3. KTB - Kilig to the Bones?

1.1K 37 5
                                    

Nakakainis kung umasta yung mga turista dito sa Cebu. Porket galing silang Maynila at may pera sila pwede na silang manglait?

Hindi ako nakatulog dahil sa pagpapahiya sakin nung gwapong lalaki na yun kahapon. Buti na lang walang ibang tao nun. First time ko mapahiya ng ganun, ah.

Pero maliban dun.. first time din, in a long time, na nakaramdam ako ng slowmo.

Pero bakit ganon? Akala ko slowmo na, bakit tumalon pa? Siguro nga hindi pa yun yung moment. Baka masyado akong nagmamadali. Binalaan pa man din ako ni Patchot. Kasalanan to ni Ivan, eh. Binanggit niya pa kasi yang lovelife na yan, naconscious tuloy ako.

Mabuti na lang tumigil yung slow mo. Kasi ang sama ng ugali ng lalaki na yun.

Pumunta ulit ako sa salon nila Tita Gwen para magpamanicure ng ibang kulay. Malas yata yung kulay na napili ko kahapon. Umupo ako sa harap ng salamin, wala pa namang nagpapagupit.

"Baka mamaya tumakas ka na naman." Sabi ng manicurista.

"Hindi na po. Promise. Pwede nyo nang tapusin." Sabi ko ng nakangiti.

Kumbinsido na akong seryoso si Ivan kay Patchot. Hindi ko na kailangang magreport tulad ng dati. Nagpicture na lang ako ng pang instagram. Hashtag new, hashtag nailpolish... na naman.

Maya-maya, may pumasok na babae at umupo siya sa likod ko. Nakita ko sa salamin sa harap ko yung reflection ng mukha niya. Nakasimangot at basang-basa ng luha yung pisngi. "Magpapagupit po ako." Sabi niya.

"Anong gupit ba ang gusto mo, iha?" Narinig ko na naman ang signature na tanong ni Tita Gwen.

"Yung gaganda pa ako!" Sabi ng babaeng customer habang humihikbi.

Alam ko na ang susunod dyan. Ipo-promote ni Tita Gwen ang salon niya tapos tatanungin niya kung sino nagpa-iyak sa customer at sasabihin ng customer...

"Yung pamangkin niyo!"

"Ha?!" Halos tumayo ako sa kinauupuan ko nung narinig ko yun.

Nakita ko sa salamin na nagulat din si Tita Gwen. Natahimik siya ng ilang segundo bago nagbago yung expression ng mukha niya.

"Okay. Libre na yang gupit mo." Sabi niya sa customer na parang nanghihina.

May pamangkin si Tita Gwen? At nagpapaiyak din ng babae? Kawawa naman ang salon ni Tita. Gusto ko na sanang makisagap ng balita kaya lang biglang tumunog yung chimes at bumukas yung pinto.

"Hi, Ma." Bati ni Ivan kay Tita habang pumapasok ng salon. Bumeso sya sa mama niya.

"Hi, anak. Siya nga pala, yung pinsan mo.." naputol yung sasabihin ni Tita nung nakita niyang hindi nakikinig si Ivan.

"Lavinia, andito ka pala. May basket ngayon. Sasama ka?" Tanong niya habang lumalapit sakin. Nagkibit balikat na lang si Tita.

"Syempre. Pero diba na-sprain si Paul kahapon? Ayos na ba siya? Ano, one on one kayo ni Kit?" Sabi ko sa salamin.

"Isa-isa lang. Ayos na si Paul pero hindi muna siya maglalaro. Pero two on two parin. May magsa-sub sa kanya." Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sino?" Tanong ko.

Bago pa magsalita si Ivan, narinig kong tumunog ulit yung chimes ng pinto. Automatic na pumunta dun yung mga mata ko.

"Oh, ayan na pala siya, eh." Sabi ni Ivan na nakaturo sa may pinto.

May lakaking sumandal sa frame nun. Nakilala ko agad siya. Naka-itim siyang jersey uniform na may number 01. Nasa ulo niya yung kamay niya, inaayos yung buhok. Nakataas yung isang gilid ng labi niya na pumuporma ng ngiti.

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon