Chapter 35- Hurt

71.3K 760 101
                                    

Sorry kung sunod sunod yung sad parts..

--------

(a/n: Kung gusto niyo mas ma-feel yung eksena na to, play niyo yung Let Me Be The One- Julie Anne San Jose)

Elle's POV

"CHARMAINEEEE!" Si... Si Ethan..

*SPLASH*

May nagswi-swimming ba? Masquerade yung theme neto diba? Bakit may nagsw-swimming?

"Elle! Anong ginawa mo?" Boses to ni Kimberly, sinisigawan niya ako..

"Huh? Ako? Wala ah." Nagwave pa ako ng hand na parang sinasabi na 'NO'

"Tinulak niya si Charmaine sa pool." Sabi nung malalanding babae

"HOY! Hindi ko ginawa yun, mga payaso kayo."

"Elle, bat mo siya tinulak? Alam mo bang hindi marunong lumangoy to!" Boses to ni Ethan at sumisigaw siya.. T.T

"Hindi.. Hindi ko siya tinulak.." Pagdedepensa ko sa sarili ko. Hindi naman talaga e, hinawakan ko lang siya para makatayo ako.

"E ANO? TUMALON SIYA MAGISA?!" Bakit? Bakit mo ako sinisigawan ng ganyan. Wala akong kasalanan.

*iling iling* Habang hinihila ko yung coat ni Ethan..

"Ethan, hindi ako." Iniiling iling ko yung ulo ko habang umiiyak. Ang labo na ng paningin ko sa kakaiyak.

"ELLE! UMALIS KA NA NGA DITO! UMALIS KA NA! UMALIS KA MUNA, a-ayaw muna kitang makita." Tinulak ako ni Ethan para maalis yung pagkakahawak ko sa coat niya.

"Ethan, hindi ako." Hinawakan ko ulit yung coat niya.

"ANG SABI KO, UMALIS KA NA DITO!" Sigaw niya tapos tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa coat niya tsaka ako tinulak ulit pero this time ang lakas nung pagkakatulak niya.

Shit lang..

Ang sakit..

Pinagtatabuyan ka ng pinakamahalagang tao sa buhay mo..

Eto ba yung minahal kong Ethan?

Hindi siya yung kilala kong Ethan..

Hindi siya yung minahal ko..

Bakit niya ako ginaganto..

Niligawan niya ako kasi pinapangarap niya ako diba? Hindi para gantuhin lang..

Hindi para saktan lang...

Ethan..

Bakit ganyan ka..

Bakit parang nilalayo mo na yung sarili mo sakin..

Hindi mo na ba ako mahal?

"Tara na, Elle. Tara na." Inalalayan akong tumayo ni Chase at nakita kong mina-mouth to mouth resuscitation....

Sige lang Ethan...

Titiisin ko to, kasi mahal kita..

Hindi kita kayang iwan...

Martyr na kung martyr..

Tumayo na ako at pagewang gewang na naglakad. Nung nakalayo na kami ni Chase..

"Kaya ko na to. Iwan mo na muna ako." Matamlay kong pagkakasabi.

"Sigurado ka?"

*tango tango*

"Sige." Tuluyan na siyang umalis.

Naglakad lang ako ng naglakad at hindi ko alam kung bakit sa park ako dinala ng mga paa ko..

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon