My Binondo Girl After Two Years Chapter 2

Start from the beginning
                                    

"Babe, lambing ko lang iyon. Sige na, umalis ka na para hindi ka ma-late. "

"I love you, Jade." Sabay yakap sa kanya at saka tuluyan na itong lumakad paalis ng bahay.

Pagpasok ng opisina ni Andy ay nabungaran niya agad ang kanyang amang si Edison na nagbabasa ng mga financial report. Si Edison ang interim COO ng kumpanya habang on leave si Jade.

"Morning Pa," bati ni Andy.

"Kumusta na ang apo ko? Nagsasalita na ba ng lolo? Marami akong pinamiling toys na hindi ko pa nadadala sa bahay ninyo. This weekend kailangang makita ko ang apo ko, aba'y lugi ako niyan. Ang mama mo katabi lang ang bahay sa inyo kaya parating nakikita si Sapphire," tuloy-tuloy na litanya ni Edison sa anak.

Napapailing na lang si Andy sa kinikilos ng ama. Ang laki ng ipinagbago nito mula noon. Dati rati ay panay sermon ang inaabot nila dito ni Trevor.

"Pa, dahan dahan lang po. Mabuti po ang apo ninyo, nagsasalita ng dada at mama. Toys na naman po, isang bodega na ang laruan ni Sapphire," natatawang wika ni Andy.

"Siyenpre, dapat lahat ng gusto niya maibigay ko," mariing sabi nito.

"Anyway, Pa let's proceed to the conference room. Naroon na lahat ang board members natin."

"We are going to advertise Twin Dragons to all the big TV networks, plus billboards all over the Philippines. We need to get an endorser to launch the ads. I already hired an advertising agency to manage this huge advertising campaign. They are recommending to hire the high fashion model and former beauty queen, Ms. Clara Salvador. Any thoughts?," tanong ni Andy sa mga board members na nakaupo sa leather na mga silya sa long table ng conference room.

"I think that's an excellent idea, sikat na sikat si Ms. Salvador at kilala siya sa buong Pilipinas ngayon, siguradong lalakas lalo ang Twin Dragons," wika ng pinakabatang board member na si Mr. Steven Lopez.

"Okay din sa akin ang suggestion ng agency, " ayon naman kay Mrs. Gina Lee.

"Yes to that," sang-ayon din ang iba pang natirang board members sa mungkahi ng agency na si Ms. Salvador ang gagamitin nila bilang endorser ng Twin Dragons.

"Then this meeting is adjourn. I will notify the advertising agency to go ahead with the plan to hire Ms. Salvador," pagtatapos ni Andy.

Samantala sa bahay nila Jade, nag-ring ang phone. Nagpapakain si Jade kay Sapphire at that time sa may kusina. Si Zheny, Lola Amor at Menchu ay lumakad para mag-shopping. Sinasama nila si Jade pero tumanggi ito sa dahilang masama ang pakiramdam niya. Para siyang nahihilo parati lately.

"Hello, Jade! Si Onyx ito. Kumusta na? Anong balita sa bestfriend ko?, bungad ni Onyx sa telepono.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Where stories live. Discover now