Chapter 20- Vanilla and Lemon

89.4K 945 85
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

------------------

Nagkanya-kanya muna kami ng ginagawa, sumama ako sa F5 na mag-ihaw ng hotdog at isda. Pakiramdam ko, wala kaming makakain mamayang dinner kasi kapag may natapos na ihawin, kinakain agad namin.


"Parang nanonood kami ng action at romance movie kanina." Sabi ni Kimberly

"Akala talaga namin si Chase pipiliin mo!" Sabi ni Mich.

"Hinaan mo nga boses mo, Mich."

"Bakit si Ethan yung pinili mo? We all thought na si Chase ang gusto mo." Sabi ni Rachel

"Akala ko din. I mean, there's no reason to like him... Basta bigla ko nalang siya nagustuhan for no reason."

"The more you hate, the more you love nga naman." Dahil sa sinabi ni Jaime, lahat kami natawa.


So cliché pero di ako makapaniwalang napatunayan ko sa sarili ko yun. I'm inlove with my number one enemy.


"Elle!" Lumingon ako kay Ethan na palapit sakin

"What?"

"Pahiram ako ng phone mo."

"At bakit? Hindi kita boyfriend para ipahiram sa'yo 'to."

"Hindi pa. Magiging palang."

"Shut up, Hernandez. Sisipain kita papuntang Mars!"

"Please? Let me borrow your phone for awhile." Ngumuso siya.


I can't believe it, si Ethan Hernandez, nagpapa-awa sa harap ko para ipahiram ko sa kanya yung phone ko. Tumawa ako ng malakas. Ang cute cute niya. Sinimangutan niya ako at nag-cross arms.


"Fine!" Tumawa ako, "Catch!"


Lumakad siya pabalik kung nasaan yung mga lalaki habang kinakalikot yung phone ko. Ano naman kayang gagawin niya dun?


"Elle oh." Inabot niya sakin yung phone. Naningkit yung mata ko habang tinitignan ko siya.

"Anong ginawa mo sa phone ko?"

"Wala, may ginawa lang ako."


Tinalikuran ko nalang siya at nag-ihaw ulit. Bumalik naman siya sa mga kaibigan niya na nagtatawanan sa hindi kalayuan. Ang saya ng itsura niya, mukhang may ginawang kababalaghan sa phone ko. Napailing nalang ako.


Naramdaman ko ang pagvi-vibrate ng phone ko. Buti may dalang battery pack si Xavier kaya hiniram ko nalang tutal naman at hindi pa nangangalahati yung battery niya. Agad kong tinignan kung sinong tumatawag.


Lemon calling...


Napaisip ako. Lemon? Wala akong kilalang lemon! Wala akong kakilalang kulay dilaw na prutas ang pangalan! Sino 'to at bakit may number siya sakin?


"Who's this?"

"Can't remember me?" Who is this? Ohmygosh! Baka si...

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon