Chapter 14: Everywhere I go,all I see is YOU

5K 56 10
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 14: Everywhere I go,all I see is YOU

Nagising si Sarah ng may ngiti sa mukha. Tinignan niya agad ang kanyang cellphone at lalo naman nakumpleto ang araw niya ng makita ang isang text message galing kay Gerald.

From: Gerald

Heyy Baby girl :)) Good morning :)) Hope you Sleep well .

Nagenjoy ako kahapon !

Nagreply naman si Sarah sa message ni Gerald.

To: Gerald

Good Morning din Baby Boy! Yup sarap ng tulog ko.

Medyo pagod pero ok lang. ENJOY naman ako. Thanks for last night!

Hindi nagtagal ay nagreply na si Gerald. Agad namang kinuha ni Sarah ang phone niya na nakapatong sa kama.

From:Gerald

Im glad you enjoyed it. Next time ulit?

To: Gerald

Yup! Pwede ka na palang tour guide eh ;) next time?? Try ko… or pagbalik nalang sa pinas?!

Nakain si Gerald habang katext niya si Sarah pero nang mabasa niya ang pinakahuling text nito ay halos mabilaukan siya.

“Sa pinas?! what does she mean? “ sabi ni Gerald na nagtataka pero may ngiti parin sa mukha.

To: Baby Girl

Sa pinas?! W-well I’m speechless! Hindi ba masyado ka nang busy when we get back?

From:Baby Girl

Medyo. Pero for you meron ;)

Tumigil ang mundo ni Gerald nang mabasa niya ang message ni Sarah.

Baby girl! Bakit laging ang lakas ng epekto mo sakin! Bawat salita mo kahit nga text ay naninigas ako! Hayy naku Sarah! This time I promise myself that I’ll never gonna let you go again

Sabi ni Gerald sa sarili. Maya maya pa ay nagreply na siya kay Sarah.

From: Gerald

Wow! Na-shock ako! Pero thanks baby girl. For letting me enter your life again.

Sobrang kasiyahan ang naramdaman ni Sarah nang mabasa niya ang huling text. Nakatitig siya phone niya ng may malaking ngiti ng mapansin niya ang isang imahe sa may pinto.

Lumingon si Sarah sa dereksyon nito at nakita niya ang mommy niya na nakasilip sa pinto.

“Ma! Ano pong ginagawa niyo dyan?” Tanong ni Sarah sa ina. Inalis ni Sarah ang kanyang ngiti at inilapag ang phone niya sa kama dahil ayaw naman niyang makahalata ang mommy niya.

“Pinuntahan lang kita dahil di na kita nakita kagabi nang umuwi kayo ng ate mo. Kamusta naman?” Tanong ni Mommy Divine habang naglalakad palapit kay Sarah.

“Ok lang naman po. Masaya, sobrang enjoy” sabi ni Sarah na wala nang ibang maisagot sa ina dahil hindi nga naman talga sila nagshopping ng ate Johna niya.

“Ah, ganun ba. Teka bago ko makalimutan, kailangan ka sa baba. Ikaw ang maid of honor hindi ba?!” sabi ni mommy Divine.

“Osige po.” 

Tumayo si mommy Divine at kinuha ang tuwalya sa cabinet at iniabot ito kay Sarah “Maligo ka na bilis.” Utos nito sa anak.

Agad namang tumayo si Sarah at dumirecho sa banyo, naiwan si mommy Divine na nakatayo sa kwarto. Tumingin siya sa phone ni Sarah.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon