Chapter 31- Dinner Date

72.8K 736 43
                                    

OH-MY! 2nd Anniversary pala kahapon ng Justin Bieber My World Tour sa Manila. :">

Elle's POV

"Hoy! Ethan! Anak ng tokwa! Alalayan mo ko ha. Ano ba tong condo mo, naghihirap na ba to? Bakit walang elevator? Bakit naghagdan pa tayo? Susko! Kapag ako nadapa, sasapokin kita papuntang planet Nemik!" Sigaw ko kay Ethan, may dinner date nga kasi kami sa rooftop ng condo niya. Naka-heels pa ako ng bonggang bongga tapos paakyatin niya lang ako ng hagdan. -_____-

"Oo na. Hindi naman kita pababayaan e." Ang lambing nang pagkasabi niya.

At dahil dun...

KINILIG NANAMAN PO AKO. >////<

"Hoy ano na?! Matagal pa ba?"

"Sandali nalang." Mga 5 times niya na sinabi yan. -_____-

"Mga ilang beses mo na ba sinabi yan?" Nagbilang pa ako sa kamay ko

*PAK*

"ARAY! Yari ka sakin mamaya Ethan kapag wala na------"

Bigla niyang inalis yung pagka-blindfold...

May mga usok sa sahig...

Feeling ko nasa clouds ako..

Yung para bang nagfo-float..

Sa gitna nun, may table...

Sa gilid naman, may nagpa-piano...

"Ang ganda." Yun nalang ang nasabi ko

"Alam ko. Ako nakaisip niyan e." Nag-smirk pa siya

*PAK*

"Yabang mo." Tumawa lang siya at inalalayan ako sa pag-upo.

Kumain na kami at nagkwentuhan lang ng kung ano-ano...

Bigla kong naalala si Charmaine...

Gusto ko na tanugin si Ethan...

"Uhmm, Ethan." Napatingin siya sakin. Napansin niya sigurong nagseryoso yung boses ko.

"May tatanong lang sana ako. Tungkol dun kay Ch-----" Bigla niyang pinutol yung pagsasalita ko.

"Wag muna nating pagusapan yan Elle, please. I don't wanna ruin the night."

Ganun pala talaga kahalaga si Charmaine sa kanya.

Ganun siya kahalaga para masira lahat ng ito.

Napayuko nalang ako.

Huminga siya ng malalim at hinawakan yung kamay ko na nakapatong sa lamesa...

"Si Charmaine..." Napatingin ako sa kanya.

"Siya yung first love ko. Mabait siya pero may pagka-bitch minsan. Inaaway niya lahat ng babaeng lumalapit saakin noon. Ako naman, lagi ko siyang pinroprotektahan. Siya lang ang palagi kong kasama noon, siya yung laging nandyan kapag malungkot ako. Siya yung laging andiyan kapag may problema ako. Siya yung laging nandyan para pasayahin ako. Kaso bigla nalang siya nawala ng walang paalam. Siya yung kaisa-isang minahal kong babae until you came into my life. Kaya ikaw, don't be bothered kung bumalik man siya dito, kasi ikaw lang ang one and only sa puso ko tsaka hindi naman kita iiwan no."

Sa sinabi ni Ethan..

Parang nakahinga ako ng maluwag..

Parang nabunutan ako ng tinik...

"Siguraduhin mo lang yan, Ethan Hernandez!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"YES BOSS!" Nag-salute pa siya. HAHAHA!

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon