Chapter 18: Gibwi

3K 37 0
                                    

Chapter 18: Gibwi

Kinabukasan ay di mapakali si Marco, hindi siya kumain ng almusal at halos isang buong araw nang hindi tumutunog ang cellphone niya. Nagcheck siya online at nakita niya kahapon pa ang last na log in ni Hanna kaya sobra na siyang nag aalala. Hinawakan niya ang phone niya at gusto na magpadala ng text pero nagdalawang isip siya at naglakad lakad nalang sa labas ng bahay nila.

Di niya natiis at nagpadala siya ng isang text message kay Hanna saka bumalik sa bahay nila at nagkulong sa kwarto. Ala una ng hapon may natanggap siyang text mula kay Hanna at nanliwanag na muli ang kanyang mukha.

Hanna: Hi. Just Woke up. Musta?

Paolo: Ok lang. Wow just woke up?

Hanna: Yup, 3am na ako nakauwi e

Paolo: Wow super gimik ata yan ah

Hanna: Di naman I just had fun with friends

Paolo: Ah ok. Have you eaten?

Hanna: Just woke up nga diba?

Paolo: Ay sorry. Sige kain ka na muna

Hanna: Sige

Ang ngiti sa mukha ni Marco biglang nawala, kakaiba ang nararamdaman niya at bigla nalang siyang kinakabahan. Si Joanna bumangon na at nagtungo sa kusina, kakain na sana siya ngunit nagring ang telephone nila. Agad niya sinagot ang phone at si Jane ang nasa kabilang linya.

“Uy kagigising ko lang” sabi ni Joanna. “Uy, ikaw ha. Dali kwento na ano nangyari sa inyo ni Anthony. Uy memories” sabi ni Jane at natawa si Joanna at medyo kinikilig. “Ay grabe talaga sobra yung kahapon parang dream e, yung pagpasok ni Jamie after opening the door, with that super smile tapos si Anthony sa likod niya ay grabe parang lumukso puso ko sis” kwento ni Joanna at kinilig naman si Jane.

“E first love mo siya, at pangit naman yung pagkahiwalay niyo kasi dati e” sabi ni Jane. “Oy di naging kami ha. Yeah naging super close kami, at hello kung not for him e di ko na sana kayo nakilala no? Bruha naman na Jamie di man lang sinabi na dadating pinsan niya, ay grabe sis di ko alam” sabi ni Joanna. “Uy, uy, e kung di sila lumipat ng lugar? Ano sa tingin mo naging kayo kaya?” tanong ni Jane. “Malamang!” sagot ni Joanna at sabay sila tumawa.

“Dali na kwento ka na, wag madaya” sabi ni Jane at nahiga si Joanna sa sofa at ngumiti. “Wala naman kaya, we just talked, nagkwento siya about stuff at ako din. Nakwento ko what happened to me at he comforted me, talk talk talk” sabi ni Joanna.

“Talk up to alas tres ganon? Aysus so ano nagspark ulet ba?” hirit ni Jane at tumawa si Joanna. “Di ko alam sis, sa totoo nakalimutan ko na siya e, pero nung nakita ko siya parang biglang bumalik lahat ng feelings e, pero wala” sabi ni Joanna.

“Whats holding you back? Si Marco? O don’t tell me si Paolo nanaman” sabi ni Jane. “Uy tawag ka nalang mamaya di pa ako kumain at gutom na ako ha” sagot ni Joanna. “O sige sige tawagan ko muna insan mo” biro ni Jane at tawa sila ng tawa. Pagkababa ng phone agad kumain si Joanna at talagang magulo ang isipan niya.

Pagkatapos maligo ni Joanna nagkulong siya sa kwarto niya at agad tinext si Paolo.

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon