Chapter 10- Unexpected Realization

101K 1.1K 98
                                    

-Ethan Hernandez's Point of View-

Magkakaron daw kami ng long weekend kasi may event na gagawin sa school at mga teachers tsaka school officials lang ang pupunta kaya nagyaya si Luke sa villa nila sa Tagaytay. Dun daw magbabakasyon kaming magkaka-barkada at kasama na sila Elle dun tsaka yung mga kaibigan niya.


Ako ang naka-schedule ngayon kaya sakin naka-sakay si Elle ngayon. Ang ingay ingay talaga niya. Kanta ng kanta kala mo palaging may concert tapos kwento ng kwento ng kung ano-ano, hindi nauubusan ng topic .Tsk


On the way na kami papuntang Tagaytay nang biglang tumirik yung kotse sa gitna ng daan. Napailing ako. Wrong timing, kung kelan naman madilim na.


"Hoy Ethan, anong nangyari?"

"Nasiraan tayo."

"Teka, diyan ka lang. Wag kang bababa." Lumabas ako ng kotse at tinignan yung makina ng kotse ko tapos biglang umulan. Malas!

"Ethan, natatakot ako."


Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkatakot. Nanginginig at nakataas yung dalawang paa niya tapos yakap yakap niya yung dalawang tuhod at naka-pout pa. May naisip ako. Wahahaha!


"Hahanap lang ako ng pwede nating matuluyan ngayon gabi. Madilim nadin kasi, bukas nalang natin paayos tong kotse."

"Ha? Osige, bilisan mo lang ha?"


Kinuha ko yung flashlight sa may compartment at dahan dahan itong sinara para hindi niya marinig. Sinuot ko yung jacket ko na may hood para hindi niya ako makilala tapos kumatok ako dun sa bintana sa may passenger's seat.


"BOOOO!"


Tumakbo ako ng konti palayo sa kotse para mailabas ko yung tawa ko. Hahaha! Laughtrip yung mukha ni Elle. Napaka-priceless!


Maya maya, biglang lumabas ng kotse si Elle habang umiiyak at tumakbo paalapit sakin tapos niyakap ako. Bakit ganito yung nararamdaman ko?


"Ayoko na dito. Umalis na tayo."

"H-ha? Ano? Tumahan ka na nga. May balat ka siguro sa pwet kaya tayo nasiraan. Halika na nga, maghanap tayo ng matutuluyan natin."

"Wag mo akong iiwan ha?"


Pagdating namin sa hotel, dumiretso agad ako sa may receiving area. Si Elle naman, nasa likod ko lang. Mukha kaming mga basang sisiw! Tsk


"2 rooms."

"1 room nalang ang available, sir. Madami po kasing naka-check in ngayon e."


-Elle Gomez's Point of View-

Etong receptionist na'to kung makangiti kay Ethan ay halatang may hidden desire!


"We'll not ta—" Hindi ko na pinatapos magsalita si Ethan

"We'll take that room."

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon