Chapter 10: Panalangin

3.4K 54 1
                                    

Chapter 10: Panalangin

Tatlong linggo lumipas at busy si Joanna sa pagbabasa sa screen ng computer. “Sis ano ba ginagawa mo tara at nandon na daw sila” sabi ni Jane. “Teka lang sis nagbabasa  pa ako e” sabi ni Joanna. “Ano ba kasi yan? Anong site yan?” tanong ng kaibigan niya.

“Plurk, basta parang chatroom, pwede ka mag open ng topics…shhh…” paliwanag ni Joanna. “E ano ginagawa mo ba? Bakit ka nagbabasa?” tanong ni Jane. “Nagnininja ako wag kang maingay” sagot ng dalaga. “Ninja? Napaka weird mo na talaga” sabi ni Jane at biglang kinilig si Joanna at para siyang bulateng nabudburan ng asin na tumatawa mag isa.

“O bakit nanaman?” tanong ni Jane sabay tinuro ni Joanna ang screen. “Yung topic niya o, PANALANGIN” sabi ni Joanna at di siya mapakali sa inuupuan niya. “Yung kanta?” tanong ni Jane at binuksan ni Joanna ang topic at nabasa nila ang laman. “Oo sis, yung kanta o” sagot ni Joanna. “O bakit yung kanta?” tanong ni Jane. “Wulah lang, basta basta…hay grabe” sagot ni Joanna at di na matanggal ang ngiti sa mukha niya.

“Sis tara na kasi nandon na sila nag aantay” kulit ni Jane at parang nanigas ang mga kamay ni Joanna sa keyboard. “Wait wait…di ko alam isasagot ko” sabi niya. “isasagot? Mamaya na pag uwi mo kasi, tara na” sabi ni Jane. Di na sumagot si Joanna pero nag scroll down sa topic at may nabasa siya.

 “Maling Akala…maling akala?” bigkas ni Joanna at napatingin si Jane sa inis sa screen. Tumayo bigla si Joanna at nagdabog, “Tara nga nga, maling akala pala eeesh” sabi ni Joanna at nalilito na si Jane. “O ano naman ngayon?” tanong ng kaibigan niya. “Basta tara na” pagalit na sinabi ni Joanna at nagbayad na sila sa counter.

Sa isang videoke bar nakatambay sa isang kwarto sina Jamie, Richard, Angelo at Marco at wala naman kumakanta sa kanila. “Ang tagal naman nila kasi e, pero alam niyo ang galing kumanta ni Joanna” sabi ni Jamie. “Ano ba kasi nakain mo Richy boy at dito tayo?” tanong ni Angelo at napailing si Rich sabay turo sa girlfriend niya. “Wala lang bonding, tapos gusto ko marinig niyo si Joanna kumanta” sabi ni Jamie.

Napatingin si Marco sa relo niya at huminga ng malalim. “Guys malapit na ako aalis, may lakad kami ng family” sabi niya. “Tsk nakakainis naman kasi yung dalawa e, okay lang Marco may next time naman” sabi ni Jamie. “Hoy pre, kumanta ka nalang kaya” sabi ni Angelo bigla. Ngumiti lang si Marco at tinanggihan ang microphone. “Past is past pare, kayo nalang” sabi ni Marco.

“Oh? Kumakanta ka?” tanong ni Jamie. “Dati yon, ngayon di na” sabi ni Marco at nang napatingin siya kay Richard ay parang napilitan ang binata. “O sige na nga, pero isa lang” sabi ni Marco at kinuha niya ang microphone.

Namili si Marco sa directory habang si Jamie napatingin sa boyfriend niya, “he really sings?” tanong niya. “Oo kaya, siya vocalist namin nung may banda kami. Ewan ko diyan bigla tumigil nung…you know” sabi ni Richard at biglang lumiwanag mukha ni Marco at nagpipindot.

Tumayo ang binata at huminga ng malalim, napatingin ang lahat sa screen at natawa si Angelo bigla. “Panalangin?” tanong niya at ngumiti si Marco. “Ahem ahem, sensya na wala ako sa practice, pakapalan na ng mukha to” sabi ng binata at nagtawanan sila lahat.

“Panalangin ko sa habang buhay makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin kooooo…” kanta ni Marco at gulat na gulat si Jamie at nanigas siya bigla at natulala. “Sabi sa iyo e” bulong ni Richard. “Oh shet ang ganda ng boses niya” sabi ni Jamie at game na game pang kumakanta si Marco with actions na ikinatutuwa ni Angelo.

BertwalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon