1. SMM - Slow mo moment

1.8K 42 3
                                    

"Anong gusto mong gupit, iha?" Narinig kong malumanay na tanong ni Tita Gwen sa babaeng customer.

Nasa salon ako ngayon ng Mama ni Ivan, ang 'Hair na me, kaya gaganda na U'. Nagbabasa ako ng magazine hawak ng kaliwa kong kamay habang nagpapamanicure sa kanan.

"Yung mas gaganda pa ako!" Sabi ng customer habang umiiyak.

"Aba! May gustong pakitaan!" Sabat ng isang parlorista.

"Iha, don't cry. Remember, with every drop of luha, wrinkle ang makukuha. Mm-mm." Sabi ni Tita Gwen habang umiiling. "But don't you worry, we are always 'hair' for you. Sige nga, sino bang lalaki ang nagpaiyak sayo?"

Nanlaki yung tenga ko tinigil ko ang pagbabasa at sinigurado kong maririnig ko yung sagot ng babae.

"Yung anak niyo!" Sabi niya at kumunot ang noo ko. 

"Pwes! Libre na yang gupit mo." Sabi ni Tita Gwen. 

"No!" Kiniyom yung kamay ko na wala pang nail polish.

"Ah, sandali lang po." Sabi ko sa manicuristsa. Binawi ko yung kamay ko sa kanya at tumayo. "Babalik po ako. Sandali lang."

"Hoy, saan ka na naman pupunta? Tatakasan mo na naman ako." Narinig kong sabi ng manicuristsa pero hindi ako lumingon. Tuloy-tuloy lang akong naglakad, yakap-yakap yung hand bag ko, papunta sa lechonan ng Papa ni Patchot, ang 'King-Con's Lechon'.

"Uy, girl! It's positive! Nangangaliwa si Ivan!" Dire-diretso ako sa loob ng lechonan. Naabutan kong naglilinis ng bituka ng baboy si Patchot.

"Na naman?" Ni hindi ako nilingon ni Patchot. Tuloy lang siya sa paghuhugas.

"Ano ka ba girl, this is your chance! Your second chance na makatakas jan kay Ivan! Oh, handa ka na ba? Handaan na!" Lumingon ako mula kay Patchot patingin sa pinsan niya. "Ay, kuya Gordo, mag-papaletchon ako! Magpapa-letchon talaga ako!"

"Wow! Yaman! Hindi mo pa nga nababayaran yung kinuha mo nung pasko, eh." Pantatabla ni Kuya Gordo.

Humarap ulit ako kay Patchot, wala man lang syang karea-reaksyon. Bumaba tuloy yung energy ko. "Ay, ano na? Hindi ka man lang ba magagalit kahit konti?" 

"Anong gusto mo? Sa tuwing may iiyak na babae dahil kay Ivan magagalit ako?"

"But, of course! Nangangaliwa siya!" Sabi ko.

Biglang napatingin sa akin si Patchot at tinakpan ng braso nya yung bibig ko.

"Oy, anong kaliwa yan? Ha?" Sigaw ng pinsan ni Kuya Gordo. "Tito King, oh! Kinakaliwa si Patchot! Kinakaliwa! Ano uupakan na ba natin?"

"Ay, hindi po! Hindi po! Ibig kong sabihin, hindi pa tapos lagyan ng nail polish yung kaliwa kong kamay." Excuse ko. Hinila ko si Patchot palabas para hindi na nila marinig yung pag-uusapan namin.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo, Lavinia? Hindi naman kasalanan ni Ivan na iniiyakan siya ng mga babae." Sabi ni Patchot habang naghuhugas ng kamay. Nagpunas na rin ako ng mukha.

"Oo nga naman." Narinig namin yung boses ni Ivan. "Sa gwapo kong 'to, marami talaga ang iiyakan 'to. Pero isa lang mahalin nito."

"Yuck ang corny. Ew." Sabi ko na nag-arteng parang nasusuka.

"Oh, BBF!" Bati ni Patchot kay Ivan at nagbeso sila. Yung ngiti nila abot tenga. Halatang kinilig si Patchot sa banat si Ivan.

"BBF as in Best BoyFriend?" Tanong ko.

"Pwede ring Best Boy na Friend. Hindi naman kasi namawala yung Ivan na bestfriend ko, eh." Sabi ni Patchot at nagtinginan sila ng malagkit.

"Sus. Nilalanggam na ako sa ka-sweetan niyong dalawa. Mukhang okay naman kayo kaya aalis na ako." Tumalikod na ako pero humarap ako ulit dahil nagsalita si Ivan.

"Sa susunod kasi, wag ka nang sugod ng sugod. Wag kang mag-alala, hindi ko naman sasaktan si Patchot, eh. Diba?" Inakbayan ni Ivan si Patchot at kinindatan pa. "Mag-alala ka na lang sa lovelife mo. Kaya ka sugod ng sugod kasi wala kang lovelife." 

"Ano ka ba? Bata pa yang si Lavinia. Wag muna." Pinalo ni Patchot yung dibdib ni Ivan.

"Aray! Bata ba yan? Mas makapal pa makeup sayo, oh."

"Ah basta. Dadating lang yan sayo Lavinia. Wag kang magmadali, ah. Catch?"

"Catch. Una na ako." Kinawayan ko sila at lumabas na ako nang...

Nakita ko si Paul.

Naglalakad.

Palapit sa akin.

In slowmo.

Eto na ba yung slowmong sinasabi nila? Si Paul ba yung OTL ko? Kung ganon, bakit ngayon ko lang napansin?

"Huy! Tulala ka dyan? Naga-gwapuhan ka sakin no?" Malayo pa lang nagsasalita na siya.

May dumaang tricycle sa harap ko. Kumurap ako at tinapik ko yung pisngi ko. Ang bagal niya pa rin maglakad.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko. Hindi pala slowmo. Mabagal lang talaga maglakad si Paul.

"Na-sprain yung paa ko. Iniwanan pa ako ni Ivan. Excited kasi makita si Patchot. Kala mo mawawala." Sabi niya. "Wag ka mag-alala, okay na ako."

"Sabi mo, eh. Sige, una na ko. Hindi pa tapos yung kuko ko, eh."

Naglakad ako, absent minded. Pinag-iisipan ko yung sinabi ni Ivan. Masaya din siguro magka-lovelife. Nakakainggit nga sila ni Patchot, eh. Laging masaya. Laging sweet. Tapos inaalagaan siya ni Ivan kahit kaya naman niya yung sarili niya. Hindi ko namalayan, tagaktak na yung pawis ko dahil sa init. Hapon na rin at summer pa. Kumuha ako ng tissue sa ba nang biglan...

Bogggs!

May nabangga ako.

"Ouch!" Nahulog yung bag ko at nagkalat yung laman nun. Concealer. Foundation. Highlighter. Eye shadow. Eyeliner. Mascara. Brush. Blush-on. BB cream. Lip balm. Lip tint. Lipstick. Buti na lang hawak ko yung phone ko at hindi ko nabitawan.

Pinulot ko isa-isa ang mga yun nang may nakita akong kamay na tumutulong sakin. Nagdikit yung kamay namin nung sinubukan naming pulutin yung lipstick, at may kakaiba akong naramdaman.

Tumingala ako para makita yung mukha niya. Eto na nga siguro yung slow mo moment. Hindi. Eto na talaga yun.

Bumagal yung galaw niya. Tumigil ang paligid. Wala akong ibang nakita. Siya lang. Ang lalaki sa harap ko.

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon