Chapter 24: Finally!

5K 50 25
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 24: Finally!

“Kayo ba?” naguguluhang tanong ni Yeng.

Tumingin siya kay Sarah at itinaas ang kilay. Tumango nalang ito para sagutin ang tanong ng kaibigan.

“Oh My Gosh!” niyakap niya bigla si Sarah. “I’m so so happy for you! at last! Naging kayo rin ulit! I know na kayo talaga ang dapat sa isa’t isa”

“Ano?” nagulat na sabi ni Sarah.

“Wala, teka may date ba kayo?”

“Ah oo eh” sabi ni Sarah.

“Ganun ba?! Teka pumunta lang naman ako dito para ibigay ito sayo” iniaabot ni Yeng ang papel na hawak niya.

“Invitation yan para sa birthday ko. Pumunta ka ha! pumunta kayo!” sabi niya at itinuro nito si Gerald.

“Oo naman Yengay pupunta kami.” Lumapit siya kay Sarah at umakbay dito.

“Osige, aalis na ako at baka mahuli pa kayo sa date niyo.”

“Baba ka na? teka sabay na rin kami” sabi ni Gerald.

“oo nga sabay sabay na tayong bumama. Teka lang kukunin ko lang bag ko.” Pumasok saglit si Sarah para kunin ang bag niya.

“Hoy ikaw ha! wag na wag mo nang sasaktan yan kaibigan. Kung alam mo lang kung anong nangyari dyan nun iniwan mo siya dati.” Sabi ni Yeng

“H-ha? anong nangyari?” biglang inilagay ni Yen gang kamay niya sa bibig niya.

Oh gosh! Yeng you and your big mouth! Sabi nito sa sarili

“H-ha? wala no! basta alagaan mo yang kaibigan ko!”

“Oo naman. Aalagan ko siya at mamahalin ko pa siya ng sobra sobra” masayang sabi nito

“Hmm totohanin mo yan Gerald ha!”

“Syempre” nakangiting sabi nito sa kaibigan.

Pagkalabas ni Sarah ng kwarto ay sabay sabay na silang bumaba. Pagdating sa parking ay nagkanya kanya na silang punta sa mga kotse nila at pumunta na sa kanilang dapat puntahan.

“So Babe kamusta naman team building?” tanong ni Gerald habang nagmamaneho.

“Masaya! Ay tsaka nameet na namin yung isa pa naming kasama” excited na sabi ng dalaga.

“Talaga? Sino?”

“Si Bryan pala.”

“Pala?”

“Oo. Kasi biniro ako ni Coco kanina sabi niya ikaw daw. Edi naging excited ako pero syempre hindi ko pinapahalata.” Kwento nito

“Pero si Bryan yung lumabas?”

“Oo.” Malungkot na sabi nito. “Pero Ok lang kasi magkaibigan nanaman kami nung tao.” Dagdag niya.

Napatawa naman si Gerald dito

“bakit ka natawa?” nagtatakang tanong nito.

“Babe, hindi pa nila alam ang tungkol sa atin di ba. Syempre aakalain nila na nag-iiwasan parin tayong dalawa after nun nangyari sa atin nun.” Natatawang sabi ni Gerald.

“Ay!... Oo nga noh! Bakit hindi ko naisip yun?” napatawa si Sarah sa sarili.

“Hay yang babe ko talaga” kinuha niya ang kamay ni Sarah at hinalikan ito.

Nakita niyang naghikab si Sarah kaya pinatulog niya muna ito.

“sige na matulog ka muna. Gigisingin kita pagnasa bahay na tayo” sabi nito kaya natulog na muna si Sarah.Natulog na si Sarah pero hawak hawak parin niya ang isang kamay ni Gerald.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon