Chapter 11

5.1K 67 6
                                    

Chapter 11

Kath's POV

Kinuha ko na yung letter then tinawagan ko si Albie. Ring lang ng ring. Aba, hindi ata sinasagot ngayon ah!

Nai-dial ko ulit then hindi talaga sinasagot. Dial na ako ng dial hanggang sa...

"Albie!!" lumingon siya. Tumakbo na ako patungo sa kanya.

Albie's POV

Kinakausap ko si Aria. Nagpunta kasi siya rito sa resort eh. Hindi ko nga alam na narito siya. Naramdaman kong kanina pa may tumatawag sa phone ko pero hindi ko siya sinasagot.

"Aria--"

"Albie!!" may tumawag sa akin. Lumingon naman ako. Si Kath. Lagot!

"Aria, bukas na tayo mag-usap. Umalis ka na muna please." sabi ko kay Aria.

"No Albie, narito na ako oh. Anong sasabihin mo sakin?" tanong ni Aria.

"Aria not now, please umalis ka na.." sabi ko. Mabuti naman at pumayag na bago pa makarating sa akin si Kath.

Ngumiti ako nang nasa harapan ko na si Kath. "Oh Kath, hindi kita nakita kahapon ah. Asan ka ba?" tanong ko.

"Basta. Albie may tatanong ako sayo." sabi ni Kath sa akin.

"Ano yun?" tanong ko naman.

"Albie, ikaw ba nagsulat ng letter na ito?" tanong ni Kath sa akin sabay niya pinakita yung letter.

Nakita ko na may nakalagay na Batgirl at Batman. Nako, anong isasagot ko? Wala pa naman akong kaalam alam sa letter na yun. Tumango na lamang ako para hindi mahalata ni Kath na nagpapanggap lang ako.

"Oo ako nga." sagot ko naman.

"Ikaw ba talaga? Eh bakit magkaiba ang handwriting?" tanong pa niya tapos may pinakita pa siyang isang letter.

Albie isip ka ng palusot, dali! Kailangan mong malusutan ito. "Ah..pinasulat ko lang sa kaibigan ko yung ito." palusot ko. Tinuro ko yung isang paper na iba yung handwriting.

"Ganun ba?" tanong ni Kath. Tumango naman ako at nagsmile.

"Bakit? Pinagdududahan mo ba ako?" tanong ko kay Kath. Nanlaki naman yung mata niya.

Umiling iling siya. "H-hindi ah." sagot naman niya.

"Sige. May practice ba kayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Mamaya pa, bakit?" sinagot naman niya ako ng isa pang tanong.

"Tara kain tayo." yaya ko sa kanya. Tumango na lamang siya then nag-smile.

Zharm's POV

Finally, after ilang days sa hospital, lalaya na ako!! Kinuha ko yung purse ko which was placed sa may bedside table lang. Kinuha ko sa loob yung phone ko then I called someone.

(Hello?)

"Daniel.." sabi ko sa kanya.

(Zharm, anong sabi ng parents natin? Ang kulit mo rin noh.)

"Hindi tayo pwedeng magkita. Wala naman silang sinabi na bawal tayong mag-usap ah."

(Ah basta Zharm.. Hindi tayo pwedeng magkita at mag-usap.)

Ouch! Sakit naman noon. Lalo na't galing pa kay Daniel yun.

"Daniel please, I want to see you. I need to talk to you."

(Zharm, as much as I want to see you too and apologize, hindi talaga pwede kasi pinagbawalan na nga tayo ng parents natin diba?)

"Daniel please, kahit saglit lang. Gusto talaga kita makita at makausap."

(Zharm, hindi talaga pwede. Wag ng makulit please..)

"Daniel.. Hello? Daniel, still there?"

(.... *toooooooot*......)

Aba, binabaan ako ah! Hayyy...ang hirap naman ng situation namin ni Daniel ngayon. Basta, wala akong gusto ngayon kundi ang makita si Daniel. Kahit pa bawal basta kailangan ko siyang mapuntahan sa resort.

Pumasok na si mommy sa room ko kasi susunduin na niya ako. Ligpit dito, ligpit doon. Natapos na sila sa pag-aayos ng gamit ko kaya tinayo na nila ako. OUCH!!

"Aray!" sigaw ko. Masakit kasi ulo ko lalo na at first time ko pang makatayo ever since natama ulo ko sa bato.

Yes! Nakauwi na ako. Pahiga na sana ako nang biglang nagring ang phone ko. Pinaabot ko naman kay Yaya. "Heto na po, ma'am Zharm." sabi ni Yaya Meding sabay abot ng phone ko.

Si Yaya Meding nga pala, the best Yaya in the world! Kapag wala sina mommy, siya yung parang tumatayong mommy ko. Mahilig kami mag-baka ni Yaya kaya...

Anyways, back to the story. Bumibida na si Yaya Meding eh. Si Daniel yung tumawag. Siyempre, I answered it kaagad. "Hello?"

(Zharm..)

"Oh bakit ka napatawag? Aray!" sagot ko sa kanya tapos biglang sumakit yung ulo ko.

(Zharm, are you okay?)

"Oo, okay lang ako."

(Sure ka?)

"Oo nga. Teka, bakit ka ba napatawag?"

(Uh, tingin ka sa labas.)

Sa labas? Anong mayroon sa labas? Tumingin naman ako at guess what? Daniel's standing outside! Nako, paano kapag nakita ito nila mommy?

"Hello Daniel, still there?" tanong ko sa kanya. Naalala ko na hindi pa pala siya nagha-hung up.

(Yep, still here.)

"Wait ka lang diyan ha? Pupuntahan kita." sabi ko then he said okay. Nung akmang lalabas na ako, saktong pasok naman ni Yaya Meding. "Yaya, nandiyan po ba sila mommy?" tanong ko.

"Wala nga po eh, lumabas sandali. Kaya nga po ako nagpunta rito para sabihin po sa inyong nasa labas po si sir Daniel." sagot ni Yaya Meding. Tumango na lamang ako at nagtungo na sa labas.

Paglabas ko naman, sinalubong naman agad ako ng yakap ni Daniel. Hayyy Daniel John Ford Padilla, kung alam mo lang kung gaano ko namiss yung ganitong eksena natin.

Naramdaman kong mapapaluha na ako pero piniit ko na lang.

"I'm sorry..." bulong sa akin ni Daniel.

Napangiti naman ako. "Matagal na kitang pinatawad." sagot ko sa kanya. Yinakap niya ulit ako.

Hayy.. Hope we can stay like this forever, Daniel...

...pero alam kong never na mangyayari yun :'(

Kath's POV

I was with Albie for almost half of the day na.

"Kath, may tumatawag ata sa'yo." sabi sakin ni Albie. Napatingin naman ako sa bulsa ng shorts ko. Umiilaw yung phone ko. Kinuha ko na siya.

Calling Diego...

"Hello?"

(Kath, where are you? Hinahanap ka na ni Coach Ortega. May practice tayo, remember?)

Shocks! Nakalimutan ko yung about sa practice. Sinabi ko na kay Albie yung tungkol dun at nagpaalam na rin ako kay Diego sa phone.

Tumakbo na agad ako papunta sa Beach Volleyball court. Pagdating ko dun, mga mukha nila hindi maipinta. "Sorry guys, sorry talaga!" sabi ko sa kanila.

"Oh sha, kumpleto na tayo mag-start na tayo ng practice." sabi ni Coach Ortega. Bigla namang naliwanagan ang mga mukha nila.

Yes, turn ko na para mag-serve. Yun oh! Pasok! Receive, receive. "Mine!" inangkin ko na yung bola kasi parehas naming ire-receive ni Kiray yung bola eh.

Yun, winning daw kami sabi ni Coach Ortega. After ilang minutes or probably hours na, natapos na rin kami. Maliligo na ako at magbibihis kaya nagpunta na ako sa hotel room.

***

Sorry kung super ikli tapos super tagal ko mag-update.

Comment and vote please. Like na rin :)

Superstar :">Where stories live. Discover now