Chapter 22: Goodbyes and Hellos

5.8K 117 29
                                    

Chapter 22: Goodbyes and Hellos

At sumapit ang tinakdang araw, si Marco alas kwatro palang gising na at napanligo at nakabihis. Si Joanna maaga din nagising at di mapakali. Si Marco di makakain sa almusal habang si Joanna ay subo ng subo at talagang nagpapanic. Sa eksaktong sandali sabay nagring ang phone ng dalawa, agad sila tumakbo papunta sa kwarto nila para sagutin ang kanilang mga tawag.

“Hello Pao?” sabi agad ni Joanna. “Hoy gaga! Anong Pao? Tinatanong ni Jamie kung gusto mo sumama at lalabas daw sila ni Rich” sabi ni Jane. “Oo! Oo! Sasama ako, saan? Ano oras? Now na?” sagot ni Joanna at nagulat ang kaibigan niya. “Hoy! Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ng kaibigan niya at tumawa si Joanna.

“Ah wala sis, oo sama ako, san ba tayo magkikita at anong oras?” sagot ni Joanna. “Alas dyes sis, dun tayo sa Hotshots, yung place na pinagkainan natin before start ng sem, yung sinundo ka namin remember?” sabi ni Jane. “O sige, I will be there” sabi ni Joanna. “wow, kakaiba ka ata today ah” sabi ni Jane. “Hahaha ah? Eh sige sige at kakain pa ako, gutom ang clan ko” sabi ng dalaga sabay patay sa phone.

“Hello?” sagot ni Marco at si Angelo nagboses babae, “Hello Marco this is Hanna, I love you” sabi niya at natawa si Marco. “Shut up bakla! She doesn’t know my real name” sagot ng binata at tumawa ang kanyang kaibigan. “Shoot oo nga no, Paolo dapat, oh well pre gusto mo sumama?” tanong ni Angelo. “Oo sige saan at anong oras?” tanong ni Marco. “Wow, sure ka? Bakit nag LQ ba kayo ni Hanna?” tanong ng kaibigan niya.

“Hindi pare, basta sasama ako” sabi ni Marco. “Okay alas dyes sa Hotshots pare daw, basta yung dati” sabi ni Angelo. “Okay pare, sige paalis na ako” sabi ni Marco. “Ano? Pare alas otso palang” sabi ni Angelo. “Basta, kailangan ko magpakalma, wag ka na kokontra okay?” sagot ng binata. “Fine, sige pre later” sabi ni Angelo sabay patay sa phone. Sakto nakatanggap si Marco ng isang text message.

Hanna: Hi. Okay lang ba around 11am?

Paolo: Sure, saan ba tayo magkikita?

Hanna: Sa mata?

Paolo: Hahahaha ayos!

Hanna: Uy sorry grabe kasi im a bit excited at kinakabahan

Paolo: Same here, so this is it Hanna

Hanna: Oo nga e, ah busy ka?

Paolo: Di naman, game?

Hanna: Game!

Tinawagan ni Marco si Joanna, pareho sila kinakabahan pero matapos ang ilang tawanan ay kumalma na sila. Napag usapan nila ang meeting place, gulat sila pagkat akala nila soul resonance ulit ang gumana. Pagsapit ng alas nuebe ay nagpaalam na sila isat isa, huling paalam nila bilang di magkakilala.

Hanna: It was nice talking to you Paolo

Paolo: Likewise Hanna. I gues this is where Hanna and Paolo ends

Hanna: Yeah, no sad goodbyes

Paolo: Ahahaha ang drama mo! Para namang mamatay na tayo

Hanna: Ikaw kasi e. Pero totoo naman, the next time we say hello, we will be using our real names already

Paolo: Oo nga e, so goodbye Hanna

Hanna: Goodbye Paolo. Whoever you are, I love you and I will see you later

Paolo: I love you too whoever you may be.

Alas dyes ng umaga nakarating si Joanna sa meeting place, nandon na sina Jane at Jamie at nakita niya naglalakad palayo sina Angelo at Richard. “O san sila pupunta?” tanong ni Joanna at nagulat ang mga kaibigan niya pagkat sa likod siya sumulpot. “Uy nandyan ka na pala, ay may tinignan lang sila. Upo ka dali at basahin natin tong mga dreams nila” sabi ni Jamie pero si Joanna naglakad lakad lang sa paligid. Ilang minuto lumipas at nairita si Jane sa kaibigan niya. “Oy ano ba problema mo? Maupo ka nga kasi. Bakit lakad ka ng lakad?”

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon