Chapter 42- Friendly date?

70.5K 686 45
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE!

Para sa mga CHASELLE, this chapter is for you pero lagot kayo kay Ethan. HAHAHAHA!

----

Chase's POV

Namiss niyo ba ako? Asenso nanaman ako, may POV nanaman ako. Wahahaha!

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahilata at nakatingin sa kisame. Nagmumuni-muni at inaalala ang mga nangyari dati. Biglang nag-ring ang phone ko at halos malaglag ako sa kama nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Elle calling...

"Hello?"

[Hello?]

" Oh Elle, bakit ka napatawag?"

[ He-he-he. Date tayo!]

Nanlaki naman yung mata ko sa aking narinig. D-A-T-E daw. O.O

" Seryoso ka? Hindi ba magagalit si Ethan?"

[ To naman! Friendly date lang naman. Aba naman no! Siyempre namimiss na kita, ang tagal na nating hindi nakakapag-bonding.]

" Nagpaalam ka naba?"

[ Laki laki ko na e! Suntukin ko pa yun si Ethan. Hahahaha!]

"Under talaga. Tsk! Hahaha!"

[ So, it's a date?]

" Yeah, a friendly date. Ligo lang ako tapos susunduin na kita diyan."

[ Okaaay, bye.]

Hmmm, saan kaya kami pwedeng pumunta? Potek! Hindi ako ready.

Teka lang! Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Charmaine ah? PATAY! Pero.. Friendly date lang naman e, pwede na sigurong takasan yun. ^___^V

Elle's POV

Ma-text nga muna yung masungit kong lemon. Baka mamaya umusok yung ilong nun kapag nalaman niyang nakipag-date ako na walang paalam.

To: Lemon sungit <3

Sungit, makikipag—date ako ha? Pumayag ka na! Sisipain kita papuntang Mars!

Maya maya lang, tumunog na yung cellphone ko.

From: Lemon Sungit <3

Shit! Kanino? Sasama ako!

Parang tanga to si Ethan. Laki laki ko na, di ko na kailangan ng chaperone -____-

To: Lemon Sungit <3

Kay Chase. OA mo naman. Friendly date lang. Kapag sumama ka, wala kang kiss sakin ng isang linggo.

Tignan lang natin kung sasama ka pa. ^___^

Pero infairness ah, ang bilis niya magreply.

From: Lemon Sungit <3

Tsss! Oo na! Di nako sasama. Pusanggala naman oh! Mag-ingat ka!

Pati ba naman sa text, masungit padin? May pusanggala pa at tsss. Take note, asenso pa sa exclamation point.

Excited na ako sa date namin ni Chase. Namiss ko na talaga siya, matagal tagal nadin kasi kaming hindi nakakapag-bonding. Simula kasi nung dumating ako dito at nagkaayos kami ni Ethan, ayaw niya nang nalalayo ako sa kanya. Possessive no? Pero ang sweet. >///<

*tok tok*

"Princess, andiyan napo si Sir Chase." Sabi nung isang maid namin. Wow! Naaalala niya pa si Chase, siguro isa siya sa mga kasabwat dati sa surprise.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon