Chapter 39:Till Death Do us part

4.5K 57 14
                                    

My Right kind of Wrong

 

Chapter 39:Till Death Do us part

 

 

Babe, gising na please…” malungkot na sabi ni Gerald kay Sarah, na himbing na himbing sa pagkakatulog.

“Malapit na kasal natin, Kaya gising ka na please… I love you babe..” nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.

“I’m so Sorry!!” at tuluyan na siyang umiyak ng umiyak.

*****

(a week ago,)

 

Sa nakalipas na buwan, parehong abala sila Gerald sa kanilang trabaho at sa pagaayos para sa kanilang nalalapit na kasal. Kailangan nila matapos lahat ng commitments nila, para wala na silang poproblemahin pa sa oras na umalis sila para sa kanilang honeymoon.

To:Misis
Misis kamusta araw mo? masyado bang busy?
Wag kakalimutan magpahinga ha. I love you!!!

Grabe nakakapagod to ha! pero kayanin mo Gerald! Para kay Sarah.. Sabi ni Gerald sa sarili. Nakaupo lang si Gerald sa isang tabi ng set at nagpapahinga. Hindi niya mapigilan ang sariling isipin ang nalalapit nilang kasal.

I imagine her walking down the aisle with her parents. The day full of happiness.. The most special day of my life. I can’t wait to be hers forever.  Hindi niya mapigilang hindi ngumiti sa pag-iisip kay Sarah sa araw ng kasal nila.

“Ge?” tanong ng isang boses sa kanya.

“Matt, bakit?” sabi nito sa co-star niya sa teleserye na si Matteo.

“Scene mo na pare. Kanina ka pa nila tinatawag, kaya lang parang nasa alapaap ka pa eh” Natatawang sabi ng binata.

“Ah ganun ba?! Osige punta na ako”

“sige bro maiwan na muna kita” at naglakad na nga palayo si Matt.

Ginawa na ni Gerald ang mga kailangan niyang gawin. Ang mga trabahong dapat niyang tapusin, ang mga script na kailangan sauluduhin.

Nang ma pack-up na sila ay kaagad siyang umuwi para magpahinga. Pagod na pagod siya kaya nang humiga siya sa kama ay nakatulog agad siya.

****

“Bakit ang dilim?” tanong ni Sarah nang pumasok sa condo ni Gerald.

Binuksan niya ang ilaw at nakita niya na nakapatong sa sofa ang mga gamit ng mapapangasawa.

“Andito na siya? Ang aga naman! Balak ko pa naman sana siyang i-surprise! Sayang!” mahinang sabi nito.

Pumunta siya sa kwarto at nakita niyang nakadapa si Gerald at tulog na tulog. Bumalik siya sa kusina at naghanda na ng dinner para sa kanila.

Gusto ng dalaga na kahit sa simpleng paraan na ito ay maipakita niya ang pagmamahal at pag-aalaga niya kay Ge.

“Babe?”

“Babe?”

Lumuhod si Sarah sa tabi ng kama at ginigising si Gerald. Nang imulat ng binata ang mata ay laking gulat niya nang makita si Sarah sa harap niya at nakangiti.

“Babe?! Anong ginagawa mo dito? Kumain ka na ba?  Ano gusto mo?” sunod sunod na tanong niya habang pinupunasan ang tabi ng bibig.

“Ikaw” simpleng sagot ni Sa na nagpangiti naman kay Gerald. “I prepare dinner for us na babe. Don’t worry mainit pa yun. Tara na! kain na tayo. I’m sure gutom ka na” masayang sabi nito.

My Right Kind Of wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon