Next time babe. This time we need to be quick”  nakangising sabi ni Sarah bago tuluyang pumasok ng banyo.

Si Gerald naman habang inaantay na makalabas si Sarah ay tinawagan ang kapatid. He asked Ken if he could visit the Geronimos in the hospital. “actually kuya, Mom and I are on our way there” sabi ni Ken. “Great. So update me okay? Sarah and I will be going home as soon as we can” masayang sabi ni Gerald sa kapatid.

Nang ibaba na ni Gerald ang phone ay sakto namang lumabas si Sarah na kaagad dumerecho sa may kama at kinuha ang damit na isusuot. “Babe it’s your turn” sabi ni Sarah habang pumapasok sa walking closet.

“Okay” pumasok na siya sa banyo at nang paglabas niya nakita niya si Sarah na nasa veranda at may kausap sa phone. “Sige, sige, papunta na kami ng airport. Sa VIP mo nalang kami sunduin ni Ge. I-kiss mo nalang muna ako kay Ate ha. Kung pwede” napalingon siya sa asawa na walang saplot kung hindi isang tuwalyang nakapulupot sa kanyang beywang. “Ah sige gab, bye na muna” ibinaba na ni Sarah ang phone at naglakad na papunta sa kanyang asawa.

“Oh gosh, I can’t believe na manganganak na si Ate” masayang sabi ni sarah. “I never imagine na magiging nanay yun eh!” biro pa nito na ikinatawa ni Gerald “She has been, the most strict, controlling, she is the chief sa aming apat. Kala ko nga dati walang magpapalambot na lalaki doon pero ngayon eh may baby na” sabi ni Sarah sa asawa.

“Alam mo Babe, if you want a baby of our own. Eh pwede tayo gumawa ngayon” pilyong sabi ni Gerald. Akmang tatangalin na niya ang tuwalya niya nang hawakan ni Sarah ang kamay niya “Opppss! No, no no mister. Bawal muna pilyo ngayon. We need to go home as soon as possible” nakangiting sabi ni Sarah “Kaya sige na, go na! magbihis ka na” tinulak niya ang asawa papasok ng closet at pinagbihis.

Nang makalapag na sila sa NAIA, Agad naman kinuha nila Sarah ang kanilang mga gamit. Papunta na sila noon sa VIP lounge nang makita ni Sarah ang isang babaeng nakatalikod.”Wait babe” sabi niya sa asawa, kaya pareho silang napatigil.

“Si ate Johna oh!” turo niya dito.  Napa Oo naman si Gerald nang makita nga niya ito. Lalapit na sana sila nang may lumapit na lalaki sa dalaga, at mabilis na hinalikan ito sa labi. “Fred?!” sabay na naging reaksyon ng dalawa.

“Sila?” Sabay parin na tanong nila sa isa’t isa. “hindi ko alam” sagot ni Sarah habang “I don’t know” naman ang sagot ni Gerald. Both of them are shocked, seeing Fred and Johna together. And they kissed by the way. This made the two think, naisip nila yung mga itsura ng mga kapatid nila nung umaga nung bago sila umalis.

“Di ba…” hindi pa man tapos magsalita si Sarah ay sinagot na siya ng asawa “Ken likes her, but she is with Fred so…” para naman pinagpraktisan ng dalawa ang mga sasabihin dahil alam na alam nila kung ano ang iduduksong sa sinabi ng isa “So that means, nagkaroon ng away or something that night. Kaya may pasa si Ken and maga yung mata ni Ate”  sabi lang nila sa isa’t isa habang pinapanood na naglalakad palayo sila Fred.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon