Chapter 18- Fake Relationship

85.2K 883 25
                                    

"Elle, gising na." Unti unti kong binuksan yung mata ko. Parang ayaw magpabukas! Antok na antok ako!

"Dito ko nalang ipa-park 'tong kotse, maglalakad nalang tayo papunta dun sa site."


Ang dilim dilim naman dito papunta sa site! Sino bang nakahanap nitong lugar nato at sino ba namang maiisipang mag-camping sa ganitong lugar? Mukhang may ano.... Ano!


"Chase! Pakiramdam ko may aswang sa sumusunod!"

"Hindi totoo ang aswang."

"Pakiramdam ko may tiktik somewhere! Kahit hindi ako buntis parang may sumusunod padin!"

"They're not true."

"Chase naman e!"


Napaupo nalang ako sa takot at pangangatog ng tuhod ko. Ang daming puno tapos may mga paniki at tunog pa ng kwago. May mga kuliglig din at kung ano ano pang tunog. Bilog na bilog pa ang buwan! Aatakihin yata ako sa puso!


"Elle, baka nag-aalala na sila satin. Andito naman ako e, hindi ko hahayaan may mangyaring masama sayo. Wala ka bang tiwala sakin?"

"Meron pero sa lugar, wala!"


Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa harapan ko.


"Sakay na. Mas okay kapag naka-pasan ka sakin. You'll be safer."


Naiilang ako kasi nakahawak siya sa binti ko para supportahan ako. Tinago ko nalang yung mukha ko sa may leeg niya. Lalo kong naamoy ang pabango niya, ang bango bango!


"Alam mo bang first time kong mag-pasan ng babae. Kahit kapatid ko, hindi ko pinapasan o kahit sino mang pinsan. You're the first one."

"Then I should be greatful"


Pakiramdam ko, mas safe nga ako ngayon kesa sa kaninang naglalakad ako. Baka mamaya may biglang humila sa paa ko. Nako! Baka himatayin ako at hindi ko yun masipa papuntang Mars.


May natanaw kaming maliit na kubo, binilisan ni Chase ang paglalakad para makarating na kami agad doon.


"Tao po?"


Walang nagbubukas.


"Tao po?"

"Wala naman atang tao dito, Elle."


Saan kami tutuloy kung walang tao dito? Hindi naman pwedeng dito lang kami sa labas! No way! Baka mamaya kung ano anong klaseng aswang at multo ang makita kong nakikipag-taguan sakin. Iniisip ko palang, mahihimatay na ko.


"Hello, may tao po ba di-Ay, hello po!"


May matandang babae na nagbukas ng pinto. Nakangiti siyang bumungad samin. Gumaan naman yung loob ko kasi hindi naman siya mukhang yung stepmother ni Snow White, mukha naman siyang mabait.


"Oh? Anong kailangan niyo?"

"Lola, pwede po bang makituloy muna? Eto po kasing girlfriend ko, natatakot na."

"Ah sige, pasok kayo. Delikado nadin. Gabi na."


Maliit lang ang bahay pero malinis at maaliwalas. Magkasama na ang living room at kitchen. Meron ding dalawang kwarto. Kubong kubo ang itsura. Konti lang ang mga mwebles sa loob pero okay nadin, simple lang.


"Lola, salamat po."

"Wala yun, iha. Upo kayo. Siya nga pala, bakit andito kayo? Delikado pa naman dito pag gabi."

"May camping po kasi kami magkakaibigan kaso ginabi po kami ni Elle" Sagot ni Chase

"Elle pala ang pangalan ng magandang bata na 'to. Ikaw iho? Anong pangalan mo?"

"Chase po."

"Aba't ang gaganda at gwa-gwapo niyo namang mga bata kayo. Siguro pag nagka-anak kayo, magaganda at gwapo din." Tumawa ng malakas si lola, nagkatinginan lang kami ni Chase.

"Osige, doon muna kayo sa isang kwarto. Wala naman yung apo ko ngayon, nasa bayan at bukas pa ang uwi kaya pwede muna kayong matulog diyan."


Ibinaba ko ang bag ko sa sahig at iginala ang mata ko sa loob ng kwarto. May maliit na kama at isang bintana na nakabukas para pumasok ang hangin na galing sa labas at ang buwan na nagsisilbing ilaw sa buong kwarto.


"Tulog na tayo?"

"Uh-Chase, sure kang okay ka lang diyan? Okay lang naman kahit tumabi ka dito sakin."


Sa kama niya kasi ako pinapatulog tapos kinuha niya lang yung kumot at nilatag ito sa lapag. Hindi ko maimagine na si Chase Lopez ay matutulog sa lapag. Paniguradong hindi siya sanay! Baka hindi siya makatulog, mukha pa namang pagod na pagod siya.


"Okay na ako dito."

"Sure ka?"

"Sure ako, Elle. Matulog ka na."

"Sure ka ha? Goodnight!"

"Goodnight."


Nakatitig lang ako sa kisame dahil sa hindi malamang dahil ay hindi ako makatulog! Dahan dahan akong bumaba ng kama at umupo sa tabi ni Chase. Ang gwapo gwapo niya. Wala man lang flaws yung balat niya. May matangos siyang ilong, manipis at mapupulang labi, ang haba ng pilikmata at kapag ngumiti may dimples! Halatang halata talaga sa kaniya yung pagkakaroon ng lahing kastila.


Hindi ko alam kung bakit hindi si Chase ang pinili ng puso ko, hindi ko alam kung bakit si Ethan. Naalala ko nanaman yung itsura niya kanina, the way he cried infront of me. Kumikirot ang puso ko tuwing naalala ko yun. He's always been good to me tapos ganun lang ang isusukli ko sa kanya? I really don't deserve this guy.


Di ko namalayan na may tumulo na palang luha na galing sakin, pinunasan ko ito at unti unting lumapit kay Chase upang halikan siya sa pisnge. I'm sorry, Chase. I'm really really sorry.


Kinabukasan, pagkagising ko ay agad akong nakarinig na nagtatawanan sa labas ng kwarto. Sinilip ko sa lapag si Chase pero wala siya dun, baka lumabas na, ang aga niya ata nagising o baka naman napasarap lang ako ng tulog? Tulog mantika pa naman din ako.


A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon