Chapter 5: Thinking of you

5.3K 49 7
                                    

My  right Kind of Wrong

Chapter 5: Thinking of you

Umakyat na si Sarah sa  kwarto niya at humiga sa kama. Hiwalay na nga kaya sila ni Maj? Pero siguro naman hindi kasi nung nakita ko sila ang sweet pa nila at magkayapos pa. iniisip-isip ni Sarah. 

“Pero ano ba yan Sarah! Anong bang pinag-iiisip mo! Ano gusto mo naman tong nangyayayri?!” umupo si Sarah at sinasampal ang sarili nang kumatok si Daddy Delfin para tanungin siya kung kakain ba siya.

Hindi siya agad nakasagot dahil nga masyadong siya occupied sa pag-iisip sa “nasabing” break-up dawn g dalawa. “anak? Papasok na ko”

Pagpasok ni Daddy Delfin ay nakita niya si Sarah na nasa ganong pwesto parin; nakaupo sa kama nakapatong ang siko sa tuhod at nasa mukha ang mga kamay. “Sarah may problema ka ba?”

“Ay palaka!” nagulat si Sarah na ikinabigla naman ni Daddy Delfin dahil nagpaalam naman siya bago pumasok ng kwarto. “Daddy anong ginagawa mo dito?”

“Aba anak ayos ka lang ba?! Kanina pa ako nakatok sa labas. Hindi ka naman sumasagot kaya pumasok nalang ako.” Paliwanag ng Daddy niya

“A-ah ganun po ba. Naku pasensya na po”

“kakain ka pa ba?”

“ay hindi na po daddy kumain na po kami nila yeng kanina”

Lumabas na siya at iniwan na si Sarah. Pero hindi niya maiwasan mag-alala kaya sinabi niya ito kay mommy D.“ayan mo na muna daddy lilipas din yan.” Sabi ni mommy D

  Alam ni mommy D na si Gerald nanaman ang rason kung bakit ganyan ang anak niya; alam niya na hanggang ngayon ay mahal parin ito ni Sarah. Ilang minuto ang lumipas ay may tumawag kay mommy D.

Wala parin sa sarili si Sarah, kaya naisipan nalang niya na maligo. Pagkalabas niya ng CR ay tiningnan niya ang phone niya at nakita na meron 3 missed call from yeng. Tinawagan niya ito at inilagay sa loud speaker para makapagbihis siya.

“Sars! Nanood ka ba ng TV patrol?”

“yung last part nalang napanood ko nung dumating ako eh”

“so inabutan mo yung kilala Ge at Maj?”

“uhmm.. Oo yung nga lang naabutan ko eh”

“OMG! Sars! So kamusta ka naman ngayon? Ok ka lang ba? Inisip kitang kamustahin gawa nun sinabi mo samin kanina ni Shin sa restaurant kaya ano..”

“Sis, relax ok lang ako no! tsaka wala na kami remember. Kung totoo yun eh labas na ako at sana naman hindi nga totoo ung issue na yon dahil saying one year na rin silang dalawa”

“Wow ha! Showbiz na showbiz sagot mo! pero Sars kung kailangan mo ng kausap naandito lang kami ni Shin. Pwede mo kaming makausap ng matino” biro ni Yeng.

“alam ko naman yon eh! Madalas nyo man ako lokohin eh matino naman kayong kausap pagdating sa drama ng buhay ko.” Natawa nalang si Yeng sa sinabi na ito ni Sarah.

“Oh sya sige na Sars, bye na tinawagan lang naman kita para kamustahin ka good night sis! Salamat sa kanina”

“Ok sis, night! Salamat rin nagenjoy ako!”

Trinoma, parking lot, two years ago

“Ang sarap ng dinner babe! Thanks ha!” masayang sabi nito kay Ge pero nang tumingin siya ay para bang malalim ang iniisip nito “Babe?” sabi niya.

“Babe, why so quiet all of a sudden?” tanong niya kay Gerald

“Babe wala, I just remember something.” Sagot nito

“Is it something na sinabi ni mommy sayo?”

“no, No!  babe what would you think that!” napalakas na sabi ni Gerald

“Babe I know na kinausap ka niya nung isang araw at sinabi niya na” hindi agad natapos ang sasabihin niya dahil hindi niya mailabas ang mga salita na dapat niyang sabihin.

“na?” tanong ni Ge

“na maghiwalay daw tayo para sa mga career natin; na hindi ito ang tamang panahon para sa isang relationship” napayuko nalang si Gerald ng marinig ito. Hindi niya alam na alam ni Sarah ito dahil at the first place ayaw niya itong ipaalam sa kanya dahil ayaw niya na maging rason ng pag-aaway ng mag-ina.

Inilapit ni Sarah ang mukha niya kay Gerald at hinawakan ito. “but Babe, promise me hindi mo ko iiwan. Please” napatitig nalang si Gerald at tumango.

“I love you Babe, always remember that. You’re the girl who makes me a better person.” Sabi ni Gerald na puno ng lungkot ang boses.

“I know, Babe I also wanna say to you na ikaw ang kaisa-isang lalake na nagturo sakin na pwede pa akong maging malaya ng hindi sinusuway ang magulang ko. You’re the reason kung bakit ako ganito kasaya. You’re the reason why I’m this new Sarah, Braver; Bolder”

“Fiercer” sabay na sabi ng dalwa na tinawanan nilang dalwa.

“I love you Babe, thank you.” dagdag ng dalaga.

“your seatbelt baby girl ihahatid na kita gumagabi na oh” sabi ni Gerald na nakangiti na kay Sarah.

Kararating lang ni Ge sa bahay at agd niyang tinext si Sarah

To: Babe Sarah

Babe J just got home! Safely! I love you! sleep tight!

Umakyat na si Gerald sa kwarto at naalala niya ang naging pag-uusap nila ni mommy D.

“Iho alam mo naman na si Sarah lang ang inaasahan namin hindi ba.” Sabi ni mommy D sa kanya

“Opo naman po tita. B-bakit po?” tanong niya nang nagtataka

“Sa tinggin ko ay itong relationship na meron kayo ay hindi tama sa ngayon. Sa tinggin ko ay isa ka lang distraction para sa anak ko.” Hindi malaman ni Gerald ang sasabihin niya dito dahil hindi niya lubos isipin na ito pala ang tinggin ng mommy ni Sarah sa kanya- isang distraction

“Tita san po ba pupunta itong usapang ito?” tanong niya na may kasama paring pag galang.

“Gerald gusto kong maging masaya ang anak ko pero ngayon dapat trabaho muna dapat ang iniisip niya. Sa tinggin ko ay hindi pa handa ang anak ko para sa ganito” Pakiramdam ni Gerald ay parang sinaksak siya sa puso nang marinig niya ito mula bibig ni mommy D. Tumigil ang pagtakbo ng oras para kay Gerald dahil talagang speechless siya nung mga panahon na yon.

“T-tita mahal ko po si Sarah at “ hindi na siya pinatapos ni mommy D. sa pagsasalita at sinabi nalang niya ang gusto niya sabihin kay Gerald sa simula.

“Gerald gusto kong layuan mo na ang anak ko. Gusto kong hiwalayan mo na siya bago niyo pa tuluyan masaktan ang isa’t isa.”

Author’s note:  salamat sa lahat ng mga nagbabasa.. thanks for reading my FanFic

Intiyin niyo nalang po yung next update ko. Di naman po magtatagal yung update na yon. SANA ;)

Comment nalang po kayo hahah gusto kop o malaman kung anong tinggin niyo sa story.. tips mga ganun! SALAMAT :)

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon