6. KFT - Kakaibang Food Trip

1.2K 33 5
                                    

"Lavinia, nakakarami ka na, ah." Sabi ni Tito King habang sini-serve yung order namin.

Pagkatapos kasi magbasket, dumiretso kami sa eatery nila Patchot. Maliban sa lechonan, meron din silang eatery, nadedeliver din sila at nagcacater.

"Hindi naman sa pinipigilan kita kumain, mabuti rin naman yung kumikita kami. Pero nakakahiya kasi sa bisita natin. Hindi porket libre sasamantalahin mo na." Dagdag niya na may halong pagbibiro.

Hindi ako kumibo. Puno ng pagkain yung bibig ko. Sumubo pa ako ng malutong na balat ng lechon. Masarap talaga pag libre.

"Baka maubos pera ni Zackrey niyan ah. Baka hindi na ulit tayo ilibre niyan." Sabat naman ni Paul na nasa tabi ko.

"Akala ko ba diet ka, Lavinia?" Sabi ni Kit na katabi ni Paul.

"Walang diet diet pag libre." Sabi naman ni Ivan na katabi ni Patchot. Hindi ko alam kung nagsasalita siya para sa akin o para sa sarili niya.

Tama. Walang diet diet pag libre. Pero lalong walang diet diet pag kaharap ko si Zackrey. Yung taong naglalagay ng void sa bituka ko. Na kahit gaano karami yung nakain ko, pakiramdam ko wala pa ring laman yung tiyan ko. Pakiramdam ko, magaan pa rin ako. Nakalutang parin ako.

Sino ba kasi nagsabing umupo siya sa harap ko? Kasalanan niya pag naubos yung pera niya.

"Basta samin yung buntot ah." Sabay na sabi nila Patchot at Ivan.

"Kinakain niyo yung buntot?" Tanong ni Zackrey.

"Ganyan talaga yang dalawang yan." Sagot ni Paul. "KFT. Kakaibang Food Trip."

"Si Zack naman, mahilig yan sa kanin, pero hindi tumataba." Sabi ni Ivan.

"Bagay pala kayo ni Lavinia eh, mahilig sa ulam yan. Ayaw niya kasi ng carbs kasi nakakataba daw." Sabi ni Patchot.

"Oo nga no, hindi kayo tao, hindi kayo hayop, para kayong ulam at kanin, bagay na bagay, MTB." Sabi ni Kit habang nakatingin sa hangin.

"Ano bang pinagsasabi niyo? CR nga muna ko." Sabi ko.

"Problema non?"

"Natatae siguro. Ang dami kasing kinain."

"Wag ka mag-alala hindi ikaw magbabayad!"

Narinig kong sigaw nina Paul, Kit, at Ivan bago ako makaalis tsaka sila nagtawanan ng malakas.

Pagpasok ko sa restroom, tinitigan ko lang yung sarili ko sa salamin. Mayamaya pa, pumasok si Patchot.

"Lavina. Okay ka lang ba? Medyo wala ka kasi sa sarili mo kanina pa." Sabi niya.

"Okay lang ako. May iniisip lang."

"Naiilang ka ba kay Zackrey?" Tiningnan niya yung mata ko sa salamin.

"Ha? Ah, eh.." iniwasan ko yung tingin niya.

"Yung nangyari kanina, aksidente lang yun. Wag ka mailang dahil dun." Hinawakan niya yung balikat ko.

"T-tama. Aksidente nga. Tsaka hindi naman ako naiilang dahil dun eh."

"Dahil saan?"

"Ah.. wala, ang ibig kong sabihin, hindi ako naiilang.. at all. Yun."

"Nagka-slowmo ka ba sa kanya?"

"Ha? hindi! It can't be... haha. Bakit naman ako magkaka-slowmo. Sa kanya pa?"

Tumingin ako kay Patchot pero di siya kumibo. Yung mukha na parang hindi naniniwala.

"Sabi mo, eh."

"Wala ngang slowmo na nangyari. Tsaka kung meron, hindi ko gugustuhing sa kanya. Eh, ang sama-sama ng ugali noon."

"Lavinia, pinsan sya ni Ivan, siguro naman hindi sya ganon kasama. Give him a chance."

"Ok." Buntong hininga lang ang naisagot ko. Naunang lumabas si Patchot restroom habang nagpaiwan ako.

"And the winner for the Best Actress in a slow motion picture is..." sabi ko sa sarili ko sa salamin. "Lavinia! Ikaw na!"

Sorry kung kinailangan kong magsinungaling sayo, Patchot. Ang gulo lang kasi ngayon. Bakit ako magkaka slow mo sa lalaking yun? Kung slowmo nga yun, kakaiba din yung trip ni Destiny.

Must Be Love (Nashlene Version)Where stories live. Discover now