Chapter 8

5.9K 77 4
                                    

Chapter 8

Daniel's POV

"Daniel, pare...gising na." naririnig ko na sinasabi sa akin ni Sam. Unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata.

"Hoy, gumising ka na nga diyan. Kanina pa tumatawag si Zharm sa'yo noh!" sabi naman ni Sam.

Shocks! Naalala ko si Zharm. May usapan nga pala kami na magkikita kami sa Cafe ngayon. Inabot ko cellphone ko tapos nakita ko na 10 messages tapos 5 missed calls. Lahat galing kay Zharm.

Pare-parehas lang naman ang mga sinasabi niya sa mga text messages niya sakin. Naligo na lamang ako at sa Cafe na lamang ako mag-breakfast. Para atleast may ginagawa ako habang dumadakdak si Zharm.

Hahaha. Ang bitter lang eh noh? Eh sa nakakaasar si Zharm eh. Wala naman akong magagawa eh, kapag hindi ko naman siya sinipot, hindi niya ako titigilan sa kakukulit.

Pagpasok ko sa Cafe, nakita ko na si Zharm sa sulok. "Mabuti naman dumating ka. Malamig na nga yang kape mo eh." sabi sakin ni Zharm.

"Sino ba may sabing i-order mo ako ng kape." sabi ko ng pabulong.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Alam ko na narinig niya yun. "So, ano? Tutunganga lang tayo rito? Magtitigan hanggang sa may kumurap?" tanong ko.

"Daniel please, makinig ka sana sa akin. Importante ang sasabihin ko sa'yo." sabi sa akin ni Zharm. Hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa table.

Tinanggal ko naman yung kamay ko. Yuck, ayoko ng mahawakan pa ni Zharm. Party-goer yan eh. Malay ko ba kung malinis pa siya...if you know what I mean. "Sabihin mo na, may gala pa kami ni Sam." sabi ko sa kanya.

"Daniel, gusto ko lang malaman mo na...I've changed. Nagbago na ako. Hindi na ako party-goer at lalong hindi na ako manginginom. Nagbago ako para sa'yo." sabi ni Zharm.

So what, Zharm?!

Hindi ko siya sinagot kaya nagsalita na naman siya. "Daniel, mahal pa rin kita. I love you so much." sabi ni Zharm. Sorry Zharm pero, I don't love you na. May iba na akong mahal.

"Zharm, kung ang point mo ay ang may pag-asa pang maging tayo...wala na, Zharm. Matagal ng wala. Sorry pero, may iba na akong mahal." sabi ko sa kanya.

Umiiyak na siya. Tapos may nakita akong kumuha ng picture namin ni Zharm. Lagot ako kay mommy nito! May bago na namang chismis na lalabas tungkol sa akin.

"Sino Daniel? I want to know." sabi ni Zharm sakin. Ang higpit ng hawak ni Zharm sa braso ko. Feeling ko nga eh may pasa na.

"Wala kang karapatan na malaman, Zharm." sabi ko.

"Daniel please...let me know." giit pa ni Zharm. Kasalukuyang nasa labas kami ng Cafe. Lumabas na kami kasi ang daming nanonood sa amin at may mga nakaka-recognize na rin sakin.

"Zharm please, let me go." sabi ko ng mahinahon. Kino-control ko ang temper ko kay Zharm kasi delikado baka masaktan ko pa siya.

"Daniel, no. I don't want to let you go. Daniel, tayo na lang ulit." sabi ni Zharm. Umiiyak pa rin siya habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Zharm please!!" yan na. Hindi ko na ma-control ang temper ko.

"Daniel, tayo na lang ulit." sabi ni Zharm.

Pilit kong inaalis ang mahigpit na pagkakahawak sakin ni Zharm at sa hindi ko na inaasahang pagkakataon ay aksidente kong natulak si Zharm at nalaglag siya. Tumama pa sa bato ang ulo niya.

Pumikit na ang mga mata ni Zharm. Unconscious na siya. Daniel, ano ba itong ginawa mo? "Zharm!" sigaw ko. Binuhat ko na siya tapos tumawag na rin ako ng ambulansya.

Superstar :">Where stories live. Discover now