Chapter 6: Liko Moves

3.6K 52 0
                                    

Chapter 6: Liko Moves

Dalawang linggo nang magkachatmate at textmate sina Joanna at Marco at dalawang linggo narin ang natitira sa bakasyon. Isang umaga naglilinis ng kwarto si Joanna at tumunog ang phone niya pero di niya ito pinapansin. Pumasok ang nanay niya sa kwarto at muling tumunog ang phone. “Aba himala, ano nakain mo at naglilinis ka ng kwarto? Tumunog phone mo” sabi ng nanay niya.

“Hayaan mo siya” sabi ni Joanna at nagsimangot. Tumunog nanaman ang phone at lumapit ang nanay niya sa kama at kinuha ang phone. “Babasahin ko na sige ka” biro ng nanay at nagsimangot lang ang dalaga. “Sige lang, I don’t care” sabi ni Joanna at talagang binasa ng nanay niya ang mga text message.

“Hanna, sorry talaga. Pumikit lang ako talaga tapos you know” bigkas ng nanay niya. “Lagi naman e, lagi nalang ganyan” bulong ni Joanna at tuloy ang pagsisinop sa cabinet niya. “Hanna please sorry talaga, di na mauulit, alam ko ang score ay 5-2 na. Sorry talaga” sabi ng nanay at lalong napasimangot si Joanna. “Teka nga, sino si Hanna? Bakit ayaw mo ba name mo na Joanna?” tanong ng mommy niya at sinara ng dalaga ang cabinet at nakitabi sa nanay niya sa kama.

“Di po, Hanna parang codename. Para di niya talaga alam sino ako. O diba safe?”paliwagan ni Joanna at napangiti ang nanay niya. “O so ano naman ang pangalan nitong lalake?” tanong ng nanay niya. “Paolo, of course codename din” sagot ni Joanna. “So siya ba ang nagpapatawa at nagpapangiti sa iyo lately?” tukso ng nanay niya at napasimangot ang dalaga. “At nagpapasimangot ma” sabi niya at natawa ang matanda.

“Hanna sorry naman na o. Oo na antukin na ako pero naka dalawa ka din naman ah. Pero oo naka lima na ako kahit sa totoo apat lang pero yung iba diyan sign of old age kaya sabi five. Pero sige five na. Pero sorry talaga” basa ng nanay niya at sabay pa sila napatawa. “O ayan nagmamakaawa na pansinin mo na kasi” sabi ng ina niya at kinuha ni Joanna ang phone at nagtype ng mensahe. “O sige Paola, ano gusto mo pala lunch?” tanong ng nanay niya. “Ma, order nalang tayo pizza” sabi ng dalaga. “O siya siya wag masyado Paola ha” paalala ng nanay at tumawa si Joanna. “Hanna po ma” sabi nya

Sa bahay nina Marco nakahiga ang binata sa sofa at nakasimangot. Hawak hawak niya ang phone niya nang bigla ito tumunog.

Hanna: Hi. Sorry late reply. I was busy cleaning my room. Wala yon ano. I understand.

Biglang napaupo si Marco at napabomba ng kamay sa ere. “Oy exaggerated ka na ha” sabi ni Lianne at natawa ang binata. “E akala ko galit na siya sa akin e” sabi ni Marco. “Asus, kuya akala ko ba e no strings attached yan. Bakit parang masyado ka affected sa ganyan ha? Ha? Ha?” tukso ni Lianne at napangiti nalang si Marco at nagtype sa phone niya.

Paolo: Hay thank God. Sorry talaga ha

Hanna: Kulit. Sabi ko ayaw ko ng makulit diba?

Paolo: Ahahaha okay. Pero Hanna sorry talaga. I really thought you were mad at ayaw ko naman na mawala ka

Hanna: Ha? Ano?

Paolo: Ay alam mo pinadownload ko yung sinasabi mong kanta sa sis ko. Tama ka ganda nga

Hanna: Ha? Wait wait naguguluhan ako

Paolo: Yung oldies na Stitches and Burns. Remember?

Hanna: Ah oo nga

Paolo: Yeah, I think I can sing this

Hanna: Ows? You sing? Saan sa kubeta? Ahahaha

Paolo: Oo. Hahaha joke!

Hanna: Di nga? You sing? As in sing na kumakanta talaga?

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon