Chapter 1: Chat

7.9K 75 2
                                    

Chapter 1: Chat

Joanna

Patapik tapik sa mesa ang dalaga, huminga ng malalim at muling nagtype sa keyboard. Di nagustuhan ang nasulat kaya binura ito at nag isip muli. Sa likod niya dahan dahan papalapit ang kaibigan niya, tahimik at biglang pinindot ang bawat tagilirian.

“Sheeetttt!!!” sigaw ng dalaga at napatayo. Tawa ng tawa ang kaibigan niya at ilang sandalli natawa narin ang dalaga. “Grabe ka naman Jane! As in natakot ako doon” sabi ni Joanna at di parin makapagpigil sa tawa ang kaibigan niya.

“Sis namiss ka na namin kaya eto dinalaw kita. Di ka na nagtetext man lang o nagpaparamdam” sabi ni Jane at sinilip ang mga nakasulat sa monitor. “Busy ako e” sagot ni Joanna at pinatay ang screen. “Oist, teka wag mo patayin, ano nanaman yang nilalagay mo sa blog mo? Mga emo emo nanaman. My God Joanna, ilang months na lumipas! Get over him already ano!” sermon ni Jane.

“Yeah yeah so easy to say. Sana ikaw din maranasan mo para alam mo. Kaya pag di mo alam gano kasakit then shut up ka nalang kesa nagsasabi ng move on move on. Gosh kung ganon kadali e di sana naglalandi na ako tulad mo. Oops pero di ako tulad mo, teka malandi ka ba?” tanong ni Joanna at tawa sila ng tawa.

“Oist wag ka naman mag berserk mode sa akin. Oo na sige na take your time to move on. Pero grabe ka naman wag kang magkukulong dito sis. Sayang beauty mo, tapos online ka nga pero di ka naman kasali sa mga social networking. Lagi nakapatay cellphone mo. O pano ka namin makontak? Ano to cave? Bakit di ka pa maghubad at wag ka narin maligo kaya” tukso ng kaibigan niya at lalo sila nagtawanan.

Naupo ang dalawa sa kama at nagkwentuhan, pumapasok naman si Joanna pero bihira siya magpakita sa mga kaibigan niya. Diretso uwi sa hapon at diretso pasok sa umaga. “So sis ano na lang ba ginagawa mo dito sa kwarto mo? Sabi ng mom mo as in dito ka lang lagi e” tanong ni Jane. “Wulah, ayan blog, minsan browse browse or manood ng videos online” sabi ni Joanna. “Grabe ka naman, magtext ka naman kasi. Ano ba problema nahihiya ka ba? Wag mo sarilihin ang problema mo kasi at pwede ba sis mag move on ka na kasi Ferdinand already did diba?” sermon ni Jane.

“Yeah I know sis…tanggap ko na yon pero parang nawalan ako ng self confidence. Ewan ko ba parang sinisisi ko sarili ko. Iniisip ko lagi ano ba kasi kulang ko? Where did I go wrong? Don’t worry I am okay sis” sabi ni Joanna. “Why not sama ka sa amin ni Jamie, oh may boyfriend na si Jams, his name is Richard” kwento ni Jane at nagulat si Joanna.

“Talaga? Nakahanap din siya ha, grabe dami nanliligaw sa kanya sa wakas may sinagot siya” sabi ni Joanna. “Oo nga buti pa siya” drama ni Jane at bigla sila nagtitigan at nagtawanan. “Don’t tell me off nanaman kayo?” tanong ni Joanna at ngumiti si Jane. “Well its complicated, pero don’t worry okay lang kami” sagot ng kaibigan niya.

Di napapayag ni Jane na lumabas si Joanna, ngunit tumambay ang dalaga kasama ang kaibigan niya pagkat namiss niya ito. Pagsapit ng hapon nagpapaalam na si Jane pero bigla ito lumapit sa computer ni Joanna at sinindi ito. “Alam mo sis may alam ako para slowly but surely bumalik trust mo sa tao. I know you need someone to talk to at nahihiya ka sa amin so why not chat?” sabi ni Jane.

“Chat? Sa net?” tanong ni Joanna at naupo si Jane sa harapan ng computer at nagconnect sa internet. “Oo chat, para lang masanay ka ulit sa tao. Don’t worry you can pretend to be someone else pero pwede mo din ilabas nararamdaman mo. O diba? Di ka na kilala pero other people can listen to your real story” sabi ni Jane at humila ng upuan si Joanna.

“Oy di ako tanga, alam ko ang chat pero parang weird lang” sabi ni Joanna. “Hay naku, parang socializing lang ito. Yung iba nagpapakatotoo, yung iba peke, yung iba predator lang, basta alam ko wise ka naman at marunong kumilatis. Maraming chatrooms, madami ka pwede makausap at makipagkaibigan. Most lonely people, I repeat lonely people chat to take away the pain in their hearts. Alam mo this is what you call release. Kasi madami naman makikinig sa iyo or makakashare ng same experience. Well iwasan mo lang yung mga bolero at madaming manyak sa net” sabi ni Jane at nagtawanan sila.

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon