10. SOA - Starting Over Again

680 30 5
                                    

Nagsuot ako ng light blue tank top sa ilalim ng pink hanging shirt tapos yellow skinny jeans, with matching red Chuck Taylor. Naglagay ako ng moisturizer, tapos BB cream, foundation tapos eyelash, eyebrow blush on, lip balm, liptint, lipstick. kinabit ko rin yubg fake highlights na pink at apple green.

Bago pa mag 1pm, nakita ko sa bintana ng kwarto ko na dumating na si Zackrey. Suspicious. Naka light blue vneck lang sya at white shorts at tsinelas. Narinig ko yung katok nya mula sa kwarto ko. Tapos narinig kong nag-usap sila ni Mama, pero di ko masyadong maitindihan.

Lumabas ako ng kwarto. Tumingin sakin sila Mama at Zackrey sa akin, tapos.. boom! Slowmo! Parang yung prom scene sa mga movies. Pupunta yung escort sa bahay ng babae, tapos kakausapin siya ng tatay ng babae, sasabihing alagaan yung prinsesa nya. Tapos bababa ako sa hagdan at lalapit si papa sa akin, hawakan yung kamay ko at ipapasa sa escort.

Kaya lang hindi ito JS, wala kaming hagdan, wala na akong papa at hindi ko escort si Zackrey. Tsaka yung ngiti nya hindi yung ngiti ng escort na nakita yung date niya. Parang napilitan.

Bumalik ako sa reality. Masyadong marami na yata akong romantic movies na napanuod.

Nagpaalam kami kay Mama at umalis. Mga ilang hakbang mula sa bahay namin, tumigil ako.

"Hoy, Zackrey." Sabi ko at humarap ako sa kanya.

"Ano yun?" Sabi nya. Humarap din sya sakin. Gumalaw yung lips nya na parang ngingiti at mang-aasar na naman. Kaya bago pa sya magsalita, nagsalita ako.

"Pwede, wag mo na ako asarin? Kung gusto mong maging ayos yung GHOHOL. Hindi rin kita aasarin kung hindi mo ako aasarin."

"Ha? Bakit? Bakit okay lang pag sila Kit, tapos Ivan, lalo na si Paul?"

"Iba kasi yun, eh. Halos sabay na kami lumaki ng mga yun, kilalang kilala na nila ako, kilala ko na sila. May unwritten rule kasi sa pang-aasar. Una, dapat close kayo ng inaasar mo. Kasi king hindi, may mapipikon na isa sa inyo. Sa rule 1 pa lang, bagsak ka na.

"Tungkol na naman ba to sa pagiging close atin?

"Nakakainis kasi pag galing sayo. Hindi lang maganda na ang dami nating sinasabi tungkol sa isa't isa kahit wala tayong masyadong alam tungkol satin." Sabi ko.

Hindi siya umimik. Huminga siya ng malalim at yumuko. Tapos tumingin sya sa mga mata ko. Nasa gilid kami ng kalsada, malayo yung mga mukha namin, pero parang tumatagos yung tingin niya.

"Ok, pero may sasabihin muna ako sayo. Una, hindi 'to GHOHOL.." Sabi niya.

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Tayo lang dalawa, hindi natin kasama sila Patchot." Yumuko sya na parang nahihiya sa pagsisinungaling nya.

"So sinasabi mong niloko mo lang ako? Magpapa-tour ka lang talaga sa akin, dinamay mo pa si Ivan? I'm outa here." Tumalikod ako para umuwi.

Naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko. "Please, let me explain."

Hindi mahigpit yung pagkakahaway nya. Parang binibigyan nya ako nang choice na makinig sa kanya o magwalk out.

At pinili kong makinig. So much for last chance.

"Ok." Sabi ko at nag cross arms ako.

"Wala sa bahay nila sila Ivan. May college entrance exam daw sila. Kaninang umaga pa sila umalis tapos marami pa daw silang aasikasuhin. Kasama nya sila Paul, Kit, pati si Patchot. Walang computer sa bahay nila Ivan. Bored na bored na ako, wala akong magawa. Hindi pinadala ni Mama yung gadgets ko. Mahina yung 3G dito. Hindi ko makausap si Tita Baby, lagi na lang syang nagpa-practice para sa Hair and Make up contest. Ayoko namang tumambay sa parlor, alam mo naman yung nagyari nung pumunta ako dun. Ikaw na lang yung kilala ko dito."

Halos hindi na sya huminga sa pagnamadali mag-explain. Tumahimik sya at tumingin sa akin. Pinipigilan nyang humingal o hindi lang siya humihinga dahil sa kaba sa paghihintay sa desisyon ko.

Tinaas nya yung kilay nya na parang nagtatanong, "Ano na?" in a gentle way.

Tiningnan ko yung braso ko, wala na dun yung kamay nya. Nasa pulso ko na. "Ano pa bang magagawa ko? Hawak mo yung kamay ko. Bihis na bihis na ako, at ayokong ulitin yung napakahaba mong explanation kay Mama pag tinanong niya ako kung bakit ako bumalik."

Agad nyang tinanggal yung kamay nya sa pulso ko. "Ayan, hindi na kita hawak. Sasama ka parin ba?"

"Di ba nga, sabi ko, sayang yung pagbihis ko." Sabi ko tapos nagsimula na akong maglakad palayo sa bahay.

"Sigurado ka? Baka mamaya iwanan mo ako sa gitna ng kalsada, ah. Wala akong alam dito sa Cebu." Sabi nya habang hinahabol ako.

"Kung ayaw mo di uuwi na lang ako." Tumalikod ako at naglakad na naman pabalik.

Hinawakan nya yung dalawang braso ko para pigilan ako. "Uy, joke lang. Naniniguro lang."

Tapos sabay kaming naglakad, hindi namin alam kung saan papunta.

"So, mahilig ka sa Spiderman?" sabi nya out of the blue.

"Ano na namang tanong yan? Nang-aasar ka na naman ba? Di ba sabi ko wag mo kong aasarin, kahit hindi na to GHOHOL, ineffect pa rin yung favor ko."

"Ano namang pang-aasar dun?"

"Alam naman natin yung Spiderman baller na tinanggihan ko di ba? Tapos yung unan ko punong-puno ng Spiderman."

"Hindi naman ako nang-aasar, ah. Gusto ko lang malaman kung bakit mo tinanggihan yung baller, mukha namang gusto mo si Spidey. Sya kaya favorite superhero ko." Sabi nya.

"Dapat kasi mga pambabae lang daw yung isuot kong damit kasi dalaga na daw ako." Sabi ko. Nagmadali ako mag-lakad para maiwan sya at maiwasan yung topic, pero ang bilis nya maglakad.

"Sino naman nagsabi nyan? Parang di ka naman dalaga. Para kang barbie na nag-dress up. Mas mukha ka pang bakla tingnan kesa kay Tita Baby." Sabi nya, na nang-aasar.

I can't believe it. Inulit na naman nya. Iiwanan ko talaga to. "Bahala ka nga sa buhay mo! Sabi ko last chance mo na 'to tapos inaasar mo parin ako. Kung hindi ka makatiis na hindi ako asarin, di maglibot ka ng Cebu mag-isa mo."

"Huy, teka lang. Sorry. Nakakatuwa ka kasi asarin eh." Narinig ko syang tumawa. Tapos pinigilan nya. "Promise, di ko na uulitin. Tsaka na pag close na tayo, at marami na akong alam sayo."

"At natuwa ka pa? Masaya ka? Ganon. Haha?"

"Hindi. Sorry. Ganito na lang, umulit na lang tayo sa simula." Sabi nya.

"Umulit sa simula? Ano na namang pauso yan?"

"Kalimutan mo yung lahat nang pang-aasar ko sayo. Kalimutan mo nung una tayong nagkita. Kakalimutan ko nung nagsinungaling ka na ayaw mo kay Spiderman, kakalimutan natin lahat! Kunwari turista lang ako na nakabangga mo dito sa daan, tapos malalaman mo, nagkataong pinsan ako ni Ivan." Sabi niya.

Paano ko naman makakalimutan yung una naming pagkikita, yung mga pang-aasar nya sakin, yung ngiti nya, yung tingin nya, yung slow mo.

Kahit gusto kong makalimutan yun, ngayong naexperience ko na, parang may kulang pag nawala yun. Pero siguro nga ito ang solusyon. Magsisimula kami ulit, at baka, baka lang, mapigilan ko mag slow mo, para hindi na ako nahihirapan mag-isip kung ano ibig sabihin nun. Kung pareho ba yung sa slow mo na nakita ni Ivan kay Angel o yung slow mo na nangyari kay Patchot.

"So magkakabangga ulit tayo? Di ba ganon din tayo nagkita dati?"

"Mas ayos nga yun eh, mao-overwrite ng bagong memory mo yung luma." Sabi nya. Ginawa pang computer yung utak. "Ok, lalayo na ako ah, pag lapit ko, ulit na sa simula. Game!"

Tumalikod siya at tumakbo palayo. Sinundan ko ng tingin yung likod nya, hanggang hindi ko na nakita.

***

May ginagawa po akong Nashlene video, just click on the media sa gilid. Sana maka-comment kayo :) Title: 101 Reasons to Ship Nashlene (not yet final) Pwede rin kayong magcomment dito. :)

Must Be Love (Nashlene Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon