Chapter 13: My plus one

5.2K 55 8
                                    

My Right kind of Wrong

Chapter 13: My plus one

“Ate, Okay na ba to?”tanong ni Sarah kay Shine na nakaupo sa kama.

“Wow! Sars, ang ganda mo dyan!” puri ni Shine sa suot ng kapatid. “Ikot ka nga! Bili ang ganda niyan!”

Umikot si Sarah para mas makita ng ate niya ang suot niyang damit. Kitang-kita ang kagandahan ni Sarah sa suot niyang dress. Ang hugis ng katawan niya, ang balat niyang napakaputi at napakakinis. Idagdag pa ang magandang mukha ng dalaga, kahit unti lang ang inilagay niyang make-up ay napakaganda parin nito.

“Sars, ano alis na tay..” napatigil sa pagsasalita si Johna nang lumabas siya sa washroom at nakita ang kapatid.

“Ang ganda niya no!” sabi at tumingin si Shine na may malaking ngiti sa mukha kay Johna.

“ano ate?! Nga nga lang?!” sabi ni Sarah sa kapatid.

“Hindi no!”bwelta nito. “Magcoat ka na! bilis at baka malate pa tayo.” Utos nit okay Sarah.

Nagpaalam na ang dalawa kay Shine at umalis na. Nang naglalakad sila sa lobby ay nakita nila ang kanilang parents.

“Mga anak!” sigaw ni Daddy Delfin, kaya napalingon ang dalwa.

“B-Bakit po pa?” tanong ni Sarah.

“Akala ko magshoshopping kayo? Bakit ganyan ang suot niyo?” tanong ni mommy D.

“Ihahanap ko po kasi ng boyfriend si Sarah” biro ni Johna. Nanlaki ang mata ni mommy D. sa narinig.

“Mga kalokohan mo Johna ha!” sabi ni mommy D sa anak.

“naku! Eto si mommy naniniwala nanaman. Biro lang naman yun eh!” sabi ni Daddy Delfin sa asawa at inakbayan ito.

“Alis na po kami, ma, pa.” nagpaalam na ang dalawa sa mga magulang.

Naglalakad na palayo si Sarah at Johna “Hayy naku Sars, ang praning talaga ni mommy!” pabulong na sabi nito sa kapatid.

“Sinabi mo pa.” sagot naman ni Sarah.

Nang makarating sila sa Restaurant ay nakita na niya agad si Gerald.

“Ate, dito nalang ako.” Sabi niya sa kapatid at bumeso na siya.

“ingat ha!” sabi nito sa kanya. Bumaba na si Sarah ng sasakyan at dahan-dahang pumunta sa likod ni Gerald.

Kinulbit ni Sarah si Gerald sa likod at pinati ito. “Excuse me Sir, sino pong inaantay niyo?” tanong ng dalaga.

Humarap sa kanya si Gerald at nang makita siya nito ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

“Baka magalit ang bride sayo niyan Sa” sabi ni Gerald.

“Ha! b-bakit anong ginawa ko?” tanong ni Sarah na taking taka.

“Baka kasi akalain ng mga tao dun na ikaw ang bride, mas maganda ka pa kasi sa kanya eh” sabi ni Gerald habang nakatingin sa mukha ni Sarah.

“Hayy naku!! Akala ko kung ano!” sabi ni Sarah na nakahinga na ng maluwag.  “kahit kailan mambobola ka!” sabi ni Sarah sabay kurot sa tagiliran ni Gerald.    

“Aray ha! “

“ay sorry masakit ba?! Ikaw kasi!”

“No its not! Im just faking it” kinindatan ni Gerald si Sarah. “So, Let’s go??”

“Ok” ngumiti si Sarah at nagsimula na silang malakad papunta sa sasakyan ni Gerald.

Nang dumating na sila sa simbahan ay hinawakan ni Sarah ang kamay ni Gerald. Tumingin si Sarah sa paligid pagkatapos ay tumingin siya kay Gerald. Kitang-kita sa mga mata ni Sarah ang kaba.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon