5. GG -Good Game

1K 37 9
                                    

"Hindi niyo naman sinabi close na close na pala kayo." Magkalapit parin ang ilong namin ni Zackrey kaya nagulat ako nung nagsalita si Ivan.

Agad kaming kumalas sa isa't isa. Na-out balance pa ako kaya inalalayan ulit ako ni Zackrey pero bumitaw din siya agad.

Nasa may pinto nakatayo sina Ivan at Patchot. Naka-Jersey na sila at rubber shoes. May sumbrero din si Patchot.

"Nakita mo na si Lavinia kanina diba?" sabi ni Ivan kay Zackrey.

"Oo. Close na nga kami, eh. Ang dami nyang kinuwento sakin." Pagsisinungaling ni Zackrey.

Ang sama talaga ng nilalang na to. Ililista ko yan sa mga unlikable traits niya under "Bakit Hindi Ako Dapat Nagkaka-slow mo with Zackrey."

"Anong ginawa niyo?" Lumapit si Patchot sa amin.

"Ikaw siguro si Patchot. Ako si Zackrey, pinsan ni Ivan." Inabot niya yung kamay niya at kinuha naman yon ni Patchot.

"A-aray!" Sigaw ni Zackrey. Ang higpit ng hawak ni Patchot sa kamay niya.

"Anong ginawa mo kay Lavinia, ha?"

"Wala! Aksidente yung nangyari. Sinusubukan ko lang isuot sa kanya yung snapcap tapos natumba siya kaya inalalayan ko siya. Aray!" Mabilis na sagot ni Zackrey na namimilipit.

"Ah, ganon ba?" Lumuwag yung hawak ni Patchot. "Oo, ako nga si Patchot. Nice to meet you." At binitawan niya na yung kamay.

Lumapit si Zackrey kay Ivan at bumulong, "Girlfriend mo ba talaga yan?"

"Oo. Walang duda. Asan na yung mga pasalubong namin?" Lumapit si Ivan sa maleta. "Astig! Sakin ba tong rubber shoes?"

"Oo. Pinabibigay ni Mama."

"Pakisabi, salamat! Tara gamitin na natin to! Basket na tayo!"

"Agad-agad?" Sabi ko.

"Oo! Ano nga palang pasalubong sayo, Lavinia?"

"Wala siyang nagustuhan eh." Sagot ni Zackrey.

"Wala talaga siyang magusutuhan sa mga dala mo. Ang gusto niyan mga pangkikay, di ba Lavinia?" Sabi ni Ivan.

Kilalang kilala talaga nila ako. Sana lang maipakilala ko rin yung totoong ako.

"Ah. Oo. Syempre. Mga panlalaki kasi yung dala mo eh. Gusto ko sana mga pink tsaka flowers. You know."

"Next time na lang. Tatandaan ko yan." Sabi ni Zackrey.

"Pano, tara na? Excited na akong subukan tong bagong kicks na to." Dali-daling sinuot ni Ivan yung rubber shoes at hinila si Patchot palabas.

"Sigurado kang ayaw mo nung cap?" Tanong ni Zackrey sakin nung nakalabas na sila Patchot.

"Oo naman. Mukha bang interesado ako dun?" Sabi ko.

"Yung tingin mo kasi kanina. Akala ko gusto mo."

"Wala yun. Bilisan mo na. Ikaw yung magsu-sub kay Paul diba?"

Nagpaalam kami kay Tita Baby at sumunod kila Ivan. Pagdating namin sa court, andon na si Kit na kakampi ni Zackrey at si Paul na manunuod. Nag-usap sila Kit at Zackrey ng ilang minuto, naglagay sila ng bigote tapos game na.

Nakatayo lang ako sa gilid ng court. Si Paul naman nakaupo sa bench.

Magaling pala magbasketball si Zackrey. Kahit mas matangkad si Ivan sa kanya nakakalusot pa rin siya. At nakakapag three points pa. Hindi siya masyadong lumalapit kay Patchot. Siguro naiilang siya. Siguro first time niya may makalabang babae sa basketball. Yung totoong basketball. Hindi yung parang agawan ng bukong basketball. Ganoon kasi maglaro yung mga kaklase kong babae pag intrams.

"Go, Patchot! Kaya niyo yan!" Pagche-cheer ko. Pero ayaw ko namang matalo sila Zackrey.

Pero bakit? Buti nga yun, eh. Nang maiganti ako nila Patchot. Para hindi niya na ako asarin. Para siya naman yung asarin ko. Pero bakit parang ayaw ko siyang matalo?

Tiningnan ko yung mukha niya para maghanap ng sagot.

Pero lalong dumami yung tanong.

Bakit parang mas gumwapo siya ngayon? Bakit parang mas mabilis yung tibok ng puso ko, parang mas mabagal yung takbo ng mundo.

Bakit parang may bolang papalapit sa akin? Bakit hindi ako makagalaw?

"La~vi~nia! I~lag!~" Narinig kong sigaw ni Patchot. Pati yung sigaw niya slowmo.

Hindi ko na naiwasan yung bola. Tumama yun sa ulo ko at napahiga ako. Buti na lang hindi nabagok yung ulo ko.

"Lavina, ok ka lang?" Ang labo ng paningin ko pero naaaninag ko sila. Naunang lumapit si Patchot tapos sumunod na sila Ivan, Paul, Kit at Zackrey.

Zackrey.

Unti-unting luminaw yung paningin ko.

"I love you, Zackrey." Bigkas ko ng hindi nag-iisip. Hindi nga ba nabagok yung ulo ko?

"Hoy. Kanina ka pa nakatulala dyan. Tapos na yung game." Pinalo ni Paul yung balikat ko. Nakita ko sila Kit na nagpupunas ng pawis. Si Patchot naman pinupunasan yung pawis ni Ivan.

"Tapos na? Sinong nanalo?"

"Wala. Tabla. Next time na lang yung rematch. Hapon na."

"A-ano." NKKHY yung nangyari kanina. Anong idadahilan ko? "Yung sinabi ko kanina."

"Ano ba yung sinabi mo?"

"Yung ano.. wala ba akong sinabing kakaiba kanina?"

"Wala naman. Bakit?" Sabi ni Paul.

Wala akong sinabi?

"Ah. Wala." Lumapit ako kina Patchot bago pa maghinala si Paul."GG nga pala guys."

"Good Game? Mukhang hindi mo naman napanuod." Sabi ni Patchot.

"Nanuod ako. Medyo nadistract lang ako."

"Ginagamit niyo rin yung GG sa basketball?" Sabat ni Zackrey. "Pag nagdo-DOTA lang namin yun ginagamit, eh."

Sumagot naman si Ivan at Kit at nag-usap na sila na parang walang nangyari.

Mukhang imagination ko lang yung kanina.

Mabuti naman.

Hindi!

Hindi mabuti yun! Bakit pati imagination ko naiinvade ni Zackrey?! NG to. Not Good!

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon