Chapter 10

5.2K 76 3
                                    

Chapter 10

Julia's POV

This is it. This is really is it. Sasabihin ko na kay Diego ang aking mga narinig.

"Diego.." tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. Busy kasi siya sa kanyang laptop eh. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya roon.

"Oh bakit Julia?" tanong ni Diego sa akin.

"May sasabihin sana ako sayo kasi.." sabi ko naman habang napapakamot sa aking batok.

"Ano yun?" tanong ni Diego.

"Si Albie narinig ko siya kanina na nakikipag-usap sa phone tapos Diego, rinig na rinig ko na sabi niya na hindi siya yung Batman ni Kath!! Ni wala nga siyang kaalam-alam sa mga pinagsasabi ni Kath.." sabi ko kay Diego.

"Diego, I need you. Tulungan mo ako, niloloko ni Albie si Kath!!" sigaw ko sa kanya. Nasobrahan ata ang paglakas ng boses ko dahil hindi namin narinig na may pumasok pala.

"Anong sinabi mo?"

O_O

Oh no, hindi maganda ito!!

Kath's POV

Pumasok muna ako sa hotel room namin hanggang sa may narinig akong sumisigaw.

Si Julia yun ah.

"Diego, I need you. Tulungan mo ako, niloloko ni Albie si Kath!!" sigaw ni Julia.

WHHAAAAAATTTT?!!! O_O

"Anong sinabi mo?" tanong ko kay Julia. Nako, mga mukha nila parang nakakita ng multo.

"K-Kath, narinig mo ba?" tanong ni Julia. Malamang, narinig ko.

"Oo, rinig na rinig ko bakit?" tanong ko sa kanya. Medyo nagagalit na rin ako kay Julia. Siyempre minsan kailangan niyo rin mag-away ng best friend mo para malaman mo kung hanggang saan ninyo matitiis ang isa't isa.

"Kath, wag ka sana magagalit pero narinig ko si Albie. Sabi niya na hindi siya yung si Batman na tinutukoy mo. Wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi mo." sabi sa akin ni Julia.

"Hindi totoo yan! Si Albie ang Batman ko!" sigaw ko naman kay Julia tapos umalis na ako. Umiiyak na nga ako eh tapos paglabas ko, may nakabunggo ako pero hindi ko na siya tiningnan pa.

Malay mo feeling close pa yun tanungin pa ako kung anong problema ko.

Daniel's POV

Katatapos pa lang nung gig namin. Sobrang saya ko kasi nakita ko si Kath. Hayyy...

"Sam, punta muna ako sa hotel room ha? May kukunin lang ako." sabi ko kay Sam. Tumango namam si Sam.

Papasok na ako ng hotel room nang may nakabunggo sa akin. Babae, umiiyak. Hindi nga niya ako tiningnan eh pero parang kilala ko yung mukha niya.

Teka, baka si Kath yun?!

DANIEL, TUMIGIL KA!! HINDI YUN SI KATH! STOP IMAGINING, STOP ASSUMING.

Napakibit balikat na lamang ako then pumasok na ako sa hotel room ko. Pagpasok ko, naalala ko na bibigyan ko na naman pala ng isa pang letter si Kath.

Kaya kumuha na ako ng paper at sinimulan ng magsulat. Hindi pa ako nakakapagsulat ng isang letter nang may naalala ako. Si Sam nga pala tiga-sulat ng letter ko para kay Kath.

Tinawagan ko si Sam pero...

"Bro, maybe this is your chance. You need to write that letter this time para mapatunayan mo na hindi nga siya yung Batman ni Kath. Mapapansin niya na hindi same yung handwriting."

Superstar :">Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum