Chapter 14: Hot Seat
Isang buwan ang lumipas at midterm exam na nila. Si Joanna mabilis natapos ang mga exam niya at nag antay siya sa tambayan nila. Ilang saglit lang dumating si Marco at naupo sa tabi ng dalaga. “Paupo ha” sabi niya at di siya pinansin ng dalaga. “La na exam?” pabulong na tanong ni Marco at nilingon siya saglit ni Joanna, “Tapos na” sagot niya at nilabas niya ang phone niya at pati si Marco sumandal at nagtext.
Hanna: Kumusta?
Paolo: Uy I was about to text you ahahha. Okay lang, you?
Hanna: Hahaha gulat ako nakavibrate at silent pa phone ko
Paolo: Gustong gusto mo naman
Hanna: Hahaha sira nasa bag ko
Paolo: Ay alam niya
Hanna: Sira, I told you kaya ko sakyan ang ganyan
Paolo: Teka akala ko ba may exam ka?
Hanna: Tapos na. At ikaw akala ko din ba may exam ka?
Paolo: Tapos na din. You know, i-power! You know as in Ikaw!
Hanna: Psst Pao…
Paolo: Ano yon?
Biglang natawa ng sabay yung dalawa at nagkatinginan sila saglit. “Text joke” palusot ni Marco at ngumiti nalang si Joanna pero tuloy ang bungisngis niya. Si Marco pasimpleng pangitingiti at si Joanna kinikilig naman. Parehong nakasilent ang mga phone nila, tuloy ang pagtetext nila sa isat isa nang di nila nalalaman.
Hanna: Ganon ka din naman sa akin e. Ewan ko ba basta
Paolo: Parang ang sarap mag aral no?
Hanna: Hahaha oo nga, parang ang dali kamo
Paolo: Nyahaha korek. Parang may goal at purpose
Hanna: Sira! Bakit kung wala ako di ka na mag aaral?
Paolo: Mag aaral for necessity, this time di e, parang for our future
Hanna: Ano?
Paolo: Hahahaha itatanong pa o pwede mo naman basahin ulit
Hanna: Future? Our future?
Paolo: Yeah, why? Masama ba mangarap?
Hanna: No. Hay you made my day, napasmile mo ako ng todo. Wish you were here
Paolo: Wish I was there, wish you were here too. Ah basta
“Hoy! Para kayong timang na dalawa patext text pa kayo pwede naman kayo mag usap na dalawa!” sabi ni Jamie sabay tawa. “Oo nga, nagkandahiyaan pa o, may patalikod pa pero magkatext naman” banat ni Jane. Sabay pang napatingin sina Joanna at Marco sa dalawang dalawa at parehong masama ang tingin. “Aysus o ang sasama pa ng tingin, sige nga patingin nga mga phone niyo?” sabi ni Jane.
Sabay na inabot nina Marco at Joanna ang mga phone nila kay Jane pero tumanggi na ito. “Oo na grabe kayo nagbibiro lang e, chill naman” sabi ni Jane at biglang tumayo si Marco at naglakad palayo. “Uy Marco nagbibiro lang kami” sabi ni Jamie. Lumingon ang binata at ngumiti, “Its good, no harm done” sabi niya at tuluyan nang umalis.
Napansin ni Jamie at Jane na natulala si Joanna at nakatitig lang kay Marco kaya bigla siya tinapik ni Jane. “Cute ng smile niya no?” sabi ni Joanna at gulat na gulat yung dalawa pagkat talagang sinundan ni Joanna ng titig si Marco. “O sabi na sa iyo e, o ano ipagpalit mo na kasi si Papa Pao mo” sabi ni Jamie.
BINABASA MO ANG
Bertwal
Teen FictionOnline love? Truth or fiction? Sundan and kwento nina Tinitron at Bettyfly sa kanilang bertwal na pag iibigan...hanggang doon nalang ba sila?