Chapter 10

1.1M 25.4K 11.4K
                                    

Chapter 10

Ang Halik

Kinikilig ako habang ako yung pumipindot sa elevator at si Jayden ang nagdadala ng lahat ng pinamili niya para sakin. Para kaming mag boyfriend at girlfriend.

Tahimik kami sa elevator. Nakangiti ako habang tinititigan siyang mukhang nasunugan naman yung mukha. Nakakunot ang noo niya at mukha paring galit.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong niya.

"Ikaw? Bakit ka nakasimangot?" Pabalik kong tanong.

He sighed.

"Ah! Alam ko na! Pareho tayo ng dahilan. Nakangiti ako coz we're together. Nakasimangot ka, coz we're together."

*TING*

Nasa 15th floor na kami kaya sabay kaming lumabas ng Elevator. Kukunin ko na sana yung mga bag ng damit para makapasok na siya sa condo niya pero iniwas niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Ako na maghahatid nito sa condo mo." Aniya.

Natigilan ako at nilagpasan niya. WHY ARE YOU SO GENTLEMAN AND SWEET? Alam ko, harsh ka sakin, pero unconsciously, lumalabas ang pagka gentleman mo. Yung ibang lalaki, pa impress, nagpapakagentleman pero sa huli, ang sasama pala ng ugali. Pero itong si Jayden, pinipilit ang pagiging harsh kahit na sa totoo naman ay gentleman siya.

Mabilis ko siyang sinundan. Binuksan ko ang condo ko at agad din siyang pumasok sa loob.

Nilapag niya ito sa pinakamalapit na table at umambang aalis na.

"Jayden, Jayden, Jayden, wa'g ka munang umalis." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya, "Bakit?"

"Dito na tayo maghapunan. Please!"

"I can cook my own food."

"Alam ko naman yun. I just want to thank you for these."

Huminga siya ng malalim at tumango, "Alright. Since I'm too tired to cook. Siguraduhin mong masarap yan." Masungit niyang sinabi at tinalikuran ako.

"O, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Magbibihis lang ako. Seriously? You're too clingy." Umirap siya at umalis.

Napatunganga ako sa sinabi niya.

Me? Too clingy? Yan nga yung palagi kong reklamo sa mga naging boyfriend ko dati. Clingy sila. At ako naman ngayon ang nagiging clingy? Hindi naman ako clingy, ah? Nag tanong lang naman ako! Ugh! Jayden!

Imbes na isipin ko yung sinabi niya, nagluto na lang ako. Nasanay na rin naman ako sa mga banat niyang nakakasakit. Nagiging immuned na ako sa mga harsh words niya. I don't know if that's a good thing or a bad thing.

"Malapit nang matapos." Sabi ko nang bumalik siya at nakabihis na ng puting t-shirt at nakaupo na sa sofa ko.

Hinilig niya ang ulo sa sofa. I really admire his soft features. Mukha siyang korean or japanese actor na nakikita sa mga koreanovela. Hindi ko talaga type yung mga ganito, mas gusto ko yung mga Fernando Jose ng mga Brazilian or Latina drama pero itong si Jayden lang yata ang nakakapag convert sakin at gumigising sa asian blood ko. Bakit napadpad ako sa mga drama?

Umupo siya ng maayos at may inamoy sa hangin.

"Sunog na ba yang niluluto mo?" Tanong niya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon