Chapter 2

1.3M 29.3K 4.7K
                                    

Chapter 2

Ang Kapitbahay

"Hey!" Tinawag ko siya pero nalunod na siya sa mga tao sa bar.

Tumunganga na lang ako sa high chair. Hindi ko matanggal ang titig ko sa lugar kung saan siya nakatayo kanina.

Ang hunk niya pero ang sungit. Sino kaya yun? Talagang nilait pa ako, huh? Is that some strategy? Art of Seduction? Tsk.

Patuloy ako sa pagtunganga hanggang sa may biglang kumalabit sakin.

"Cha! Ano bang nangyayari sayo? Drunk?" Humalakhak si CJ.

Pinalibutan ako ng mga pinsan ko. Nandito rin pala ang ibang kaibigan ko.

"Saan kayo galing?" Tanong ko.

"Sa VIP Room. Ang bilis mo yatang na lowbat? Inaasahan ko pang magpapaulan ka ng alak bago ka bababa ng stage, eh." Tumawa si A.

Binigyan ko sila ng masasamang tingin. For some reason, nawalan ako ng gana sa gabing ito. Hinawi ko ang buhok ko at tinignan isa-isa ang mga kaibigan at pinsan ko.

"You okay?" Tanong ni Lyka.

"Yup." Suminghap ako.

"Just some guy..." Sabi ko.

Humagalpak sa tawa si CJ.

Nang marinig yun ng mga kaibigan ko ay umalis na sila at nakihalo na sa mga nagsasayawan. Si CJ na lang ang natira. Pinaglalaruan niya ang cross niyang necklace at inaayos ang ballcap.

"Some guy, huh? Kelan ka pa ba nagkaganyan sa isang lalaki?"

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Cej, this is different. Nilait ako nung lalaking ito. Alam mo yun, tinawag niya akong prostitute. Inagaw niya sakin yung death stick at inupos sa ash tray."

Tumaas ang kulay ni CJ, "So? Buong akala mo lalapitan ka niya para pormahan pero nilait ka niya kaya gulantang ka?"

Hindi ako nagsalita. Yung iniiisip ko lang dito ay paano niya ako naging 'hate' gayung hindi pa naman niya ako kilala. Pag nakilala niya ako, siguradong magugustuhan niya rin naman ako, diba?

"That's some Art there, Cha. Nagpapansin lang siguro yun para maagaw ang atensyon mo." Nagkibit balikat si CJ ar sinindihan ang isang sigarilyo.

Pinanood ko siyang manigarilyo. Naglahad siya ng isa sakin pero umiling ako.

"Pero kung pinormahan niya ako through that, dapat hindi siya tuluyang umalis, diba?"

My eyes darted at the stage.

"Try mong sumayaw sa stage, baka lapitan ka niya ulit."

Tumango ako at sinunod ang payo ni CJ. Marami ng sumasayaw sa stage pero nang umakyat na ako, naagaw ko agad ang center at pati na rin ang spot light. Nilaro ko ang buhok ko at nag half-open sa bibig habang sumasayaw at sinusuyod ang mga tao sa bar.

Wala siya. Wala yung hunk na pinagalitan ako.

Ilang sandali pa akong sumayaw bago umalis.

"Wala siya, let's go home?" Sabi ko sa mga pinsan ko.

"HUH?" Napasigaw sila at sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila sakin.

"Ganito ka aga, uuwi ka?"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon