7. TBKD - Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

826 29 5
                                    

Paglabas ko ng comfort room, rinig ko na yung kwentuhan sa table namin.

"Dapat araw-araw natin tong gawin." Sabi ni Ivan habang kinakain yung buntot ng letchon.

"Oo nga. Basta si Zackrey lagi magbabayad." Sabi naman ni Paul.

"Ano ba kayo? Mahiya naman kayo kay Zackrey." Sabi naman ni Patchot.

"Wala yan kay insan. Diba insan? Sabi ni Kit na nakiki-insan kahit hindi naman pinsan.

"Oo naman, insan. Minsan lang naman ako dito eh." Sabi ni Zackrey na feeling mo eh pinsan talaga si Kit.

"Nice, magandang tawagan yan, ah. Insan ka na rin namin, tutal parang kapatid na rin namin si Ivan." Sabi ni Paul.

"Ibig sabihin ba niyan, insan na rin tawag ko sayo?" Sabi ko habang hinihila yung upuan para umupo.

"Ikaw bahala, basta mas gusto kitang tawaging Lav." Sabi naman ni Zackrey na may halong pang-aasar. Na naman.

Narinig ko naman yung sabay sabay na "Uuuy!" nila Ivan, Patchot, Kit at Paul.

"Eh kung hindi na lang kaya insan ang itawag ko sayo. Zack na lang. Kasi Zack-zackan ka ng yabang. Saksakan pa mang-asar."

"Ikaw bahala, Lav." Tapos pinakitaan niya na naman ako ng mapang-asar niyang ngiti.

"O sya, tama na yang asaran na yan. " Sabi ni Patchot. Buti na lang laging nandito si Patchot. "Tulungan niyo na lang akong linisin tong kinainan natin. "

Hindi na kami iba kina Tito King kaya tumutulong kami sa kanila pag napapadaan kami.

Medyo malaki rin yung kainan nila, lalo pang lumaki nung kinuha sila dun sa Hair and Make up Contest. May tatlong sink sila sa kusina kaya hinati-hati namin yung hugasan sa tatlo. Sinama na rin namin yung kinainan ng ibang customer. Pinagpahinga muna namin yung pinsan ni Patchot na naghuhugas kanina.

Hindi ko napansin na sa paghati namin ng hugasan, nagkapartner-partner kami. Kasama ni Patchot si Ivan, si Kit naman kasama si Paul. At ako... kasama si Zack.

"Sunod ka ng sunod sakin. Yung totoo, may gusto ka ba sakin? " Biglang tanong ni Zack habang naghuhugas kami ng pinggan.

Kita mo nga naman, saksakan talaga ng yabang. Bagay sa kanya yung pangalan niya. Kahit medyo tama siya, mayabang pa din yung pagkakasabi niya.

"Hoy, FYI, nagkataon lang na magkasama tayo sa isang sink. Kung gusto mo lumipat, dun ka kila Kit." Yun na lang nasabi ko. Ang bilis ng pangyayari eh. Tsaka hindi pa naman talaga ako sigurado dito. Baka infatuation lang to.

"Tinatanong lang naman kita. Ayoko kasi ng tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Baka mamaya may gusto ka pala sakin, tapos inaassume mo na may gusto rin ako sayo. Baka mamaya umiyak ka pa jan gaya ng ginawa ng babae dun sa parlor ni Tita. Ganito lang talaga ako sa mga kaibigan ko."

"Ok. Ok. Basta wala akong gusto sayo." Yata. Sa ngayon. Infatuation lang to, hormones. At kahit magkagusto ako sayo, hindi ako mag-aassume. Kasi sawa na akong umasa. Ginawa ko na yun dati kay papa. Nakakapagod na.

"Ok. Yun naman pala eh."

Ilang minuto akong natahimik dahil naalala ko si papa. Yung mga panahong kasama pa namin siya. Yung umalis siya. Yung nag slowmo ang mundo. Kaya natatakot din ako sa slowmo na to kay Zackrey. Kasi alam kong aalis din siya. Babalik din siya sa Manila. Isa na namang dagdag sa listahang "Bakit Hindi Ako Dapat Magka-slowmo kay Zackrey"

"Huy! Tulala ka dyan?" Sabi ni Zackrey. Tinalsikan niya ako ng konting tubig. "Iniisip mo siguro na may gusto ka saakin no?"

"Hoy! Hindi lahat ng bagay tungkol sayo." Sabi ko. tinalsikan ko rin sya ng tubig.

"Uy, ang dami nun ah! Mababasa ako!" Sabi niya tapos sinabuyan nya ako ng mas maraming tubig.

"Mas marami yung sayo!" Sabi ko at ginantihan ko sya.

Parang walang tao sa paligid namin. Walang sumasaway. Inaasahan kong sawayin ako in Patchot pero hindi niya ginawa. Sumali pa nga sila sa paglalaro ng tubig. Una, sila ni Ivan tapos pati sina Kit at Paul.

Hanggang dumating is Tito King.

"Anong nangyayari dito?" Sigaw niya. "Patchot, kayo na naman in Ivan no?"

"Tay partner, hindi po ako."

"Ikaw na naman Ivan, no?"

"Ah.. Tito King, hindi po si Ivan." Sabi ni Zack. "Ako po. Sorry po."

"Ikaw? Akala ko si Ivan na naman. Sige, okay na. umuwi na kayo. Basa na kayo. Tsaka wag na kayong masyadong maglalaro ng tubig, mga binata't dalaga na kayo."

"Ok po. Sige po. Salamat. Sorry po ulit." Sabay sabay na sabi namin.

Nagpaalam na kami kila Patchot at Tito King.

Paglabas namin, inasar pa ako ni Kit. "Uy, ginawa nyo yung ginawa ni Ivan dati. Baka kayo rin magkatuluyan ni Zackrey."

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon