Chapter 8: Hello

4.3K 54 0
                                    

Chapter 8: Hello

Unang araw ng pasukan at kapapalabas kina Joanna at Jamie. “Ano ka ba sis di mo na ata mabitawan yang phone mo. Di ka ba nagsasawa magtext?” tanong ni Jane. “Hindi kasi masarap siyang katext e” sagot ni Joanna. Hinawakan siya agad ni Jane pagkat muntik na siya mabubunggo sa pader. “Naman sis di ba makapag antay yan? Muntik ka na mabunggo o” sabi ng kaibigan niya.

Huminga ng malalim si Joanna at tinignan si Jane. “Sis, may deal kami alam mo yon. Pero…tsk hay…nakakapagod sa fingers magtext…sa tingin mo deal breaker ba yung patawagin ko siya?” tanong ni Joanna at nagulat si Jane.

“Oy oy sabi mo textmate lang, o bakit mo gusto makausap?” sagot ng kaibigan niya. “Wala lang, parang to know if he is real. Ganun lang naman siguro” sabi ni Joanna. “Ikaw bahala, pero may deal kayo, buti kung siya nag alok tapos gora!” payo ni Jane.

“Magkikita ba tayo nina Jamie? Kasi uuwi na sana ako. Wala naman mga prof e” sabi ni Joanna. “Hay sis alam mo naman yon studious at serious masyado malaman kahit walang prof e papasok siya. Tara uwi nalang tayo” sabi ni Jane at kahit wala pang tanghali ay umuwi na yung dalawa.

Samantala sa may court area ay nakatambay sina Marco at Angelo at nanonood sila ng naglalaro. “Uy sina Jane at Joanna o” sabi ni Angelo pero busy si Marco sa phone niya. “O sige ikawayan mo narin ako” sabi lang ni Marco at talagang busy sa pagtetext niya.

“Alam mo pare dapat baguhin mo ugali mo, kaibigan sila ng girlfriend ni Richard no, so we have to be good to them naman to help Richard look good” payo ni Angelo kaya tumigil si Marco at agad kumaway. “O nasan sila, wala naman na” sabi niya at binatukan siya ng kaibigan niya. “Pilosopo ka talaga. Syempre wala na kasi kanina pa sila dumaan” sabi ni Angelo. “Sorry naman busy ako e” sabi ni Marco at nagtawanan sila.

Hanna: Ei, may extra load ka ba?

Paolo: Why? Pasahan kita? How much?

Hanna: No, may load ako

Paolo: O bakit natanong mo kung may load ako? Meron pa naman. Ah aminin ko na nga, binigay ng ate ko to. Naka post paid itong gamit ko kaya unlimited text at tawag

Hanna: Di nga?! As in?

Paolo: Yup. Gusto mo tawagan kita?

Hanna: Ah? Eh diba may deal tayo

Paolo: Oh so? We can still use fake names. Boses lang naman ang mabubuking pero grabe alangan na magamit ko basis ang boses para mahanap ka diba?

Hanna: Hahaha oo nga. Ikaw bahala

Paolo: Okay lang naman pero pag ayaw mo ok din

Hanna: Ah sige pero pauwi palang ako. Pagdating ko ng bahay?

Paolo: Same here pauwi na ako. Later nalang

Hanna: Ah sige then. Ingat

Nagmadali tumayo si Marco at kinuha gamit niya, “Sige pre uwi na ako” sabi niya. “Ha? Pare may klase pa tayo mamayang hapon” sabi ni Angelo. “Walang prof, kung meron ikiss mo nalang ako ha and tell them Marco loves them” sabi ng binata at tawa ng tawa si Angelo.

 “Siraulo! Naadik ka na sa katext mo!” pahabol ng kaibigan niya. “At least may katext, e ikaw? Ako lang katext mo di pa kita sinasagot! Maghanap ka na ng ibang papa mo pare!” sigaw ni Marco at ang daming napatingin kay Angelo at hiyang hiya siya.

Pagkadating ni Joanna sa bahay nila agad siya nagbihis. Humarap siya sa dining table at sumabay nakitanghalian sa mommy nya. “Kanina mo pa tinititigan phone mo, kumain ka nga lang muna” sabi ng nanay niya. Huminga ng malalim si Joanna at sinubukan ngumuya pero kinakabahan talaga siya. Tumunog ang phone niya, agad niya dinampot at nilapit sa tenga. Nakatingin sa kanya ang mommy niya at natawa sila ng kasambahay. “Di ba message tone yon?” sabi ni manang Ruby at ang nanay ni Joanna tawa ng tawa. Hiyang hiya ang dalaga at pasimple ngumiti, binasa niya ang text pero sumabog din siya sa katatawanan.

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon