Chapter 46

1.1M 22.9K 3.9K
                                    

Chapter 46

Ang Pagpapaalam

Nakatingala ako sa kisame habang hinahaplos ni Jayden ang buhok ko. Nakabalot kaming dalawa sa iisang kumot.

"I'm sorry." Paulit-ulit niyang sinabi ito sakin.

Suminghap ako.

"Okay lang. Nabigla ka rin siguro. Hindi ko kasi nasabi sayo yung tungkol sa pagpapakita ni Jake. It wasn't significant for me. Ngayon ko nga lang naalala na nagkita kami sa bar bago yung Bridal Shower."

"Oo," Tumikhim siya, "Inaamin ko, hindi ako agad nalinaw sayo, pinangunahan ako ng selos. But damn, Cha, nagulat ako noong nag walk out ka. Akala ko simpleng walk out lang. Nung nakita kitang dumiretso sa gate namin, doon pa lang ako natauhan."

Hindi ako umimik. I just can't take your family anymore, Jayden. Well, the Sys. Ayos naman ang mga Corpuz. At nahiya na rin ako. Nagpunta doon ang ex kong boyfriend pala ni Justice. Nasaktan namin si Justice kahit wala naman talagang nangyaring masama doon. Dapat akong mag apologize kay Justice, pero wala na... hindi ko na ata kayang pumunta pa sa bahay nila at humarap sa kanyang pamilya pagkatapos ng kahihiyang natamo.

"I'm really sorry for being... just... to jealous... everytime." Hinalikan niya ang pisngi ko.

Sumulyap ako sa kanya at ngumisi. For some reason, nagugustuhan ko ang pagseselos niya. Kahit na noong nandoon ako sa scene ay mejo nawasak ang puso ko nang wala siyang ginawa. Madali talagang magpatawad pag mahal mo ang tao.

"Cha..." Malambing niyang utas.

"Hmmm?"

"Bakit di ka nag re-react diyan?"

"I'm thinking..." Nakapirmi ang mga mata ko sa kisame.

Siya naman ay nakatitig sakin. Kitang kita ko ang mga mata niyang mabigat akong tinititigan.

"What are you thinking?" Mabilis niyang tanong.

Hindi ako umimik. Iniisip ko kung paano namin malalagpasan 'to. I mean, it's his family. Sa buhay mag asawa, parte sila ng buhay ninyong dalawa. Hindi pwedeng kayong dalawa lang. Importante din ang family ties. Lalong lalo na sa pamilya ko, inaasahan na nila ang pagkakasundo ko sa pamilya ni Jayden. Importante din kasi sa amin ang pamilya. Kaya nga close na close ako sa mga pinsan ko ay dahil masyadong kaming family-oriented.

"Charity..." I can hear his frustration.

"Just about us." Tinignan ko ang mga kuko ko.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanyang mukha.

"What about us?" Nakakunot na ang noo niya at namumutla.

Kumunot din ang noo ko, "Paano na ito ngayon? Anong gagawin natin? Kasal na tayo pero hindi ako matanggap ng pamilya mo..."

Mabigat siyang bumuntong hininga.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon niya. Para siyang nabunutan ng tinik. Kinusot niya ang mga mata niya saka bumuntong-hininga ulit bago tumitig ulit sakin.

Umiling siya, "Akala ko kung ano na ang problema mo." Buntong hininga niya ulit.

I tilted my head, "Bakit? Anong iniisip mong problema ko?"

"Akala ko give up ka na sakin. Akala ko papatulan mo na ang annulment na sinasabi ni mama."

Tumawa ako at pinagmasdan siyang mabuti. Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Nataranta ata siya kanina kaya lubos ang paghinga niya ng malalim nang malamang hindi ganun yung iniisip ko.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon