Chapter 4

6.6K 103 5
                                    

Chapter 4

Daniel's POV

Okay, nakakaasar lang. Hindi ko man lang nalaman ang name niya. Pagbalik ko nga pala sa event, nako! Si mommy na manager ko, walang tigil sa kakadakdak. Naiintindihan ko naman kasi na mali nga yung ginawa ko.

"Eh sino ba kasing hinabol mo?" tanong sakin ni mommy.

"Babae po." sagot ko habang nakatungo. Napakamot na lang ako sa aking batok. Narinig ko si mommy ang lakas ng pagkakabuntong-hininga. Parang wala ng bukas!

"At sino naman iyang babae na iyan?" tanong ni mother.

"Hindi ko nga po kilala kaya ko nga po hinabol diba para makilala ko." pamimilosopo ko kay mommy.

"Daniel, wag na wag mo akong pipilosopohin ha? Ano bang mayroon sa babaeng iyon at gusto mong makilala?"

"Kasi maganda, mukhang mabait, morena, mukhang may pagkalalaki...yun!" sagot ko.

"Sus!" sabi ni mommy.

After a long silence, tiningnan ko si mommy. "Mommy?" sabi ko.

"Bakit?"

"Pwede po ba mag-request?" tanong ko. Nako naman, sana payagan ako!

"At ano na naman yon?" tanong ni mommy.

"Pwede cancelled na po muna yung mga upcoming shows and guestings ko po. Napapagod na rin po kasi ako eh tsaka hindi po ako masyadong nafofocus sa studies ko." sabi ko. Ganda ng palusot ko! Ang totoo kasi, hahanapin ko lang naman si morena girl ko. Ay ganon? Kinanya!

Anyways, pumayag si mommy. Hayyyy, salamat na lang kay Lord at pinayagan ako ng monster kong nanay. Joke! Mahal ko kaya si mommy. Kung hindi dahil sa kanya, aba! Walang gwapong Daniel John Ford Padilla sa mundong ito at walang magiging future husband si morena girl. Taray! Ay, okay. I'm starting to sound like a gay na.

Nga pala, uuwi na ako. Tapos na rin naman yung event ko eh. Naglalakad ako sa parking lot kung saan ko hinabol si morena girl tapos may nakita ako sa sahig. Something shiny. Nilapitan ko at aba, kwintas siya! Locket pa nga eh. Siyempre binuksan ko para malaman ko kung sino ang may-ari at BAM! Kay morena girl!

"Ang swerte ko naman." sabi ko sa sarili ko habang nakangiti na abot tenga at umiling-iling pa.

Kath's POV

Napahawak ako sa dibdib ko kasi parang medyo nahihirapan akong huminga at parang may nawawala. Tiningnan ko at hala! Nawawala yung locket ko! Patay tayo nito.

"J-Julia, nawawala yung locket ko." sabi ko sa kanya.

"Ha? Eh hindi na tayo pwedeng bumalik kasi malapit na mag-8, uuwi na parents mo." sabi ni Julia sakin.

"Ganito na lang, iuuwi ka na namin tapos kami na lang ni Julia babalik sa mall." sabi ni Diego.

"Diegs, ang hirap naman ata ng gagawin natin. Ano yun, iikutin natin ang buong mall para hanapin ang locket ni Kath?" tanong ni Julia kay Diego.

"Eh kung mahalaga yung locket ni Kath eh di why not? Hahanapin ko talaga yun kasi mahalaga siya kay Kath." sabi ni Diego.

Ang sweet talaga ni Diego. Ay, nasa bahay na pala kami. "Sige Julia, Diego. Una na ako ha? Bye! Thank you sa inyo at nakita ko sa personal si Daniel." sabi ko sa kanila.

Nagpaalam na sila at hinintay kong mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila. Pagkatalikod ko, papasok na sana ako sa bahay kaso nabunggo ko si mommy at si daddy. Patay kang bata ka!

"Sabi na nga ba eh. Hinding hindi ako magkakamali na sa mall pa rin kung saan naganap ang fans day ni Daniel kayo nagpunta." sabi ni mommy. Lagot! Paano na yan? Anong papalusot ko?

Isip. Isip. Isip. Kaso wala talaga eh.

"Ano? Tama ako diba?" tanong ulit ni mommy.

"Opo. Sorry na po." sabi ko. Napatungo ako sa sobrang hiya.

"Anak, sabi ko naman sayo na wag kang pumunta doon. Baka kung ano pang mangyari sayo." sabi ni mommy. Ganyan talaga magalit si mommy, malambing pa rin. Para bang hindi galit.

"Ma, heto na po ako oh! Diba, wala namang nagyari saking masama? Ni gasgas nga eh o galos wala!" sabi ko habang umiikot ikot ako sa harapan nila.

"Pero yung locket mo wala." sabi ni daddy. Nako! Napansin ni daddy.

"Yun nga lang po." sabi ko sa kanya. "Pero sabi po ni Diego na hahanapin niya raw po iyon." dagdag ko. Pambawas ng sama ng loob sa kanila.

"Malabo, anak. Baka kung sino sino na nakapulot nun. Baka nga naisangla na nila eh di bale na lang kung mag magagandang loob yung taong ibalik sayo." sabi ni daddy.

"Sana po, may magbalik o kaya naman sana mahanap siya ni Diego. Sana nasa car lang yun nila Julia." sabi ko sa parents ko.

"Sana nga, anak. Sige, magpahinga ka na. Alam ko namang pagod na pagod ka na sa kakairit mo dun kanina kay Daniel." sabi ni daddy na napapatawa.

"Daddy naman eeehhh." sabi ko na parang bata sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya.

Pagpasok namin sa bahay, di na ako nag-dinner. Busog kasi ako kasi kumain na kami nila Julia sa mall kaya kami ginabi ng bonggang bongga. Pagpasok ko sa kwarto ko, kinuha ko kaagad yung phone ko sa bulsa ko tapos nakita ko may text sakin si Diego.

[Kath, sorry. We can't find your locket anywhere :( If you want, we can buy you a new one]

Nagreply naman agad ako.

[Thank you na lang, Diego. Pero no need. Okay lang. Kami na lang ang bibili ng bago.]

After ilang seconds may reply agad.

[Sure ka?]

[Yep! :D]

[Sige, goodnight Kath! :*]

[Goodnight!]

Okay, alam kong lahat kayo ay nagtataka bakit may :* yung text sakin ni Diego. Alam niyo namang girlfriend niya si Julia pero as I said, Diego and I treat each other like brothers and sisters and nakita na ni Julia sa texts namin ni Diego yung :* pero she said na it's okay. It's normal daw.

Nagbihis na ako then nagstart na akong matulog. May-volleyball pa kasi kami bukas nila Julia eh.

Daniel's POV

Mukha akong tanga rito sa room ko na nakasmile na mag-isa. Hawak hawak ko pa rin yung locket ni morena girl at pinagmamasdan ko pa rin yung picture niya. Without my permission, pumasok si mommy sa room ko at nakita niyo yung locket na hawak ko.

"Anak, saan galing yan?" tanong niya.

"Ma, nakita ko po siya sa parking lot. Kilala ko na po ang may-ari, siya po yung babaeng hinabol ko kanina sa mall." sagot ko kay mommy sabay ko pinakita yung picture.

"Now I know kung bakit mo siya hinabol. Maganda naman pala eh." sabi ni mommy. Napa-smile ako dun ah. Finally, inapprove ni mommy yung girl kasi dati dun sa ex ko na si Zharm, hindi siya approve. She finds her so maarte and such pero I don't care. That's my mommy eh.

"Pero mommy, paano ko po siya mababalik? I mean, without any help from the police. Ayoko po kasi i-public baka kung ano lang po ang mangyari dun sa girl." sabi ko kay mommy.

"Mahirap yan, Daniel. You have to ask for help from the police." sabi ni mommy.

Nagsigh na lang ako. I guess I have to ask for some help. Bukas, I'll start finding her. I have to find her and get to know her personally.

*Kinabukasan...

Gumising ako ng maaga kasi simula na ng freedom days ko. Naligo na ako, nagbihis, nagtoothbrush at nagayos na ng gamit ko. Pagbaba ko, gising na sila mommy. "Mommy, pupunta po ako today sa Rivero Resort. May gig po kaming Parking Five dun today." sabi ko kay mommy.

"Akala ko ba-"

"I know ma, pero iba 'to. It's my own band. First time nilang magkakaroon ng gig." sabi ko kay mommy.

"Oh sige, aalis ka na ba? Hindi ka ba muna magaalmusal?" tanong sakin ni mommy.

"Dun na lang po sa resort." sagot ko.

"Sige, ingat ka ha? Careful ka kasi madaming fans mo ang dadalo doon."

"Opo mommy. Sige po, aalis na po ako. Daddy!" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mommy then handshake kay daddy.

Lumabas na ako then sumakay na ako sa kotse ko tapos nagdrive na si Manong papunta sa Rivero Resort.

Kath's POV

Good morning sa inyoooo! Haha. Siyempre, sino ba naman ang hindi magiging active eh kagabi lamang eh, ka-face to face mo ang iyong loves.

Nag-ayos na ako ng sarili ko tapos hinanda ko na rin yung gamit ko pang-volleyball. "Ma, aalis na po ako. May laro po kami sa Rivero Resort ngayon nila Julia." sabi ko kay mommy.

"Ganun ba? Sige, goodluck anak, ha?" sabi ni mommy sabay beso beso sakin. Wala na nga pala si dad, nasa work na.

"Ma, nga pala. Baka po dun na rin kami matulog sabi ni Coach Ortega." sabi ko kay mommy.

Nga pala, I forgot. Si Coach Ortega ang coach namin sa volleyball. Para nga namin siyang mommy, ate, teacher at madami pang iba. Super sweet at super bait niya kaya naman love na love namin siya nila Julia. Heto pa, bestfriend siya ni mommy kaya naman magaan ang pakiramdam ni mommy kapag si Coach Ortega ang kasama ko.

"Ah ganun ba? Sige na. Baka malate ka sa game niyo." sabi ni mommy.

"Bye mommy!" sabi ko sabay wave.

Sumakay na ako sa car at hinatid na ako ni Manong sa resort.

*Sa Rivero Resort...

Bumaba na ako ng kotse at naitext ko na si Julia. Ano ba yan, hindi ko pa naman memorize ang pasikut sikut dito sa resort. Maya maya, may narinig akong kotse na nagpark sa may likod ko. Nilingon ko lang yung kotse pero binalik ko na rin yung tingin ko sa cellphone ko. Nakatayo lang ako dun sa may entrance at naghihintay ng reply ni Julia.

Daniel's POV

Nakakaasar naman oh! Hindi sinasagot ni James ang tawag ko. Nakarating na nga pala ako rito sa resort at naglalakad na ako patungo sa entrance. Siyempre, may mga bodyguards pero okay lang naman. Sanay na kaya ako!

Napatigil ako sa paglalakad dun sa may babaeng nakatayo na nakatungo. Nagtetext ata. Kaya nga pala ako napatigil kasi sumagot na si James sa tawag ko.

"O sige, bye!" sabi ko. Pumasok na kami ng bodyguards ko sa loob ng resort.

Kath's POV

Inangat ko na yung ulo ko then may nakita ako na papasok na lalaki pero hindi ko makita mukha niya. Ang dami kasing bkdyguard. Siguro government officials yun or isang super yaman na tao o baka naman si Daniel yun! Joke. Assuming na naman ako. Hello Kath, tok tok tok! Bakit naman pupunta si Daniel sa resort na ito. Isip isip naman oh!

Anyways, nandiyan na si Julia. Sorry siya ng sorry pero siyempre pinatawad ko kaagad. "Oh sha, leggo na tayo. Kanina po naghihintay sina Coach Ortega dun sa beach." sabi ko sa kanila.

"Nadito na si Diego?" tanong sakin ni Julia.

"Oo. Nauna na siya sakin. Ang tagal mo kasi eh!" pang-aasar ko kay Julia.

"Awww."

Daniel's POV

Badtrip! Hindi makakapunta si James. Eh di ibig sabihin nun; no James, no gig. Kaya naman hindi tuloy yung gig namin. Di bale, magbabakasyon na lang ako rito sa resort. Chillax time! Nakaupo lang ako rito sa may lobby at hinahayaan ko na lang ang mga bodyguards ko ang magasikaso ng room ko rito sa resort nang may biglang pumasok na dalawang magandang babae. Wait, napadiretso ako ng upo nang makilala ko ang isa sa kanila. Si morena girl! Napatitig ako sa kanya kaya naman hindi ko nasoli yung kanyang locket.

Nadaanan nila ako pero hindi nila ako narecognize. Naka-shades at hat kasi ako eh. Nakatitig lang talaga ako sa kanya as in titig na titig ako. Hayyy, ang ganda talaga! Sana lang magkaroon ako ng pagkakataon na ma-meet siya.

***

Ano kayang mangyayari kay Kath at Daniel ngayon at nasa iisang resort lang sila? Masoli kaya ni Daniel ang locket ni Kath? Malaman kaya ni Kath na nasa Rivero resort din si Daniel?

ABANGAN :)

Superstar :">Kde žijí příběhy. Začni objevovat