Prologue

9.5K 137 8
                                    

PROLOGUE

This is wrong but
I can't help but feel like
There ain't nothing more right babe
Misty morning comes again and I can't
Help but wish I could see your face

Tuwi na lang akong gigising sa umaga, hindi naglalaho ang pag-asang makikita ko siya sa personal. Mata sa mata at makikita ko sa personal ang kanyang nakatutunaw na ngiti.

And I knew from the first note played I'd be breaking all my rules to see you

Oo, kaya kong suwayin ang mga utos sakin ng magulang ko makita ko lang siya.

You smile that beautiful smile
And all the girls in the front row scream your name

Hanggang tv na lang talaga ako. Tuwi akong manonood ng mga shows at guestings mo, hindi ko maiwasang magselos at mainggit sa mga babaeng nakakadalo. Nakakatanggap ng iyong mga ngiti, nahahawakan nila ang kamay mo at palagi mo silang tinitingnan. Kailan ko kaya mararanasan yan?

So dim that spotlight, tell me things like
I can't take my eyes off of you
I'm no one special, just another wide-eyed girl
Who's desperately in love with you
Give me a photograph to hang on my wall
Superstar

Sana ako na lang yung babaeng kaisa-isang laman ng puso mo. Sana ako na lang yung babae na pagpapasok ka ng backstage, ako ang una mong pinupuntahan at yayakapin mo ako ng mahigpit na mahigpit at sasabihan mo ako ng matatamis na salita na alam kong magpapakilig sa akin. Siyempre, pangarap lang lahat ng iyon kasi isa lang naman akong ordinaryong teenager na hindi masyadong binibigyan ng oras ng mga lalaking tulad mo. Inlove na inlove ako sayo kung alam mo lang. Ikaw ang superstar ng buhay ko.

Good morning loneliness
Comes around when I'm not dreaming about you
When my world wakes up today you'll be in another town
And I knew when I saw your face I'd be
Counting down the ways to see you
And you smile that beautiful smile
And all the girls in the front row scream your name

Malungkot ako kapag hindi kita napapanigipan. Masaya naman ako kapag oo. Nababalitaan kong may Fans Day kang nagaganap sa lugar na kayang kaya ko namang puntahan kaso hindi ako pinapayagan ng magulang ko. Pagkagising ko, alam ko, malayo ka na naman sa akin.

Unang beses ko pa lang na nakita ang gwapo mong mukha, alam ko na sa sarili ko na pipilitan ko ang best friend ko para samahan lang ako sa mga mall shows mo ngunit hindi rin naman natutuloy at maiinggit na naman ako sa mga maswewerteng babae diyan.

You played in bars, you play guitar
And I'm invisible and everyone knows who you are

Palagi kong pinapanood sa YouTube ang mga gigs niyo ng ParkingFive. Magaling kang maggitara kaya naman lalo akong nainlove sa'yo at mas lalo pa akong nahulog nang unang beses kong narinig ang boses mo kapag umaawit ka.

Maraming may kilala sa'yo at heto ako, nangangarap na makilala ka at makilala mo ako. Naiinggit ako sa mga taong kakilala mo at kaclose mo. Sana isa ako doon.

And you'll never see, you sing me to sleep
Every night from the radio

Palagi akong nakikinig ng radio kasi palaging pinapatugtog doon ang mga kanta ng ParkingFive. Hindi man ikaw ang vocalist kaso marinig ko man lang ang mga tugtog niyo, nakakatulog ako ng mahimbing.

Oo, baliw na kung baliw. Hibang na kung hibang. Tanga na kung tanga basta ang alam ko...mahal na mahal kita. Inlove na inlove ako sa'yo ...

DANIEL JOHN FORD PADILLA.

Superstar :">Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum