Chapter 12

5.3K 82 12
                                    

Chapter 12


Kinabukasan na nang tawagan ako ni Albie. Magkita raw kami sa may beach ulit kasi may sasabihin daw siya sa aking importante. Ano naman kaya yun?


So yun nga, nagpaalam na ako kay Diego pero hindi kay Julia. Remember? Magka-away nga kami. Pumayag naman si Diego kaya yun! Gora na ako! Haha.


Medyo may kalapitan na rin ako sa beach nang biglang nagtext sa akin si Albie.


Fr: Albie :">

Uh Kath, pwede later na lang tayo magkita? Nagka-emergency kasi ako eh.



RECEIVED.


Babalik na sana ako kaso nung pag-angat ng ulo ko, nakita ko si Albie na may kausap.


Napa-cross arms naman ako. "So, yun pala ang emergency." sabi ko sa sarili ko. Tapos lalapitan ko na sana sila nang biglang...
























Diego's POV


Nagpaalam sa akin si Kath na magkikita raw sila si Albie today. Nagulat nga ako kasi ang pangkaraniwan namang unang sinasabihan ni Kath ng ganun eh si Julia eh.


Ay, oo nga pala! Magkagalit nga pala sila. I mean, si Kath lang pala ang galit not Julia. So, sinubukan kong kausapin si Julia.


"Julia.." tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. Nage-emote kasi siya sa may balcony eh.


"Oh Diego bakit?" tanong niya.


"Kamusta na kayo ni Kath?" tanong ko sa kanya. Napabuga naman siya ng hangin tapos umiling siya.


"Hindi pa rin kami okay. Araw-araw sinusubukan kong makipagbati sa kanya kaso palagi naman siyang umaalis." sagot ni Julia.


"Dapat magbati na kayo kasi sa nalalapit nating championship game, teammates kayo tapos kailangan niyo talagang mag-communicate." sabi ko naman sa kanya.


"Oo alam ko yun. Actually, anytime naman eh pwede ko siyang kausapin kaso Albie's always in the way. Siya palagi kasama ni Kath. Diba nga, para sa barkada natin 'tong vacation na ito?" sabi naman ni Julia na halata ng umiinit na ang ulo.


"Oh chill ka lang. I can speak with Albie naman eh. I can tell him na you need time with Kath." sabi ko sa kanya.


Sasagot na sana si Julia when suddenly, someone caught my eye. Familiar siya. Hindi naman kataasan ang room namin sa hotel kaya kitang-kita ko kung sino yun.


"Julia." tawag ko ulit sa kanya.


"Bakit?" tanong niya. Napansin niya ata na may tinitingnan ako kaya tiningnan na rin niya kung sino. "Diego, si Kath ba yan?" tanong niya sa akin.


"Parang. Hawig niya eh." sagot ko sa kanya.


"Teka teka, si Kath nga! Bakit siya tumatakbo?" tanong ni Julia.


"Tara, habulin natin! Magdala ka na rin ng payong. Mukhang hindi maganda ang panahon eh." sabi ko naman kay Julia.


Yun, umalis na kami para habulin si Kathryn.
















Albie's POV


Magkikita sana kami ni Kath kasi sasabihin ko na sana sa kanya na mahal ko siya at handa akong makipagbreak kay Aria for her but then Aria came unexpectedly.


She said she really needs to have a talk with me so yeah, pinagbigyan ko na siya. I told Kath that there was an emergency para hindi na niya kami makita pa ni Aria.


"Albie, ano ba talaga yung sasabihin mo sa akin?" tanong ni Aria.


Medyo kinabahan na ako. I don't have an idea kung paano ito tatanggapin ni Aria at kung ano ang kaya niyang gawin pag nasaktan siya so I better pick the right words to say.


"Aria kasi...I think our relationship isn't working anymore." sabi ko sa kanya.


"What?! Albie no, please." pagmamakaawa niya. I'm sorry Aria pero I don't feel the same anymore. I find Kath better than you are. Hindi siya mahirap mahalin.


"Aria, I don't know how to say this but...I think I fell in love with someone else." sabi ko naman sa kanya.


Umiling-iling na siya then she's starting to cry na rin so I hugged her. "I'm sorry Aria but I'm breaking up with you. Hope we can still be friends." sabi ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.


"It's fine Albie, maybe we really are not meant to be together. If you're happy with your decision then I should be happy and respect it no matter what." sagot ni Aria.


"Thank you for understanding. Goodbye Aria, it was nice being your boyfriend for almost a year." sabi ko sa kanya.


"Albie, walang goodbye. Friends?" tanong niya then nai-lend niya yung kamay niya.


Nagsmile naman ako then tinanggap ko naman yung kamay niya then we shook hands. "Friends." sabi ko then we hugged for the last time.
















Daniel's POV


Hayyy, what to do ba? Lahat ata nagawa ko na rito sa resort eh. Jetski, swimming, banana boat, pati ata yung iba't ibang sports nagawa ko na rin. Nakapag-gig na rin kami so, what's left to do?


Ang nakakapagpastay lang ata sakin dito sa resort eh si Kath. Siya lang ang dahilan kung bakit ako tumatagal dito. Actually, pinapauwi na nga ako nila mommy kaso sabi ko narito pa kami ni Sam kaya rito muna kami.


Mukhang uulan. Asan kaya si Kath? Nasa laboy kaya siya ngayon? Baka abutin siya ng ulan. Sinilip ko yung room nila pero wala atang tao. Hmmm...maglalakad-lakad na lang ako. Para exercise na rin :)


Nararamdaman kong may pumapatak-patak ng ulan. Nako, malakas ito. Ang lalaki ng patak eh. Dapat pala nagdala ako ng payong. Oo alam ko, babae lang ang nagdadala ng payong pero sa mga ganitong times, wala ng nalalaman pang ganun.


Fudge! Natuluyan na. Umulan na ng sobrang lakas. Ang hirap makakita tapos basang basa na rin ako sa ulan. Mabuti na lang at may nakakilala sa akin at inabutan ako ng payong niya. Di talaga papalag ang kagwapuhan ko!


Anyways, babalik na sana ako sa resort. Oo, nakaabot ako sa labas ng Rivero resort sa kalalakad ko. Yun nga, pabalik na ako when I saw a girl na nakaupo tapos basang-basa na siya.



















Julia's POV


"Diego, bilisan mo. Inabot na tuloy tayo ng ulan!" sigaw ko kay Diego. "Nako, ano na kaya si Kath? Nakasilong kaya siya? Baka naman basang-basa na siya? Nako, baka magkasakit yun di pa tayo makalaban sa championship." nag-aalalang sabi ko.


"Chill ka lang Julia, for sure nakasilong yun. Si Kath pa!" sabi ni Diego.


Napabuga na lamang ako ng hangin tapos pinagpatuloy na namin yung paghahanap kay Kath. After a while, parang may nakikita na akong babae na nakaupo tapos basang-basa. Tatakbuhin na sana namin ni Diego kaso may nauna na ata samin.




















Kath's POV


Nagtataka ba kayo kung bakit ako tumatakbo? Well, isa lang naman ang dahilan. Nakita ko si Albie na may kayakap na ibang babae.


Hindi ko kinaya ang sakit kasi unti-unti ko ng natututunan mahalin si Albie tapos ganito na lang ang makikita ko kaya tumakbo ako palabas ng resort.


Paglabas ko naman, tinawagan ko na si Manong Rudy. Magpapasundo na sana ako tapos babalik na lang ako bukas sa resort kaso dahil sa bagal mag-drive ni Manong Rudy, inabot ako ng malakas na ulan. Spell malas? K-A-T-H.


Umupo na lamang ako roon. Lamig na lamig na nga ako eh tapos basang-basa pa ako. Maya maya parang naramdaman ko na hindi na umuulan...sa akin!


"Teka, parang nangyari na ito ah." sabi ko sa isip ko.


Hindi ko pa rin tinitingnan kung sino yung nagpayong sakin kasi gulong-gulo ako sa mga nangyayari. "Tama, napaniginipan ko na ito!" sabi ko ulit sa sarili.


"Excuse me, ano pong ginagawa ng isang magandang prinsesa rito sa ulan?  Hindi dapat hinahayaan na mabasa ang prinses sa ulan." sabi ng isang lalaki.


Teka, parang kilala ko na ito ah. Familiar yung boses eh. Tiningnan ko na kung sino at laking gulat ko nung makita ko kung sino.







































"Daniel?"





"Sino pa bang Daniel John Ford Padilla sa mundong ito? Diba ako lang naman?" sabi niya with a smile.

Superstar :">Donde viven las historias. Descúbrelo ahora