Chapter 54: Mr. and Ms. Clasher (part 3)

445K 7.4K 2.6K
                                    

 Dedicated nga pala sa unang nagpush ng loveteam namin ni Kai. Si CommanderFluffy!!! SALAMAAAAT!!! :*

Part 3

[Anya’s POV]

“N-Nakita niyo ba si Miko?” Tanong ko dun sa ibang contestants. Umiling lang sila. Ugh! Mga walang kwenta!

 I hate myself! Bakit ba ako nakokonsensya sa kunehong yon?

Fine. I did it on purpose! Alam ko naman e, Si Fretzie ang gusto ni Ethan. Kaso hindi kayang tanggapin ng pagkatao ko, ang tagal ko nang nagpapapansin si Ethan! Tapos siya… Bigla biglang dadating sa buhay namin tapos ganun na agad pakikitungo ni Ethan sakanya? IT’S UNFAIR! Pinaghirapan ko na maging part ng Campus Royalties para mapalapit kila Ethan, pera, effort, oras, at pagod ang pinuhunan ko! Ni hindi pumasok sa utak ko na maging Queen ng Hartford Academy kahit kailan! Fine, Maganda yung title, I gained popularity! Pero hindi kasi ganun kadali maging Campus Royalties sa Hartford! Pinalaki ako ng mga magulang ko na binibigay lahat ng karangyaan sa buhay, hindi nila ako pinapagod, buhay prinsesa ako! Pero ano? Nang dahil kila Ethan, nagpursige akong maging isa sa Campus Royalties! Dito, ang dami naming trabaho! Inuutusan kami para maghanap ng solusyon, saamin muna dadaan yung mga estudyanteng nagkakaproblema sa acads nila, pati personal nilang buhay sinasabi nila samin! Kami madalas ang namamahala sa mga projects ng Hartford! At kahit labag sa kalooban ko, ginagampanan kong maigi ang responsibilidad ko. Pero bakit ganun? Naging close na naman ako kay Ethan pero hindi niya ako tinitignan the way he looks on Fretzie? Ano bang meron sakanya?

Ugh! I hate it so much! Tapos ako pa yung rumampa mag-isa kanina! Gusto ko na lang lamunin ng sahig. Gusto ko nang kalimutan yung kahihiyang naranasan ko nung panahong yun, pero gusto ko munang humingi ng sorry sa taong niloko ko sakabila ng kabutihang loob niya sakin. Fine! Nakonsensya na ko kay Miko. Ano ba namang pumasok sa utak ko at nagawa ko yun? Haaay! Stupidity! Minsan nga susubukan kong lumayo kay Trixie! Nakakahawa siya.

“Anya! Hinahanap mo si Miko diba?” Tanong ni Dessa, contestant din sa pageant.

“Yeah nakita mo?” Tanong ko sakanya.

“Hmm.. oo. Nandun sa may mga audience, sa bandang unahan. Sumasayaw pa nga eh! Hahaha!” Sabi ni Dessa tapos umalis habang tumatawa. 

Sumasayaw? Sa audience?

Ha?

Kanina pa tapos yung turn niya sa talent portion ah!

-___-++

Mukhang malala nga yung naging epekto nung ginawa ko sakanya. Masyado niya sigurong dinamdam yung panlolokong ginawa ko. Baka nabaliw na.  Lalo tuloy akong nakokonsensya! Bwisit talaga yang kuneho na yan! Bwisit!

>___<

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon