Chapter 43- His tears

70.8K 702 82
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

--------------

Elle's POV

Nagising ako dahil sa matinding lamig na aking naramdaman. Nang imulat ko ang aking mga mata, tumambad sakin ang puting kisame. Pagkalingon ko sa aking kanan ay andun si Chase, nakaubob ang ulo niya sa hospital bed at hawak hawak ang aking kamay. Inilibot ko ang aking mata sa palagid, mukhang nasa hospital ako.

Ano bang nangyari sakin?

"C-chase?" Inangat naman niya ang kanyang ulo at bigla bigla nalang siyang napangiti.

"Buti naman at gising ka na." Nakangiting sabi niya.

"Anong nangyari sakin?"

"Nahimatay ka kahapon sa mall kaya nagmadali akong isugod ka sa dito sa hospital nila Xav." Hawak hawak padin niya ang kamay ko at bakas sa mukha niya ang saya.

*tok tok*

Napatingin kaming dalawa ni Chase sa pinto at pumasok ang isang doktor. Bakit may doktor pa? Feeling may sakit? Nako! Pagod lang naman to. Ang OA naman ng hospital nila Xavier!

"Ms. Gomez, okay na po ba kayo?" Tanong nung doctor

"I'm perfectly fine doc."

"Oh, I see. Pwede ba kitang makausap, Ms. Gomez?" Tumango naman ako

"Follow me." Inalalayan ako ni Chase maka-tayo. Ang OA talaga ng hospital nila Xav. Kailangan talaga masinsinang usap? -____-

Pumunta kami ni doc sa may consultation room niya. Nang makaupo na kami, biglang naging seryoso ang mukha niya. Nakakatakot naman tong si doc.

"Tatapatin na kita Ms. Gomez, you have a Chronic Lymphocitic Lukemia and it's sad to say na 1% lang ang chance ng pag-galing niyo but treatment can help control the disease."

Hindi ko alam kung bakit pero nang marinig ko ang mga sinabi ni doc ay biglang nabalutan ang buong katawan ko ng pagkatakot at panghihina.

"Doc, you've gotta be kidding me? Ayos ka lang? Baka naman fake doctor ka lang. May license ka ba para magkaroon ng karapatang sabihin yan mga ganyan?"

"As you can see, lumalabas na ang symptoms mo. Nagkakaroon ka na ng red spots sa mukha which is a sign of being anemic, kahit takpan mo pa yan ng makapal na foundation ay lalabas at lalabas padin yan. Nagkakaroon ka din ng pasa sa kamay which is an odd place to have a bruise. Bigla bigla ka ding nahihimatay. Mabagal ang paglabas ng mga symptoms pero it might kill you slowly..."

Napayuko nalang ako nang marinig ko ang kanyang mga sinasabi. Tumaas ang mga balahibo ko. Ayaw kong maniwala pero alam ko sa sarili ko na totoo ang mga sinasabi niya. Alam ko sa sarili ko na nangyayari sakin lahat ng yan ngayon.

"Karaniwan sa mga nagkaka-CLL ay may 4 months to 9 months lang ang tinatagal nila."

"Is there any treatments?" For sure, meron yan.

Ayaw kong mawalan ng pag-asa.

Alam kong gagaling ako.

Pipilitin kong gumaling para sa mga mahal ko.

Para hindi ko sila iwan at masaktan.

Lalong lalo na si Ethan...

"We can do chemotherapies which uses powerful medicines to kill your cancer cells. We also have Radiation Treatments but it uses highdose X-rays pero kung sasabayan mo ng paglaban ang pagche-chemo mo, there might be a chance na mabuhay ka but then again, I can't assure you that."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na ako ng kwarto.

Ang buong mundo ko ay parang tumigil. Napatulala nalang ako habang naglalakad pabalik sa kwarto ko.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon