"Sorry." Inulit niya. Ni hindi siya makatingin sa hiya.
Hindi ito yung usual na Zackrey. Hindi nang-aasar tapos sorry ng sorry. In a way, mas gusto kong makita yung mapang-asar na ngiti niya kesa yung nanlulumo niyang mukha.
"Kasalanan ko rin yata kasi feeling close talaga ko. Akala ko kasi friendly kayong lahat dito. Kasi mainit naman yung pagtanggap sa akin nila Paul, Kit at Patchot." Sabi niya.
Syempre friendly sila. Hindi kasi sila nagka-slow mo sayo. Hindi sila maiirita pag-inasar mo sila kasi hindi ka naman nila gusto. Hindi sila mag-iisip kung normal bang magkagusto sa taong di nila kilala kaya di nila kailangang pigilan ang sarili nila. Hindi nila kailangang mag-isip kung anong susunod sa "hello", kung pano pag nag-goodbye ka na. Pano pag bumalik ka na sa Maynila.
"Sorry talaga." Sabi niya ulit.
Hello? Ako dapat yung mag-sorry. Tinakasan kaya kita. Tinaguan kita tapos nakarma ako pero ikaw pa rin yung sinisisi ko.
"Sige, ganito na lang.." tumayo siya.
Ano, lalayo ka na lang sakin? Mas maganda kung ganon. Mas magiging madali buhay natin.
"Para mapatawad mo ko, babawi na lang ako sa yo." Sabi niya.
"Ha? Pano?" Sabi ko. Ano na naman kayang iniisip nito.
"Secret. Basta wag lang aalis jan, ah? Babalik ako. Catch?" Sabi niya tapos tumakbo palabas. Pano naman kaya siya babawi?
Bahala siya pero dapat siguro umalis na ako bago pa siya makabalik. Baka madala pa ako sa mga damoves niya.
"Oh, san ka pupunta." Sabi ni Tita Baby nung nakita niyang umaalis ako.
"Uuwi na po ako." Sabi ko.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Zackrey? Dito ka lang daw." Nakikinig pala siya.
"Pero Tita Baby.. ano po kasi." Nag-isip ako ng palusot pero naubusan na yata ako. Nagamit ko na lahat.
"Ano bang problema? Sabihin mo lang, pagsasabihan ko yang si Zackrey." Sabi ni Tita Baby. Inakbayan niya ako at inupo sa sofa.
"Sya po kasi, eh. Lapit ng lapit sa akin."
"Eh ano namang problema doon?" Sabi ni Tita Baby.
"Gusto ko nga po siyang iwasan."
"Bakit nga?"
"Kasi po.. kasi po nagka-slow mo ako sa kanya." Ayan nasabi ko na. Hindi ako makatingin kay Tita Baby. NKKHY.
"Ayon naman pala. Eh ano namang problema dun?"
"Hindi pa ako sigurado kung anong nararamdaman ako." Sabi ko.
"Paano ka makakasiguro kung wala pa nga, pinipigilan mo na?" Sabi ni Tita Baby.
"Kung sakali man, kung sakali lang na totoo tong narararamdaman ko, at hindi lang to infatuation, ano namang magagawa ko? Katatawanan lang tingin niya sakin. Tsaka aalis din siya pagkatapos ng summer. Iiwan niya rin ako kagaya ng ginawa ni Papa." Sabi ko.
"Naaalala mo pa ba yung panahon bago kayo iniwan ng Papa mo? Yung mga masasayang oras?" Biglang tanong ni Tita Baby.
"Syempre naman po. Ang totoo niyan, kaya mas masakit, kasi ang dami niyang masasayang alaalang iniwan sa amin." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Must Be Love (Nashlene Version)
FanfictionNakita na nina Patchot at Ivan ang slow mo at fast forward nila sa isa't isa. Paano naman si Lavinia?