Chapter 32

1.1M 25.6K 4K
                                    

Chapter 32

Ang Pirma

Malamig ang trato ni Jayden sakin buong byahe. Nakabusangot ang mukha niya at natulog na lang sa tabi ko.

"Jayden, ginugutom ako." Ginising ko siya sa kalagitnaan ng byahe.

Kinusot niya ang kanyang mata at tinignan ako.

"Paki tigil po ang sasakyan pag sa pinakamalapit na syudad o kainan." Aniya sa driver.

Hinawakan ko ang tiyan ko at nag pout sa inaantok niyang mukha. Inirapan niya ako. Kahit natulog siya ay hindi niya parin yata nalilimutan ang nangyari kanina.

Ang sungit! Pero caring at sweet at the same time.

Ang laki ng ngisi ko pagkatapos kong kumain. Hanggang Cebu City yata malaki parin ang ngiti ko. Pero nang nakarating na kami sa Riala ay gumapang na ang kaba sakin.

Dad's going to embarrass me in front of the man I love. Malalaman ni Jayden lahat ng kabulastugan ko noon. Baka nga umurong pa siya sakin dahil doon.

"Namumutla ka yata?" Tanong ni Jayden nang napansing tahimik ako pagkarating ng floor namin sa Riala.

"H-Huh? Hindi ah?" Napalunok ako.

Darn it! I can imagine dad's mustache while smoking his cigarette.

"Hijo, this is the deal, marry her or marry her. Kung hindi, hindi ka na makakalabas ng buhay sa bahay na ito." And his evil laugh!

Joke! Hindi naman ganun si Daddy pero alam kong desperate siyang makahanap ako ng matinong lalaki gaya ni Jayden.

Tapos naiimagine ko namang napapalunok ng sampung beses si Jayden sabay pangangatog ng tuhod.

"AYOKO NA SAYO, CHA! AYOKO NA! AHHHHH!"

Parang ang OA yata ng imagination ko.

"Huy!" He snapped his fingers at me.

Napatalon ako sa bigla.

Nasa tapat na pala kami ng pintuan ko. Wait a minute, bakit siya nandito sa tapat ng unit ko? Nakasandal ang braso niya sa pintuan ko tsaka pinagmamasdan akong maigi.

"Are you nervous?"

Umiling ako. I shouldn't be nervous! Siya nga dapat yung nininerbyos dito!

"Kung ganoon, bakit ka maputla?"

Kinagat ko ang labi ko bago siya sinagot, "Hindi naman, ah?"

Bahagya akong napatingin sa kanya at tumindig ang balahibo ko sa mabigat niyang titig.

Napaatras ako. Para niyang tinitignang mabuti ang mukha ko, ang kaluluwa ko... at iniisip kung ano ba talaga yung iniisip ko.

Yung isang kamay niya ay tinulak ako palapit pa lalo sa kanya. Mas naging mabigat at madilim ang titig niya sakin dahil sa pag iiwas ko ng tingin.

"What? You don't wanna be tied to me?"

Napalundag ang puso ko. Uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Kaso, ganun parin ang titig niya sakin.

"What do you mean?"

"Parang Biyernesanto iyang mukha mo ngayong palapit na tayo sa dinner, ah? Ayaw mo ba talagang matali? Parusa ba para sayo ang maging asawa ko?"

Tinawag ko na talaga lahat ng santo sa mga sinabi ni Jayden. Naalala ko tuloy ang Patron namin dito, kailangan ko na yatang magsimba dahil sa sobra-sobrang biyayang binigay ni Sto. Nino sakin!

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon