Chapter 22- Day 1

80.8K 871 33
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

-------------------

Ethan's POV

Ngayon ko sisimulan yung Oplan "OO" ko kay Elle, 5 days surprise yun. Nako! Ewan ko nalang talaga kapag hindi ko pa siya napasagot. -_______- EFFORT KUNG EFFORT!

Day 1

Kailangan namin pumasok ng maaga. Kapag "namin" ibig sabihin kaming boys except si Luke kasi susunduin niya pa daw si Rachel. -_______- Anyways, pumasok kami ng maaga para....

"Pare, yung totoo? Bakla ka ba?" Tanong sakin ni Xavier

"Pang-TANGANG tanong yan." Sagot ko sa kanya

"Bat namin kasi kami pa naisipan mo isama sa pagba-bake ng cookies? Dapat yung mga babae." Sabi ni Dylan

"O kaya dapat nag-hire ka nalang ng pastry chef." Sabi ni Chase

"Gusto ko galing sa puso. It's the thought counts." Pagmamalaki kong sabi

"Ang cheesy mo pre, di bagay sayo. Nakakasuka." Sabi sakin ni Kevin

"Manahimik na nga kayo. Oh eto! Apron!" Binato ko sa kanila yung hello kitty na apron. HAHAHA! Kay Keneddy kasi yun, yung little sister ko. =__=

"Bro, aminin mo na. Di ka naman namin pagtatawanan e." Sabi ni Chase

"ANO TO?! Hello kitty? Anak ng nemo naman Ethan! Girl na girl to." Pagrereklamo ni Kevin

"Magrereklamo kayo o eto ang aabutin niyo?" Pinakita ko sa kanila yung kamao ko.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, wag na kayo magreklamo. Gawa na! Move move!" Sabi ni Xavier na may kasamang palakpak-palakpak pa

"Sabi ko nga, ang cute cute nga ni Hello Kitty e." Sabi ni Chase

"Picture nga muna tayo. Remembrance." Sabi ni Dylan

"ATEEEEEE! Papicture!" Tinawag ni Dylan yung maid namin

"Sige po."

1..

2..

3..

*CLICK*

Yung mga pose namin naka-nguso habang naka-peace sign tapos suot namin yung Hello Kitty na apron. Nakakatawa yung mga itsura namin. HAHAHAHA!

"Gwapo padin natin kahit ganyan na ang mga pose natin." Sabi ni Kevin

*tango tango*

"GAWA NA TAYO!" Binatukan ko sila isa isa

"Pano ba kasi gagawin yan?" Tanong ni Dylan

"Teka lang. Tatawagin ko lang si Keneddy, papatulong tayo."

Umakyat ako sa kwarto ni Keneddy...

*tok tok*

"Keneddy!"

"Yeah?" Mataray na sagot niya

"Can you help us?"

"Ano kapalit?" Mautak talaga to. -_____-

"I'll buy you a new dress."

"Ok. Saan ba? Ano bang gagawin?" Madali naman tong kausap e, basta may kapalit. ^_~

"Help me to bake cookies."

"Para san? Don't tell me?!" Napatakip siya ng bibig. For sure, magkakasundo silang dalawa ni Elle kapag nagkita sila. Parehas sila ng ugali.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon