Chapter 13

5.9K 99 25
                                    

Chapter 13

Kath's POV

"Daniel?" tanong ko. Si Daniel ba talaga ito or look-alike lang niya? Naka-smile lang siya sakin. Grabe, tunaw na tunaw na ako.

"Ako nga. Halika, I'll prove you." sabi niya. Nai-lend niya yung kamay niya tapos ako naman, hinawakan ko. Wow, ang lambot! Sarap hawakan magdamag.

Naitayo niya ako tapos sumilong ako sa payong niya. "Oh heto, isuot mo muna. Nilalamig ka na eh." sabi niya sakin tapos tinanggal niya yung leather jacket niya tapos binigay niya sakin.

Ano naman ang ginawa ko? Siyempre, inagaw ko. Joke, kinuha ko ng madahan lang baka sabihin niya over ako. Sinuot ko yung leather jacket niya na may halong amoy pa niya. Yan, amoy Daniel Padilla na ako.

"Ngayon tell me, what are you doing here?" tanong niya sakin. Mapapasabak ata ako sa English-an ah.

"Ha? Ah eh, ka-kasi yung guy na nagbalik ng locket ko. Akala ko, nagkakamabutihan na kami tapos I saw him kanina na may kayakap na ibang babae." sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba? Halika na muna sa resort. Magbihis ka muna baka magkasakit ka niyan." sabi niya sakin. Tumango na lamang ako.

"Ano ba room number mo?" tanong sakin ni Daniel.

"365." sagot ko.

Napatigil siya sa kanyang paglalakad at napatingin sa akin. "Talaga? Eh 366 ang room number ko eh." sabi niya.

And I was like WHAAAATTT?!! Ows? Weh? Di nga? Talaga? Really?

"Talaga?!" napasigaw ako. "Ay, I mean...talaga?" sabi ko na mas mahinhin pa.

Tumawa naman siya. Ang cuteee!! "Oo nga. Promise." sabi pa niya.

"Ako nga rin yung--"

"Kath!" may sumigaw. Hindi tuloy natuloy yung sasabihin ni Daniel sakin. Pag lingon ko si Julia at si Diego lang pala.

"Ohmygosh, anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Basang basa ka oh, magbihis ka baka magkasakit ka." sabi ni Julia. Hindi ko naman siya sinagot kaya napastep-back siya ng kaunti.

Napabuntong-hininga naman si Diego. "Ah salamat nga pala sa tulong mo. Kung hindi dahil sa'yo, kanina pa nasa ulanan itong si Kath. Salamat talaga ha?" sabi ni Diego. Wait, hindi niya narerecognize si Daniel?

Ay oo nga pala, nag-disguise siya pagpasok namin ng hotel. Nakita ko na nai-extend niya ang kanyang arm. "Walang anuman." sagot niya kay Diego.

Napansin ko si Julia na parang napakunot ng noo. Siguro parang namumukhaan niya na si Daniel yun.

Tumingin sa akin si Daniel. "Sige Kath, magbihis ka na." sabi ni Daniel.

Teka teka teka, Kath? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ay katangahan ko talaga oh, siyempre sinigaw ni Diego at Julia kanina ang pangalan ko.

"Sige. Bye, salamat ulit." sabi ko sa kanya. Tumango siya then he smiled. Nung papasok na kami, I rememebered something.

"Ay yung jacket mo nga pala." sabi ko.

"No, keep it." sabi niya.

WHADAHECK?! Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Biruin mo, nabigyan ako ng isa sa mga popular na trademark ni Daniel Padilla, ang leather jacket niya!

"Talaga?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Oo nga, it's yours na." sabi niya then he smiled. Gaaaahh, so swerte. Katabi lang ng room namin si Daniel tapos nabigyan pa ako ng leather jacket niya tapos alam pa niya name ko.

Superstar :">Where stories live. Discover now