Chapter 19 : Crime of Passion

46.9K 1.9K 1.3K
                                    

Zianne's POV

Napakadilim ng paligid. Kasabay ng napakalakas na buhos ng ulan at maya't-mayang kulog ay ang walang humpay na pagsigaw ng mga kasamahan ko.

Natatakot na ako sa nangyayari kayat napahawak na lamang ako sa tenga upang matakpan nito. Nanaginip lang ako. Hindi to nangyayari. Diyos ko gisingin mo ako sa bangungot nato!


Naramdaman kong may humawak sa magkabila kong pisngi. "Zianne are you okay? Zianne!" Sigaw ni Reese kayat sa kabila ng luhang bumubuhos mula sa mga mata ko ay tumango na lamang ako.

Naaninag ko ang iilang katiting na liwanag na nagmumula sa mga flashlight. Mabuti nalang at nakadala ang iilan sa amin ng mga flashlight.

"Guys calm down! We have to calm down!" Sigaw ni Clark ngunit hindi parin natitigil ang sigawan at tilian.

"Calm down! There are decapitated heads infront of us! We have to fvcking leave right now!" Narinig kong sigaw ni Anika na takot na takot.

"S-sila Kuya Jeffrey! N-nasa kanila ang susi ng bus! Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw naman ni Jarrel.

"Pawns......."

Natahimik kaming lahat nang biglang magsalita si Chase. Nakatayo siya sa harapan ng pugot na ulo nila cherry at kasalukuyang itinututok sa kanila ang flashlight kayat napapikit na lamang ako.

"Chase this is not the time for your stupid chess game! We have to leave right now!" Sigaw naman ni Damon at akmang lalabas na ng pintuan.

"Stupid?!" Sarkastikong napangiti si Chase. "I told you what might happen in this camping trip pero di niyo ako pinaniwalaan! I told you this would happen pero pinagtawanan niyo lang ako!" Sigaw ulit ni Chase.

"Chase! Hindi ito ang tamang oras para magsumbatan!" Sigaw naman ni Yohan na kanina pa tahimik ngunit sa kabila nito, alam kong kagaya koy takot na takot na rin siya.

"Look at their foreheads!" Sigaw ni Chase at itinutok ang mga liwanag sa noo nila. Nagulat kaming lahat nang mapansing may nakasulat na mga katagang PAWNS sa kanilang mga noo. "The knights... The knights are doing their jobs" mahinang bulong ni Chase na mistulang takot na takot.

"Enough with the nonsense! Kuya Jeffrey! Mrs. Romulo!" Sigaw ng sigaw si Clark at akmang aakyat sa hagdan.

"Do you really think that would work? The knights planned all of this! Camping trip na tayo-tayo lang tapos walang signal! Sa tingin niyo ba madali lang tayong makakaalis dito?!" Muling sigaw ni Chase. Takot na takot na ako dito ngunit mas lalo akong natatakot sa pinagsasabi ni Chase.

"So what do you mean chase? Iisa lang sa atin ang gumawa nito?" Biglang saad ni Gavin na kanina pa tahimik. Hindi ko maaninag kung nasaan siya dahil walang flashlight malapit sa kanya.

Zugzwang: The Final PactWhere stories live. Discover now