Chapter 8

1M 26.4K 6.6K
                                    

Chapter 8

Ang Damit

Ang sakit ng ulo ko. Damn! I can't even cook my own breakfast. Nakahiga lang ako sa kama. Anong oras na kaya. At ano ba yung nangyari kagabi?

Unti-unti akong dumilat at tumingala sa ceiling. Unti-unti ko ring ni re-recall ang lahat ng nangyari. Si Jayden. Ang gentleman na naghatid sakin dito sa condo. Kahit hinalikan ko na siya at alam niyang lasing ako, hindi niya parin iyon pinagsamantalahan. Nagawa niya pa akong talikuran kahit sinabi ko na sa kanyang gusto ko siya.

Napangiti ako sa sarili ko. Damn! My head hurts! Pero hindi parin nito mapipigilan ang saya ko. Kahit na sinabi niyang ayaw niya sakin. He hates me. Masaya parin ako. Kasi gusto ko siya. Is that even possible? Masaya lang ako dahil gusto ko siya. Hindi ko iniinda yung masasakit na salitang sinabi niya sakin.

"Then...change."

What kind of change is that, Jayden?

*KRIIIIIIING*

Napatalon ako sa pag ring ng cellphone ko sa loob ng purse. Anong oras na kaya at bakit may tumatawag? Si CJ ba ito? Pag nagkataong siya, papatayin ko talaga siya. Madaling araw, grabe kung tumawag.

Hinalughog ko ang purse ko. Nang nakapa ko ang cellphone ay agad na lang nilagay sa tainga nang di tinitignan kung sinong tumatawag.

"WHAT?" Naiinis kong pambungad sa tumatawag.

"Whoa! Is that how you talk to your manager?"

Who the hell?

"What manager? I'm the manager of my life. Hindi ikaw. Bye, stalker!" Sabay pindot ko sa end button.

Hinagkan ko ang unan sa kabilang side ko at nag isip. Sinong manager? Wala pa nga akong trabaho may manager na? Manager ng Alchology? Manager ng Riala? What freaking manager?

Napaupo ako sa kama nang narealize kung sino yung tumawag. Napahawak din agad sa ulo kasi unti-unti kong naramdaman ang sakit at pagkahilo.

"OH MY GOD! IT'S JAYDEN!?"

Halos lumipad yung cellphone ko sa pagkakataranta ko nang tumawag ulit siya.

"CHARITY RAMA!" Yun ang pambungad na sigaw niya sakin.

Para akong timang na nakangisi kahit na ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Jayden.

"Yes, good morning!" Bati ko.

"KANINA PA KITA TINATAWAGAN? WE HAVE A MEETING RIGHT NOW! PARA SA RESORT! ARE YOU COMING OR NOT! KASI KUNG AYAW MO TATANGGALIN NA KITA! HINDI KO KAILANGAN NG MGA TULAD MO!"

Ang sungit naman ni koya.

"What meeting? I mean... madaling araw."

Narinig ko ang pagsinghap niya, "You're fired-"

"WHOOOPS! Jayden, please, sorry. Kakausapin ko si Chase Martin. Anong oras na ba? Eto na babangon na ako at maliligo at magbibihis. Nasan ka ba?"

"Bye."

"Wait- Shit!" Binabaan ako.

Langya talaga yung hunk na yun! Sus kundi ka lang hunk! Mabilis akong naligo at nagbihis. Pero hindi nawala yung daily routines ko nang paglo-lotion at ano pang mga ritwal. Yun nga lang, hindi na ako nakapagblower ng buhok.

Tinawagan ko ulit yung number ni Jayden para sana magtanong kung nasaan siya pero kinacancel niya ang mga tawag mo.

"Akala mo, ah?"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon