Chapter 43:

4K 56 8
                                    

From: Yeng

Sars, Nasa condo ka?

To:Yeng

Yup!

From: Yeng

Great! See you later!

Nagtaka si Sarah sa mga text ni Yeng. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan. Napa-isip naman ang dalaga kung meron na naman siyang nakakalimutang lakad nila ni Yeng.

Nagdesisyon si Sarah na magbihis nalang ng panglakad para sakaling bigla siyang hilahin ni Yeng ay handa siya.

Matapos niyang makapagbihis, narinig niya ang phone niya na nagriring

Nakita niya ang caller ID, Natawag si Gerald.

“Hello Babe” masayang bati niya.

“Ah, Babe”

“Hmm”

“Meron kasing party sa kin yung boys,”

“Bachelor party ?”

“Yeah, wait you know?!”

“Oo, ipinagpaalam ka nila sa akin, basta ha no girls!”

“Promise Babe, no girls”

“Okay, be good ha Babe!”

“yes misis I love you”

“I love you too mister. Sige bye na, enjoy”

“Bye, ingat kayo ng girls ha” ibinaba na ni Gerald ang phone bago pa man makapagtanong si Sarah. Sakto naman na may kumatok sa pinto.

“Good your dressed!” sabi ni Shin pagbukas na pagbukas ni Sarah ng pinto.

“Huh?” naguguluhang sagot ni Sarah.

“Get your bag Sars! Bili!” dagdag ni Yeng.

“saan tayo pupunta?”

“Basta bili na!”

Kinuha ni Sarah ang susi at bag niya at lumabas na sila ng kwarto.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” nakakasampung tanong na ata si Sarah mula nang makasakay sila sa  sasakyan pero hindi parin talaga siya sinasagot ng mga kaibigan.

“Mamaya malalaman mo, matulog ka muna kasi alam namin na pagod ka gawang kinareer mo yung shooting at rehearsals dib a” Lumingon nalang sa labas ng bintana si Sarah at pinagmasdan ang mga ilaw sa lansangan. Hindi nga nagtagal at nakatulog na siya dahil narin nga  kulang rin siya ng tulog.

“Ano tulog na?”

“Oo” mahinang usapan nila Yeng at Shin

“Sis, wake up”

Nang magising si Sarah nagulat siya nang makitang nasa tapat sila ng condo niya.

“Anong ginagawa natin dito?! Pinagbihis niyo ko para iikot lang ng iikot sa buong manila?!” naiinis na tanong ni Sarah.

“Ano ka ba, the real surprise ay nasa condo mo” sagot ni Shin

“Kasi naman, ang aga mong umuwi!”

“Ako pa?!”

“Eh mamaya na kayo magtalo, tara na dali!” lumabas na sila ng kotse. Hila-hila ng dalawa si Sarah.

“Hayy alam niyo kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan baka iba na nagawa ko sa inyo.”

“Kaya mo nga kami mahal dib a gawa ng mga kalokohan namin” nakangising sagot ni Yeng

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon