9. GHOHOL - Group HangOut HangOut Lang

626 30 2
                                    

NKKNS.

Nakakainis kung pano nababago ng tao na 'to yung nararamdaman ko sa loob ng isang segundo. From surprised to kilig to asar to hiya to inis. Tapos ngayon, eto na naman sya. Ilang araw ko pa lang siyang nakilala pero whirlwind of emotions na yung naramdaman ko. Hindi na ko magtataka kung nasa panaginip ko man siya or should I say, bangungot.

Mga ilang segundo akong nagmunimuni bago kumatok si Mama sa kwarto ko. "Lavinia, anak. Bakit mo iniwan yung bisita mo dito?"

So hindi nga panaginip.

"Ano kasi Ma..." hindi ko sya bisita. Kung alam nyo lang, isa syang maligno na nagpaanggap ng tao. Yun, yun ang dahilan kung bakit iba-iba yung nararamdaman ko. Malamang minagic niya ko!

"Lavinia!" Naputol yung imagination ko sa sigaw ni Mama. "Nakakahiya sa bisita mo, hindi kita pinalaking walang modo."

"Ma.." binuksan ko yung pinto at sumilip ng kaunti. Yan yung panglaban ni Mama sakin eh, kesyo hindi niya ako pinalaking ganito, hindi niya ako pinalaking ganyan.

"Hindi naman sa wala akong modo. Nakakahiya lang, hindi pa ako naghilamos tsaka nagtoothbrush." Palusot ko na naman. Nagiging sinungaling ako sa lagay nito.

"Kung ganon, bilisan mo na at mag-ayos kana. Kanina pang alas- otso naghihintay yan sayo." Tumalikod si Mama para bumalik sa kusina.

"Ha?" hinawakan ko yung kamay ni Mama at dahan dahan siyang pinapasok sa kwarto ko. Tapos sinara ko yung pinto at pabulong kong sinabi, "Kanina pa siyang alas otso dito?!"

"Oo." Sabi ni Mama na parang hindi big deal.

"Ma! lampas 10am na. Dalawang oras na siyang nandito?! Bat di nyo ako ginising?" Sabi ko ng pabulong pa rin habang pumapadyak-padyak ng paa.

"Sabi niya kasi wag na daw kitang abalahin, makapaghihintay naman daw siya. Nahiya naman ako kaya ginising na kita."

After two hours pa nahiya si Mama. Napakamot ako ng ulo. NKKHY.

"Sige Ma, maghihilamos na po ako."

Pagkatapos ko maghilamos, naglagay ako ng light make up at fake highlights. Nagdalawang isip ako bago lumabas. Hanggang sa naisip ko, pag binilisan ko lumabas, mas madali matatapos. Kaya lumabas na ako. Nandoon siya sa harap ng TV at ng tirang juice at sandwich, nakaupo at nanunuod ng...

"Be Careful with my Heart?!" Napasigaw ako sa gulat. Anong oras na? Ilang oras ba ako nag-ayos? Tsaka nanunuood siya ng BCWMH?

Tiningnan nya ako pero mabilis lang, tapos bibalik nya yung tingin nya sa TV. "Akala ko hindi ka na lalabas, eh. Inabutan ko pa tong palabas na 'to. Maganda pala 'to."

"First time mo mapanuod yan?" Sabi ko at umupo ako sa ibang silya.

"Oo. Nanunuod ka ba nito? Ang ganda pala nito."

"Hindi ako masyadong nasusubaybayan."

"Ang ganda... ang ganda ni Niknik." Sabi niya ng hindi tinatanggal yung mata sa TV.

Ha?

Napatingin din ako sa TV at ayun nga... si Nikki Grace Lim.

"A-ano bang pinunta mo dito?" Sabi ko.

"Mamaya ko na sasabihin, pag patalastas na." Nakatutok pa rin yung mata niya sa TV habang nagsasalita.

Sumandal na lang ako sa upuan at nag-cross arms. Tatlong oras din sya naghintay sakin, ayokong isumbat nya sakin yun. Ano nga bang pinunta nya dito at naghintay sya ng tatlong oras?

"Ano nga palang napag-usapan nyo ni Mama? Sigurado ako hindi ka lang tumunganga sa loob ng tatlong oras."

"Wala naman, pinakita nya lang yung mga baby pics mo.."

"Ha?!" napasigaw na naman ako.

"Joke." Sabi ng walang kaemo-emotion, kala mo hindi big deal. Ano bang meron sa mga tao ngayon? Palibhasa hindi sila yung mapapahiya kaya hindi big deal sa kanila. Magkaka-heart attack ako sa mga taong to.

"Nagtanong lang sya tungkol sa akin. Kasi ngayon niya lang daw ako nakita dito. Sinabi ko na pinsan ko si Ivan tapos yun." Sabi niya habang nakatingin kay Niknik.

"Ano pa? Yun lang pinag-usapan nyo?" Tanong ko.

Inalis nya yung tingin niya sa TV at tumingin sa akin. "Bakit, interesado kang malaman yung mga bagay tungkol sakin?"

Eto na naman yung mapang-asar nyang ngiti! Hindi ba kami pwedeng mag-usap ng hindi nya ako inaasar? Okay na sana, eh!

"Hindi ako interesado, okay? Ano ba talagang pinunta mo dito? Dahil kay Ivan no?"

Wala naman syang dahilan para pumunta dito, maliban na lang kung inutusan sya ni Ivan.

"Oo. I-tour mo daw ako dito sa Cebu." Sabi nya habang umiinom ng juice. At home na at home.

"Bakit naman naisip ni Ivan na gagawin ko yun?"

"Kasi.. kasama naman sila. Tsaka si Patch tsaka yung sila Paul at Kit."

Bigla akong naexcite. "GHOHOL? Ba't ngayon mo lang sinabi?  Tatlong oras kang nandito, dahil lang dun? Ba't hindi na lang ako tinext ni Patchot? Ngayon na ba? Baka nakapag-ayos na sila. Hindi pa ako naligo, hindi pa ako nagbreakfast. Minsan na nga lang kami mag-GHOHOL dahil sa schedule nila Patchot. Magcocollege na sila next year kaya busy sila. Ako naman, 4th year palang kaya lagi akong naiiwan. Tapos lagi pa silang nagda-date ni Ivan. RYP, and KASF. Remember your place, and keep a straight face. Nakakahiya naman kung lagi akong nakabuntot sa kanila."

"Chill lang. Sasabihan ko na lang sila na hintayin tayo. Babalikan nalang kita dito. Mga 1pm, ok na?"

"Susunduin mo ako dito?" hindi naman ako makapaniwala.

"Oo, bakit?" sabi niya.

"Mas alam ko yung lugar na 'to. Tsaka lagi naman akong pumupunta kila Patchot o kila Ivan. Kaya ko na."

"Kahit na, susunduin parin kita."

"Bakit? Ang bait mo yata ngayon. Aasarin mo na naman ba ako?"

"Hindi no. Mabait lang talaga ko. Yung nangyari nga pala nung una tayong nagkita, hindi pa ako nakakapag-sorry. Sorry sa ginawa ko." Sabi niya. Parang ambait yata nito ngayon. Oh, well, sabi nga ni Patchot, give him a chance.

"Teka, ano nga pala yung GHOHOL?"

~~~~~

Salamat sa pagbabasa! Good news! Baka makapag-update na ako every week! Yey! Baka mga Saturday o Sunday. Pero lagi kong ineedit yung previous chapters, pasensya na. Kaya pag binasa nyo ulit yun, medyo iba na, pero wala namang malaking pagbabago. Magkaaway parin sina Lavinia at Zackrey. Hehe.

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon