Chapter 11: Ako

3.7K 54 0
                                    

Chapter 11: Ako

Katatapos ng preliminary examinations ay nagtambay si Jane sa bahay ni Joanna at pareho sila nakaharap sa computer. “Ay sis alam mo ba gumawa kami ni Pao ng Facebook account namin, pero siyempre no details at no friends” sabi ni Joanna at natawa si Jane. “Ayos, so dalawa lang kayo mag friends? How sweet” sabi ni Jane at napasimangot ang kaibigan niya.

“Di e, ibroadcast ba niya sa account niya kaya ang dami niyang friends…na BABAE!!!” sabi ni Joanna at tawa ng tawa si Jane. “Uy selos ka naman” sabi ni Jane. “Huh! Bumawi ako at lookie lookie, I have 100 friends agad, lalake pa lahat huh!” sabi ni Joanna.

“Sis, what if lang ha, kasi may deal kayo…lets say nakahanap siya ng iba. So pano na kayo?” tanong ni Jane at napasimangot si Joanna at napasandal sa upuan. Tahimik lang yung dalaga at napatingin sa friends list ni Paolo. “Kasi sis sa totoo lang ha, parang kayo na di ko maintindihan e. Lagi mo kausap sa phone pati sa school. Lagi mo katext, di pa nagsawa nakachat pa kayo tapos eto pa?” hirit ni Jane.

“Hay sis, di ko din alam e. I like him, he seems like a great guy. May times na parang he likes me too. May mga nasasabi siya pero lagi lumiliko e. Para bang di ko alam e. Parang oo na hindi. I don’t know sis, pero oo nga may deal kami, if he really likes me sana too e di sana napag usapan na namin yung deal diba?” sabi ni Joanna at tahimik lang si Jane.

“Oy look nag quiz siya o, the letter of the one who secretly loves you, uy J nakuha niya o” sabi ni Jane at pagtingin ni Joanna ay bigla siyang natuwa at tumawa ng malakas. “Hahaha J nakuha niya, Paolo ako yan!!! Hahaha magaling magaling tong quiz na to!” sigaw ni Joanna sa tuwa at talagang kinikilig siya. “Oy sis masyado ka na ha” sabi ni Jane at tawa parin ng tawa si Joanna.

Nagtype si Joanna sa keyboard at tawa parin siya ng tawa. Binasa ni Jane ang sinulat niyang comment at bigla natawa. “Dinoktor mo yan e? Sigurado ka?” tanong ni Jane. “Oo malay mo diba baka dinoktor niya yung sagot” sabi ni Joanna at tawa ng tawa si Jane. “Sis, hello! Ikaw si Hanna e di dapat H diba? Oh J nakuha niya tapos sasabihin mo doktor, e di inaamin mo na J start ng real name mo diba?” sabi ni Jane at nagulat si Joanna at natauhan. “Oh Shwet! Oo nga no, wait wait delete ko ay grabe oo nga” sabi ni Joanna at natuliro siya sa pagpipindot pero biglang may sagot si Paolo.

“Hala! Online pala siya sis! Dali basahin mo sinabi niya!” sabi ni Jane at parang di makahinga si Joanna at dahan dahan binasa yung sagot ni Paolo.

“Di ko dinoktor yan, ilang beses ko nga take yung quiz talagang J lumalabas e. Its not the letter I was hoping for” basa ni Joanna at bigla siyang tumayo at sumigaw ng malakas. “Ay grabeeeeeeeeeee!!! Gusto niya ng H!!! Pao!! Tama yung nakuha mo!!!” sigaw ni Joanna at tawa nalang ng tawa si Jane sa inaasta ng kaibigan niya.

Naupo muli si Joanna at nagtype, “Ah, teka try ko nga din tong quiz” sinulat niya at sinubukan din niya yung quiz. Pagkatapos magsasagot si Joanna ay lumabas na ang resulta at napasimangot siya. “Ay hindi siya P, bakit A?” tanong niya at napaisip din si Jane.

“Baka si Angelo?” sabi ni Jane at lalong napasimangot si Joanna. “Sheesh, Angelo? No offense pero M nalang if ever” sabi ni Joanna at bigla siya tinukso ni Jane. “Uy Marco, uy” sabi ni Jane at natawa konti si Joanna pero nag alala sa nakuha niyang letra sa quiz.

Tahimik sa kwarto ni Marco at nakita niya ang resulta ng quiz ni Hanna. Agad may nagreply na lalake doon, “Baka ako yan, Anthony ako e” basa niya ng malakas sabay huminga ng malalim. “Baka ikaw your face!” sigaw ni Marco at bigla siya kinalbit ni Lianne. “Oy nagpapaapekto ka sa mga quizzes na yan, di totoo yan no” sabi ng kapatid niya at napangiti nalang si Marco.

 “Ano gusto mo makuha niya letter M? Sus, ay P pala Paolo diba? Hay kuya you are so makitid sa utak, grow up” sermon ni Lianne at tawa ng tawa si Marco kaya pinatay nalang ang computer niya at nahiga sa kama.

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon