Chapter 5

1.1M 25.9K 4.4K
                                    

Chapter 5

Ang Pagkakakulong

"Dad, alam mo namang hindi ako tulad ni Ate Nat." Umirap ako kay Daddy.

Ayan na naman siya at nangungumusta sa lovelife at career ko. Kaya ayaw kong sinasabi sa kanya yung nangyari samin ni Anthony nung isang araw dahil panigurado, dalawa lang ang pwedeng mangyari, lalayo ako sa Cebu o di kaya ay irereto niya ako sa ibang tao.

"May boyfriend na ako at mahal ko siya." Untag ko habang iniisip si Jayden. Charing! Ang assuming ko talaga. Pero yes na, ayaw kong mag isip siyang nag loloko na naman ako. "Tsaka, I'll work. No need to chain my future, dad."

Si Ate kasi, sumusunod sa lahat ng gusto ni daddy at mommy. Ayaw ko pa namang sumunod sa mga rules. Gusto kong maging malaya.

"Saan?"

"Kina Chase Martin. Sa Resort nila sa Bantayan. That means mejo mamamalagi na ako dun."

"Bantayan Island?" Tumaas ang kilay ni Daddy.

Umirap ako at tumayo na. "Alis na ako dad, pupuntahan ko pa sina Erica."

"Alright." Suminghap siya. "Tawagan mo naman yung mommy mo! Kakarating lang nila ng Manila. Hinahanap ka. Hindi ka raw sumasagot."

"Opo. Sorry po. Medyo busy. Mamaya."

Lumabas ako sa VIP section at tumuloy sa section nina Chase. Nandun parin sila at kasama na nila ang tatlong mukhang mga propesyunal na mga babae. Dalawa sa mga babae dun ay nakikipag usap kay Jayden. Nakangiti si Mr. Masungit habang kinakausap ang dalawa.

Nasulyapan niya ako at bumaling siya kay Chase. May sinabi siya kay Chase na dahilan kung bakit sabay-sabay silang tumayo at umalis.

Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ang pagdako ng kamay ni Jayden sa baywang ng huling babae. Makinis at mahaba ang buhok ng babaeng ito. Mukha rin siyang interesado kay Jayden dahil masigla silang nag uusap na dalawa. Sumulyap si Jayden sa akin nang nandoon na sila sa pintuan at palabas na. Naabutan niya akong tulala at nakasimangot sa kanilang dalawa.

Nag half-run ako palabas ng Crimson para maabutan sila.

Nakita kong hinatid niya sa loob ng taxi ang tatlong babae. Nakangiti siyang kinawayan ang mga ito. Nakita ko ring umalis na si Chase at Luke gamit ang kani-kanilang sasakyan.

Pinatunog ni Jayden ang sasakyan niya tsaka kinawayan si Chase at Luke.

"Jayden!" Tawag ko.

Lumingon siya at sumimangot sakin.

"What?"

"Saan ka pupunta? Pwedeng pahatid?"

Nilingon niya ako.

"I'm not your driver." Masungit niyang sinabi.

"Kung pwede lang naman sana. Kung uuwi ka ng Riala, pwede namang i drop mo na lang ako sa Mango. Kailangan kong pumunta dun. Nandun kasi ang friends ko."

"What is with you and your night life?" Kumunot ang noo niya.

"What?" Kumunot din ang noo ko.

"And what's with your clothes? Tss. Diba sabi ko sayo wa'g kang mag soot ng mga ganyan ka iksi kung ayaw mong mabastos?"

Tinignan kong mabuti ang short-shorts ko at peplum top.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon