Chapter 22

1.1M 23.8K 2.3K
                                    

Chapter 22

Ang Sigarilyo

"What are your plans, Cha?" Tanong sakin ni A.

Pauwi na akong Cebu. Hinawi ko ang buhok ko at bumaling ako sa kanya.

"Come what may." Sagot ko.

"Lalayuan mo ba si Jayden?"

Umiling ako, "I'm not bitter. May kasalanan din ako dito. Hinayaan ko siyang gawin iyon sakin. And since mature naman siya, alam niya kung saan siya lulugar sakin kasi alam ko na yung lihim niya. He would probably help me move on. Ganun siya..." Sabi ko.

Umiling si A. Tinalikuran ko na lang siya para makaboard na sa eroplano. Nakinig na lang ako ng mga kanta ni Beyonce habang nasa loob ako ng eroplano. Iniisip ko yung mga mangyayari sa muling pagkikita namin ni Jayden. Yun ay kung babalik pa siyang Cebu. Taga Manila naman siya, at may kasalanan siya sakin, kung guilty siya, dapat di na siya bumalik. Hayaan niya na lang akong mag move on. Pero dahil alam kong gentleman siya, hindi niya yun gagawin. He will talk to me... apologize. But darn, I hate that kind of shit! Tapos na! Hindi na maibabalik pa. Hindi na maibabalik ng sorry ang saya ko.

Men. Akala ko iba si Jayden, ngayon, pareho din pala siya sa iba. They are born to betray, it's just a question of when.

"WELCOME BACK, CHARITY! To the place where people think you are drunk all the time!" Tumatawang bati ni CJ sakin sa Mactan International Airport.

Kinuha niya ang bag ko. Nakita ko rin si Erica, kasama niya.

"What's up? Bakit niyo ako sinusundo?" Tanong ko nang nakakunot ang noo.

"Sinabi na ni A samin yung nangyari." Humagalpak siya sa tawa like me being broken hearted was a big fat joke. "Come on, kaya ka namin sinusundo kasi hindi lang literal na nagbalik ka, talagang magbabalik ka na! If you know what I mean."

Pagod akong ngumisi at isa-isa silang tinignan.

"Finally, tinamaan ka ni Cupid!" Tumawa na rin si Lyka.

"I'm exhausted." Sabi ko sabay lakad.

"Oh no! Wa'g mong sabihin yan! Excuse mo lang yan! Tara! Let's party!" Sabi ni Lyka.

Nag isip akong mabuti sa maari kong idahilan para hindi ako makasama. I know... I need a break from all these sad feelings. Talagang pagod lang ako.

"Babalik na akong Bantayan bukas." Sabi ko.

Nakita kong napaawang ang bibig ni CJ nang narinig ang sinabi ko. Ngkatinginan pa si Erica at Lyka.

"You're not going back there, Cha." Utos ni Lyka.

"No. I'm okay..." Tumawa ako. "Naka ilang boyfriend na ako at kaya ko naman silang iwan kahit nakaaligid parin sila sakin. I'm sport. Wa'g tayong maging bitter. I can handle myself around him. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. I can move on even if he's around me... You know that."

"I don't know, Cha. This guy's different. Alam mo yan. Kaya nga nawiweirduhan kami, diba?"

"But what do I do? Mag reresign sa Bantayan? Pareho lang yan. Tsaka... I won't push myself too much. Kung hindi ko na kayang i-handle, saka na ako magreresign. But like I said, I'm not bitter about us. I get his point. I get everything." Napayuko ako.

Tinulak at hinila ako ng dalawang pinsan ko papasok sa sasakyan ni CJ. Ayaw talaga nilang paawat. Gusto talaga nilang isama ako sa bar.

"Sige, pagbibigyan ka namin. But I want you to have fun tonight, okay?" Sabi ni Erica.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon